Chapter 12 - [Amanda]

4K 65 2
                                    

Hindi malaman ni Amanda kung gaano kalayo na ba ang natatakbo niya o kung may ilang minuto na ba siyang ganoon. Basta ang tanging na sa isipan niya ay ang makalayo na muna pansamantala sa binatang si Chris dahil hindi nakatutulong ang presensya nito sa kaniya. Mabuti na lamang at di rin siya nito hinabol dahil siguradong mauuwi lang muli sa pag-aaway ang kanilang pag-uusap.

At nang makaramdam ng pagod ang kaniyang mga paa ay naupo siya sa isa sa mga bato roon upang magpahinga at makapag-isip na rin sa kung ano nga bang dapat niyang gawin lalo ngayon na nagugulo muli ang kaniyang puso sa ipinakikita at ipinararamdam na pagmamahal ni Chris sa kaniya.

Ngunit hindi ata talaga nakikisama sa kaniya ang panahon dahil bigla ay nagdilim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at na sa kakahuyan siya na mayroong mga naglalakihang mga puno kaya't hindi siya gaanong nababasa. Kaya nga lang ay dahil sa pagdidilim ng langit ay nagdidilim rin ang paligid niya at hindi iyon magandang senyales dahil hindi naman siya pamilyar sa malawak na lugar na iyon ng Hacienda.

"Shit, paano ba ang pabalik sa Mansion?" Nag-aalalang tanong niya sa sarili. Sa kakatakbo niya kanina ay hindi na niya alam kung saan nga ba siya nagsusuot.

Nagpalakad-lakad pa siya ngunit wala siyang makita na senyales na malapit na siya sa labasan o maging sa batis na kaninang kinaroroonan nila ni Chris.

Ayan kasi puro ka kadramahang babae ka! Naligaw ka tuloy, oh ano paano ka na ngayon?! Inis niyang litanya sa sarili.

At kahit anong pasikot-sikot niya ay di pa rin siya makalabas sa masukal na kakahuyan. Tuluyan na ngang kinain ng takot ang kaniyang dibdib. Kasabay ng pagbuhos ng mas malakas na ulan ay ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata.

"Chris... Chris..." Naiiyak niyang tawag sa pangalan ng binata.

Basang-basa na siya. Nanlalamig. Natatakot. Nawawalan na rin siya ng pag-asa.

Hanggang sa lumitaw sa kaniyang likuran ang puting kabayo sakay ang basang-basa rin sa ulan na si Chris. Kagaya niya ay hindi na rin maipinta ang ekspresyon sa mukha nito.

Mabilis itong bumaba sa kabayo at tumakbo papalapit sa kaniya at mahigpit siyang niyapos. "Thank God you're okay. I've been looking for you everywhere. Ang akala ko ay may masama ng nangyari sayo."

"Chris..." Nauutal niyang wika at saka tuluyan ng napaiyak.

"Pinag-alala mo ako ng sobra. Kanina pa ako paikot-ikot kakahanap sayo pero hindi kita mahanap. I almost died thinking na baka napahamak ka." Nag-aalalang saad nito.

"I'm safe Chris." Aniya rito na mahigpit pa rin ang pagkakayapos sa kaniya.

"Wag mo na uulitin iyon please. Hindi bali nang magalit ka sa akin o saktan mo ako, pero wag na wag ka lang mawawala dahil mababaliw ako." Saad ni Chris saka siya ilang ulit na hinalikan sa noo.

Naibsan ang takot at kaba sa kaniyang dibdib ng masiguradong ligtas na siya. Narito ito sa kaniyang harapan ngayon at tinupad ang sinabi nitong hindi siya nito pababayaan.

Nang kumidlat at sumunod ang mga nakakabinging tunog ng kulog ay napayapos na rin ng mahigpit si Amanda kay Chris.

"Let's go back to the Cabin. Magpatila muna tayo roon hanggang sa umayos ang panahon." Bulong nito sa kaniyang tainga.

Tatanggi pa nga sana siya ngunit ng marinig muli ang mga naglalakasang kulog at pagsilay ng mga kidlat ay nakumbinse siyang mas makabubuti nga kung bumalik sila sa Cabin at doon na muna maghintay hanggang sa umayos ang panahon.

Maingat siyang ginabayan ni Chris paakyat sa likod ng kabayo, at nang masiguro na maayos siyang nakaupo ay umakyat na rin ito at saka agad na pinatakbo ng binata ang kabayo pabalik sa Cabin. Pagdating nila roon ay agad na itinali ni Chris sa lilom ng mga puno ang kabayo nito kung saan hindi ito mababasa.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now