Chapter 46 - [Amanda]

3.3K 51 8
                                    

Midtown, New York

Makalipas ang tatlong araw ay muling bumalik si Amanda sa New York kung saan siyang dating naninirahan. Dahil doon na siya namuhay ng matagal na panahon ay pamilyar siya sa buong paligid. Kahit papaano ay nakatulong sa kaniya ang pagpunta sa America dahil magkakaroon siya ng chance na makipagkita sa mga dating kaibigan at aliwin ang sarili upang mabawasan ang lungkot at pighating nadarama.

Hindi na rin siya nag-book pa sa isang 5-star Hotel, sa halip ay doon na lang siya dumiretso sa dating bahay ng kaniyang mga magulang na pansamantalang pinangangalagaan ng kapatid ng kaniyang Ina at ng pamilya nito. Tutal ay malaki naman ang bahay na iyon kaya maraming guest rooms ang pupwede niyang okupahin. Isa pa'y mas makakatulong din na makasama niya ang mga ito lalo ang kaniyang mga cute na batang pamangkin para naman palagi siyang may makakausap at may magbibigay saya sa kaniya upang di na niya gaanong maisip si Chris.

Nang makarating siya sa tutuluyang bahay ay naging maingay at masaya ang lahat. Hindi niya inaasahan na may surprise welcome party papala ang mga ito sa kaniyang pagdating, bagay na lalong nagpagaan ng kaniyang loob. Meron pa rin palang mumunting saya na natitira sa mundo ko, sa buhay ko, ang akala ko'y wala ng katapusan ang paghihirap na pagdaraanan ko.

Kinabukasan ay agad na kinita ni Amanda ang dalagang si Atty. Niemer upang mapag-usapan ang lahat ng mga kakailanganing dokumento para sa annulment nila ng asawang si Chris.

"Hi Attorney, it's really nice seeing you again." Nakangiting pagbati ni Amanda sa magandang attorney sabay beso sa pisngi nito.

"Likewise Amanda. Pleasure is mine." Ganting bati rin naman nito ng may matamis na ngiti sa labi.

Nang maka-order na sila ng kakainin para sa lunch meeting na iyon ay hindi na rin nagpaligoy-ligoy pa nga si Atty. Niemer at agad na sinimulan ang mga bagay na kailangan niyang malaman patungkol sa annulment nila ni Chris.

"As I said already, nai-approved na ng korte ang annulment case mo matapos na pirmahan ni Chris ang mga annulment papers. We can clearly state now that the marriage is void and non-existent." Muling lahad ni Atty. Niemer sa mga pangyayari.

Kahit pa ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin pala nababawasan ang sakit at pait sa puso ni Amanda sa tuwing maririnig niya ang salitang annulment. Ang buong akala niya ay magagawa niyang magpanggap na walang epekto ang mga kaganapan na iyon, pero ito siya at dinudurog ang puso habang pinakikinggan si Atty. Niemer sa salaysay nito tungkol sa naging biglaang proseso ni Chris ng annulment case nila.

"Amanda, are you listening?" Tawag ng dalagang Attorney.

"H-huh?" Bigla'y napakurap siya. Hindi niya namalayan na kinain na naman pala ng kawalan ang kaniyang isipan. "Ano nga ult iyon?"

"You're spacing out. Are you sure you want to discuss this now?" Anito na may halong pag-aalala sa boses. "If you want we can talk about this some other time kapag okay ka na. I don't want---"

"I'm alright." Agad niyang putol rito. Ayaw ni Amanda na ipakita sa harap ng attorney ang kaniyang kahinaan lalo pa nga at siya mismo ang unang nag-file ng annulment case na iyon noon. "Don't worry about me, I'm not affected anymore." Aniya ng may pekeng ngiti sa labi.

"Alright, if you say so." Kibit-balikat na tugon nito at muling nagpatuloy sa pagdedetalye ng mga kinikailangan niyang pirmahan at isaayos na mga dokumento gaya na lang ng bahay na dating tinutuluyan nila ni Chris, ang regalo nitong art gallery na kaniyang pinaglagyan niya ng mga kuha niyang larawan o kaya nama'y mga pininta at iginuhit na larawan ng iba't ibang mga lugar at desenyo, at maraming iba pa na pawang pagmamay-ari nila ni Chris bilang mag-asawa.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now