Chapter 36 - [Chris]

3.2K 41 2
                                    

"Are you having fun?" Tanong ni Chris ng maupo ito sa tabi ni Amanda dala ang bote ng champaigne at flute glass. Katatapos lamang nilang mag-dinner at ngayon naman ay naglatag sila ng sapin sa buhangin habang pinanunuod ang magandang full moon at ang mga maliliwanag na stars sa kalangitan na animo'y abot kamay lamang dahil sa sobrang lapit nito na tila ba humahalik sa kalmadong tubig ng dagat.

"I'm having the second best time of my life right now." Puno ng sayang tugon naman ng dalaga at mahigpit pang yumapos sa kaniya. "Thank you Mister."

"Just second? So what's first then?" Magakasalubong ang kilay na curious na tanong niya sa dalaga.

"Marrying you." Malambing na tugon ni Amanda na may matamis na ngiti sa mga labi.

"Aww, you got me on that one." saka nilapatan ng halik sa labi ang asawa na tinugon naman nito. "I love you so much my Amanda."

"I love you so much more Chris." Puno ng pagmamahal na tugon nito at muli pa ay nagsalo sila sa isang matagal na halik.

Nang dahil sa nalalapit na Stockholder and Investors Event na aattendan ng magkapatid na sina Daniel at Chris sa Amerika upang maging representative ng Hendelson Empire, ay naisipan ni Chris na bakantehin ang buong araw ng Biyernes at Sabado niya para naman makapag-spend sila ng time ng kaniyang Misis bago siya umalis sa Linggo ng madaling araw. At ganoon din naman ang ginawa ni Amanda ng hilingin niyang mag-leave rin ito sa mga nasabing araw.

Dinala niya ang asawang si Amanda sa El Mira, isang pribadong resort sa Puerto Prinsesa, Palawan kung saan tanging mga piling guests lamang ang maaaring makapagbakasyon, at isa na nga siya sa mga VIP guests na iyon. Isa pa ay siguradong walang kahit ang makakaistorbo sa kanilang dalawa dahil sinigurado niya na walang sino man ang makakaalam kung saan sila magpupunta, maging ang Misis nga niya ay sinurpresa lang niya sa kung saang destinasyon sila pupunta, ang sinabi kasi niya rito noong una ay simpleng pasyal lamang sa Hacienda Cazzarina ang gagawin nila para hindi ito maghinala.

Gamitin ang kanilang Family Chopper ay si Chris mismo ang personal na nagpiloto, bagay na inaral niya noon ng nahilig siya sa mga eroplano at jets. Bukod sa licensed siyang magpiloto ay gusto rin niya na maging espesyal ang date na iyon na sila lang talagang mag-asawa ang magkasama. Buhat kasi ng nagkabalikan sila ay hindi pa sila ulit nakakapamasyal ni Amanda sa mga malalayong lugar ng sila lang dalawa.

Napili ni Chris ang El Mira dahil sa napakapribado ng nasabing lugar at napaka-peaceful rin ng view roon. Ang mga nagtataasang puno sa paligid, ang malinis na tubig dagat na halos tanaw na nga ang mga isda at mga nasa ilalim ng dagat dahil sa sobrang linaw niyon, pati na rin ang sariwang simoy ng hangin at mga masasarap na pagkain. Lahat iyon ay siguradong maeenjoy nilang mag-asawa.

Dahil napakaespesyal nang gabing ito ay plinano maigi ni Chris ang isang candle light dinner date sa may sea shore. Kinuntsaba niya ang mga staff ng resort para i-set up ang buong lugar at gawin iyong romantic venue para sa kanilang mag-asawa. Maging ang mga pagkain na ipinaluto niya ay ang mga paborito nilang dalawa.

"I wasn't expecting this kind of date." Humahangang komento ni Amanda na halatang hindi pa rin maka-getover sa saya at kilig na dulot ng surpresang ginawa niya.

"I hope I made you happy babe." Aniya habang sinusuklay ng mga daliri ang buhok ng dalaga at hinahalikan ito sa noo.

"You did babe. I will never forget this for the rest of my life." Buong lambing na wika ng kaniyang Misis ng mahigpit na hawakan nito ang kaniyang kamay at ihilig ang ulo sa kaniyang balikat. "These are the moments that I thank God that I'm alive and spending every second of my life with you."

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now