Chapter 51 - [Chris]

4.3K 54 3
                                    

Midtown, New York.

Busy sa pagta-type ng email si Chris sa kaniyang laptop ng biglang mag-ring ang kaniyang iphone. At nang tignan niya kung sino ang caller ay agad-agad niyang itinigil ang ginagawa at siniguradong mag-isa lamang siya sa kaniyang opisina.

Nang ma-secure ang buong paligid ay saka lamang niya sinagot ang tawag, "Yes, James. What do you got for me?" Aniya sa kausap.

"I got everything Sir. I have all the evidences you'll need and these are all authentic." Tugon naman ng nasa kabilang linya. "Check your email Sir, I sent all the attachments for your reference."

"Hold on, give me a second." Aniya sabay bukas ng kaniyang computer at agad na tinignan ang e-mail na nasa kaniyang private mailbox. Naroroon na nga ang mga kinakailangan niya, "Good job, James. I will wire transfer the money to your bank account now." Buong pasasalamat niya sa lalakeng kausap sa kabilang linya.

"Thank you Sir. If you need anything again, you know how to reach me." Muling pasalamat rin ni James sabay tapos ng pag-uusap nila.

Muli ay binalikan ni Chris ang e-mail ni James at isa-isang pinag-aralan at kinilatis ang lahat ng iyon, ngayon ay may sigurado na siyang magagamit na mga suportang dokumento para sa kaniyang mga plano. I knew it, sinasabi na nga ba at tama ako. Ngayon ay mas sigurado na ako sa mga susunod kong hakbang.

Knock, knock, knock...

Mabilis na isinara ni Chris ang laptop ng marinig ang mga katok na iyon sa pinto ng kaniyang opisina. At nang mag-angat siya ng tingin ay laking gulat niya ng makita niyang si Cindy iyon. "W-what are you doing here?"

"I'm here to pick you up, we still have a meeting with George and Gabby for the media and public opening of Vemouch, don't tell me you forgot about it?" Nakapamewang na paalala ni Cindy habang nakatayo ito sa kaniyang harapan.

"Oh yeah, I remember that." Aniya na kunwari'y naaalala ang sinasabi nito. Sa totoo lang ay nawala talaga sa isipan niya ang tungkol sa meeting nilang para sa media presentation ng Vemouch Le Solaire, mag-oopen na kasi ang 6-star Hotel & Casino limang araw mula ngayon kaya naman napaka-busy at todo ang promotion para sa nasabing lugar.

Kung tutuusin ay wala naman na dapat siyang kinalaman pa sa media presentation na iyon at sa kung ano-ano pang marketing at advertising ng nasabing Hotel & Casino, kaya nga lang, bilang kaniyang kompanya ang nagtayo at nagsaayos ng nasabing structure ay siya ang mas lubos na nakakakilala at nakakaalam ng mga facilities niyon. Isa pa'y pagkakataon na rin ito para i-promote sa buong mundo, lalo na sa mga investors, ang kredebilidad, galing at kalidad na gawa ng Hendelson Empire. Malaking achievement para sa kaniya at para sa buong Hendelson Empire ang kilalanin sa buong mundo, kasabay rin kasi niyon ay ang katiyakan ng success para sa lahat ng empleyado ng kanilang kompanya.

"Let's go?" Pag-aya ni Cindy.

"Sure, let me just---" ngunit kaya nga lang ay muling tumunog ang phone ni Chris at nakarehistrong pangalan sa screen ay si James. "Wait, give me a second. I just have to take this call. It's really important." Paalam niya kay Cindy sabay labas ng opisina upang lumayo at hindi marinig ng dalaga ang pag-uusapan nila ng caller.

Ilang minuto ang nakalipas matapos ang pakikipag-usap kay James ay muling bumalik si Chris sa kaniyang opisina upang ayusin ang mga gamit niyang naiwan. Ngayon ay mas umayon pa lalo ang lahat ng kaniyang plano. Tiyak na matutuwa ang kaniyang buong pamilya oras na maisakatuparan niya ang binabalak, ito na rin siguro ang masasabi niyang pinakamalaking achievement na magagawa niya sa kaniyang sarili.

Hopefully everything will work out as planned. This is my best shot on winning and changing my life for the better. Napapangiti pa niyang wika sa sarili.

Still Yours (Playboy Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat