Chapter 24 - [Chris]

4.2K 59 3
                                    

Matapos ang lahat ng appointments ni Chris ay dumiretso na siya sa venue ng event ng asawang si Amanda, ngayon gabi nakatakda ang re-launching ng Magazine ng Publishing Company nito at bilang Mister ay nangako siya na susuportahan ang kaniyang Misis sa lahat ng proyekto at iba pang mga plano nito para sa sariling career.

"Looking good, aren't we?" Saad ng isang babaeng boses mula sa kaniyang likuran.

Pagharap ni Chris ay napangiti siya ng makita na ang bunsong kapatid na babaeng si Clara. "Anong oras kayo dumating?"

"This morning." Nakangiting sagot naman ng dalaga, "I miss you Kuya." Sabay beso at mahigpit na yumapos sa kaniya.

"I miss you too beautiful." Tugon niya sabay yapos at beso rin dito. "Akala ko hindi na kayo aabot sa event, kanina pa kita tinatawagan pero wala kang sagot, not even a reply message."

"Sorry na Kuya, busy lang kasi ako pagpapaganda. Alam mo naman, malaking event to kaya dapat pretty ako. Who knows, dito ko ma-meet ang prince charming ko diba." Biro naman ni Clara at saka nagpa-cute pa sa harap niya na lalo niyang ikinatawa.

"O sya, tama na yang pagpapaganda mo. We have to go now before we get stuck in the traffic." Paalala ni Chris sa kapatid at saka ito sinabayan palabas ng opisina.

"Aren't we going to pick up Amanda?" Tanong ni Clara habang hinihintay nilang bumukas ang elevator ng building.

"No, diretso na tayo sa venue. Doon na lang natin kikitain si Amanda. She's having a busy today kaya doon na lang natin siya kikitain." Aniya. Ang totoo ay gusto na niyang pumunta agad sa venue para makita ang asawa.

Maaga kasing umalis ang Misis na si Amanda at nag-iwan lamang ng note sa bed side table. Ginising naman siya nito upang magpaalam kaya nga lang ay masyado siyang napagod sa ilang ulit na pagsasalo ng kanilang mainit na pagmamahalan kaya tuloy halos wala siyang lakas na gumising ng maaga at sabayan itong kumain ng agahan. Nagsisisi tuloy siya na hindi naihatid sa opisina ang kaniyang Misis at hindi man lamang ito nagawang i-cheer para sa malaking event na haharapin nito buong araw.

"Hello, are you listening?" Kunot noong tanong ni Clara habang iwinawasiwas ang kamay sa kaniyang mukha upang kunin ang kaniyang atensyon.

"H-huh?" Nalilito niyang tugon, "Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Hay nako, ewan ko sayo Kuya Chris." Naiiling at nakangising sagot ni Clara. "Tara na at excited na ako makakita ng gwapo."

Nang bumukas ang elevator ay agad silang pumasok, diretso na sila sa basement kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan. Isa pa ay gusto na niyang ibigay sa kaniyang Misis ang surprise na inihanda niya para rito, sigurado kasing sobrang matutuwa ito at ang makita itong masaya ay mas dobleng saya naman para sa kaniya.

Matapos ang kulang-kulang isang oras na byahe aya nakarating na rin sina Chris sa venue kung saan gaganapin ang event ng kompanya ng asawang si Amanda. Mabuti na lamang at hindi sila sobrang naipit sa traffic kaya naman umabot pa sila sa bago pa magstart ang program.

Pagpasok nila sa loob ng lobby ay nakita nila roon sina Daniel at ang kambal na si Jace at Trace. At kagaya pa nga ng karaniwan na nangyayari ay napapalibutan ng mga babae ang kaniyang mga naggagwapuhang mga kapatid. Kung sabagay, kinikilalang Most Desired Bachelors at Playboy ang mga ito dahil sa dami ng mga babaeng na-link mula sa local showbiz, mga international models, at business world. Lahat ata ay naka-date na ng mga ito, ang ilan naman ay kasama sa mahabang listahan ng mga girlfriend na napaiyak o kaya naman ay mga short fling lang.

Matapos na makipagbatian sa mga kapatid ay mabilis na hinanap ng mga mata ni Chris ang asawang si Amanda. Kanina pa niya nililingon at hinahanap ang dalaga sa buong paligid pero hindi pa rin niya nasisilayan ni anino man lang nito sa kabuuan ng Event Hall.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon