Epilogue

8.9K 130 16
                                    

Manila, Philippines.

5 Months Later

"Miss Amanda, narito na po ang applicant na ipinapahanap niyo." Saad ng sekretaryang si Karen ng pumasok ito sa silid.

"Okay, let her in Karen. Thank you." Tugon niya habang muling binabasa ang reports na nasa harapan niya.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang inaasahan niyang aplikante. Pero dahil nakatalikod ang kaniyang upuan sa pintuan ay hindi siya nakikita nito.

"Good Morning po." Magalang na pagbati ng pumasok sa silid.

"Good Morning, please take a seat." Tugon niya rito ng di pa rin ito hinaharap.

Pero ng sandaling humarap siya rito ay nakita niya ang pagkagulat at kaba sa ekspresyon nito. "Hi, do you still remember me?"

"M-miss, Miss Amanda..." nauutal na tugon nito na mas lalong nagiging obvious ang kaba at takot sa salita at kilos.

"I'm glad you still remember my name." Nakangiting tugon niya rito. "How are you?"

"Okay lang po. Pero pasensya na po. Kailangan ko na pong umalis may gagawin pa po pala akong importante." Agad na paalam nito.

Pero ng akmang lalabas na ito ng silid ay agad niyang pinigilan ito, "I know everything about you." Seryosong saad ni Amanda na nagpatigil sa kilos nito, "Alam ko na ang lahat ng tungkol sa iyo kaya wala ka ng maitatago pa sa akin."

"Kung ganoon, anong kailangan mo sa akin at bakit pinapunta mo ako rito?" Diretsahang tanong nito sa kaniya.

"Like I said, alam ko na ang lahat ng tungkol sayo, and I want to help." Pagtatapat niya sa totoong pakay niya rito, "I hired a detective to check everything about you. At ako rin ang nagplano nitong job interview na ito dahil alam kong kailangan mo ng mas maayos at mas stable na trabaho." Sinserong pag-amin pa ni Amanda sa dahilan ng kaniyang plano.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo at mas lalong---"

"It's either you will accept my help o kaya naman ako mismo ang magbubunyag kay Vince kung nasaan ka at ang tungkol sa anak niyo... Marie." Prangkahang saad ni Amanda sa dalaga.

"Wag, please wag na wag mong gagawin yan. Nagmamakaawa ako sayo." Bigla'y nagsusumamong wika ni Marie ng lumapit ito sa kaniya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang anak ko please..."

"Then let me help you Marie, hayaan mo akong tulungan ka na magkaroon ng maayos na buhay. Babae rin ako, at katulad mo magiging isang Ina na rin ako. Ang tanging gusto ko lang ay mabigyan ka ng maayos na buhay pati na ang anak mo." Buong pusong wika ni Amanda.

Ang totoo ay wala talaga siyang plano na takutin ito, ang tanging gusto niya lang ay ang makitang maayos ito, may maayos na trabaho at magandang buhay para sa mga anak nito, na anak rin ni Vince. Isang miyembro ng pamilya Hendelson ang bata at may karapatan ito mabuhay ng masagana at maayos.

"Tanggapin mo ang trabaho and I assure you, I will keep your secret safe. Walang ibang makakaalam ng tungkol sa anak mo kundi ako lang. Just let me help you Marie." Muli pang pangungumbinsi niya sa dalaga.

Dahil sa pagkaipit sa sitwasyon ay wala ng nagawa pa si Marie kundi tanggapin ang alok ni Amanda. "O-opo. Sige po, tinatanggap ko ang trabaho pero sana ay tuparin niyo rin ang pangako niyo na hinding-hindi niyo ilalayo sa akin ang anak ko." Hinging panigurado ni Marie sa kaniya.

"I promise you that." Sumpa ng pangako ni Amanda. "And from now on, you will not use the name Marie, ngayon ay makikilala ka na ng lahat bilang si Claire."

"C-claire..."

"Yes, Claire."

Still Yours (Playboy Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin