Chapter 18 - [Chris]

4.6K 68 0
                                    

Matapos maiayos ang sarili ay muling ibinalik ni Chris sa normal ang loob ng kaniyang private office. Itinaas niyang muli ang blinds ng wall-to-celing window, binuhay ang office lights, at saka muling pinaandar ang CCTV na kanina ay pinatay niya ng magtalik silang dalawa ng asawang si Amanda.

Napangiti pa siya ng matitigan muli ang natutulog na dalaga sa mahabang sofa na iyon sa loob ng kaniyang opisina. Mukhang pagod na pagod ito kaya't hindi na nagawang umalis pa matapos na makapagbihis. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mapapagod kung nakatatlong rounds ka agad sa loob lang ng 2 hours. At hindi lang basta simpleng pagtatalik ang ginawa nila kundi isang wild love making ang pinagsaluhan nilang dalawa.

Kahit pa nga siya ay gusto ring umidlip, kaya nga lang ay marami pa siyang trabaho na kailangan tapusin. Maging ang meeting niya kanina ay hindi niya napuntahan, pero isang bagay iyon na hindi niya pinagsisisihan. Dahil kahit na kailan, kahit anong mangyari, hindi na niya muling ipagpapalit sa trabaho ang oras na makasama niya ang kaniyang asawa. Hindi na mangyayari pa ang pagkakamali niyang iyon.

Mula sa pintuan ng kaniyang opisina ay pumasok ang kambal niyang kapatid na sina Jace at Trace. Ibig sabihin lang niyon ay tapos na ang meeting nila with the managers and executives para sa araw na iyon.

Napangiti naman siyang bigla sa kaniyang na-realize. Good job Chris. Nakatapos kayo ng tatlong rounds bago pa dumating ang mga kumag na to.

"Why are you just sitting here?" Tanong ng isa sa kambal na pumasok.

"Why didn't you join in the meeting?" Sunod na tanong naman ng kasunod nito.

"Shhh" Senyas niya upang patahimikin ang dalawa sabay turo sa asawang si Amanda na mahimbing na natutulog. "Don't be too loud here at natutulog ang asawa ko. Kapag iyan nagising, sinasabi ko sa inyong dalawa ha, itatapon ko kayo sa taas ng building na to." Kunwaring pagbabanta niya sa mga ito.

Tahimik na lumapit ang kambal sa kaniyang table at naupo sa katapat na upuan. Di nagtagal ay nakilala rin niyang si Trace ang na sa kanan na upuan habang si Jace naman ang na sa kaliwa. Gaya ng karamihan ay nahihirapan rin talaga siya sa pagkilala sa kaniyang kambal na kapatid. Pero kapag natitigan na niya ito ng malapit ay nakikilala rin niya kung sino si Jace at sino si Trace.

"Don't give us that look." Wika ni Trace habang pinagmamasdan siya nito.

"What look?" Pasimpleng tugon niya habang nakatuon ang atensyon sa pagta-type sa kaniyang keyboard.

"That, I'm innocent, look you have right now." Pamimilit ni Trace na animo'y nababasa ang kilos at galaw niya ng mga sandaling iyon.

"I don't know what you are talking about." Pagtanggi pa rin niya sa panghuhuli ng dalawang ito sa mga pangyayarimg naganap kanina.

"Oh, no, no. That's not going to work Kuya Chris. We know you when you're lying." Sabat naman ni Jace na may sarkastikong ngiti sa labi.

"Your hair is slightly messy, your tie is a little loose, your suit is crumpled. Hindi normal para sayo lalo pa at gusto mong palagi kang presentable lalo sa trabaho." Puna ni Trace sa itsura niya ng mga sandaling iyon.

"At hindi tama ang pagkakabutones ng upper polo mo." Dagdag pa ni Jace na sinusuri rin ang kaniyang itsura. "And most importantly, nakalimutan mong tanggalin yang lipstick stain sa may leeg mo." Pilisopong nakangiti pa ito habang inginunguso sa kaniya ang lipstick na naiwan pala sa kaniyang katawan mula sa ginawa nila kanina ni Amanda.

"It's not what you think." Seryosong mukha pa rin na pagtanggi niya sa mga pinagsasabi at iniisip ng kambal na kapatid.

Shit, akala ko hindi na ko mahuhuli ng dalawang to. Wala pa rin pala akong lusot. Natatawang saad niya sa kaniyang isipan.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now