Chapter 41 - [Amanda]

3.2K 33 0
                                    

<Flashback> ... 3 years ago, Midtown, New York.

Nang magising si Amanda ay ramdan niya ang labis na kirot at pananakit ng kaniyang katawan. Pakiramdam niya'y para ba siyang nakahiga sa isang kama na puno ng matatalim na karayom at kutsilyo dahil sa sakit na gumagapang sa buong niyang katawan. Halos wala na rin siyang lakas para maigalaw pa ang kahit na anong bahagi ng kaniyang katawan, maging ang kaniyang ulo ay parang binibiyak sa sakit.

Nang magmulat siya ng mata ay ang nakakabulag na liwanag ng ilaw ang sumalubong sa kaniyang mg mata. At maging ang kaniyang paningin ay may kalabuan rin. A-anong nangyayari... Na saan ako...

Sa isang bahagi ng silid ay narinig niya ang mga boses na nag-uusap, pero dala ng labis na iniindang sakit ng ulo't katawan ay hindi rin niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Sinubukan niyang magsalita pero halos walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig, sinubukan niyang kumilos pero tila ba paralisado ang kaniyang katawan na halos wala siyang pangontrol dito. Sa huli ay kinain lamang ulit ng dilim ang kaniyang malay tao at muli pa nga'y bumagsak siya sa isang mahimbing at mahabang pagkakatulog.

Nang muling magising si Amanda ay naging mas maayos na ang kaniyang pakiramdam, medyo masakit pa rin nga ang kaniyang katawan pero kahit paano ay mas tolerable na iyon kesa noong huli niyang naalala. Paglingon niya sa kanan ay saka lamang din niya napansin na naroroon din pala ang asawa niyang si Chris, nakadantay ito at natutulog habang binabantayan siya.

"C-chris... Chris..." Pangigising niya sa binata habang sinusuklay ng daliri ang ulo nito. "Babe, wake up."

"Hmm..." reaksyon ni Chris ng maalimpungatan ito. "Amanda...?" kunot noong wika nito na tila di mapagtanto kung totoo nga ba ang nangyayari.

"Nasaan tayo, Bakit tayo---"

"Amanda?!" nanlalaki ang matang reaksyon ng binata na agad pang napabangon mula sa pagkakaidlip. Agad siyang hinalikan nito sa noo habang hinahaplos ang kaniyang pisngi. "Kamusta ka? Anong nararamdaman mo? wait, wait, let me call the Doctor." dagdag pa nito na bigla na lamang siyang iniwan sa loob ng silid.

Ilang sandali lamang ay pumasok na roon ang dalawang babaeng Nurse at isang Doktor at agad siyang pinagtuunan ng atensyon. Kinuha ng mga nurses ang kaniyang blood pressure, heart beat rate, at kung ano-anong pang hindi niya maintindihan na bagay. Matapos siyang i-check up ay ininterview naman siya ng may katandaan ng Doktor na base sa itsura ay mukha rin itong may lahing Pilipino gaya nila ni Chris.

"How are you feeling Amanda?" tanong ni Dok Manuel.

"I'm a little okay now than I was when the last time I woke up." tugon niya na walang kaideideya sa mga nangyayari. Noon lang din niya napagtantong na sa Hospital pala siya at binabantayan siya ng asawang si Chris kaya ito naroroon.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo sa katawan mo, may nararamdaman ka bang masakit or do you feel a little numb? how about your head, Nahihilo ka ba o nasusuka or do you feel any kind of unusual feeling?" muling pag-uusisa nito habang pinakikinggan ang kaniyang heartbeat mula sa suot na stethoscope.

"Medyo mabigat ang pakiramdam ko Dok, ang huli kong naaalala ng magising ako ay parang tinutusok ng karayom ang buong katawan ko sa sobrang sakit at parang binibiyak ang ulo ko. Pero ngayon, kahit papaano ay nabawasan naman na ang sakit." bigay imporma niya rito sa nadaramang pananakit ng ulo't katawan sa mga nagdaang araw.

"May naaalala ka ba bakit ka narito ngayon?" Muling tanong pa ni Dok Manuel.

"W-wala po." iiling-iling niyang sagot rito. At nang titigan niya at pag-aralan maigi ang mukha ng matandang Doktor ay halatang meron itong gustong sabihin sa kaniya pero hindi nito iyon masabi ng diretsahan.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now