Chapter 50 - [Amanda]

4.1K 58 2
                                    

Manila, Philippines

Dalawang Linggo buhat ng makabalik sa Pilipinas ay sinikap ni Amanda na gawing busy ang sarili sa trabaho. Sinisigurado niyang puno at siksik ng mga client meetings at business deal and presentations ang kaniyang schedule, kahit pa nga weekends at dinner meetings ay pinupuntahan niya upang masigurado lang na abala siya sa buong araw.

Ganoon na ang naisip niyang routine - gigising, papasok, uuwi, matutulog, at papasok na ulit kinabukasan. Sa ganoong paraan ay hindi niya gaano maaalala si Chris at kahit paano ay nagagawa niyang productive ang sarili. Kung gaano niya iyon katagal gagawin ay hindi niya alam, basta sa ngayon ay iyon na lamang muna ang isa sa mga naiisip niyang solusyon.

Araw ng Huwebes, habang kumakain ng late lunch ang dalaga sa loob ng kaniyang opisina ay biglang pumasok roon si Karen, ang kaniyang personal assistant, bitbit ang isang kopya ng magazine na inilapag nito sa ibabaw ng kaniyang table.

"Miss, I think you need to look at this." Humihingal na saad nito. Base sa tono ng pananalita at reaksyon ng dalagang si Karen ay mukha atang isang napakaimportanteng bagay ang nais nitong ipakita sa kaniya.

"What with this?" Kunot-noo at magkasalubong ang kilay na tanong niya rito.

"Basta Miss Amanda i-check mo na lang po, dali! Dali!" Excited pang ulit nito habang pinagdudukdukan sa kaniya ang kopya ng July Issue ng U.S. Forbes Magazine.

Dala ng kuryosidad ay agad niyang kinuha ang nasabing magazine na noo'y nakatalikod pang nakalapag, at nang iharap na niya ito ay laking gulay na lamang niya ng makita roon sa Front Cover Page ang litrato ni Chris. Suot nito ang isang kulang classic grey suit & tie katerno ng isang long sleeve white polo.

"O diba Miss Amanda, ang gwapo ni Sir Chris! Super!" Kinikilig-kilig pang wika nito ng may malaking ngiti sa labi. "Model na model ang dating ni Sir Chris dyan, aba, kahit sino ata ay mapagkakamalan siyang model o kaya artista. Ang pogi ng asawa nyo!"

At doon na lang muling naaalala ni Amanda na oo nga pala, hindi pa nga pala niya nasasabi kahit na kanino man ang tungkol sa naganap na annulment. Sa sobrang okupado ng kaniyang isipan ay kahit na sa mga taong malalapit sa kaniya kagaya ni Karen na halos kapatid na niya kung ituring ay wala pa ring ideya.

"Karen, I just want to let you know that Chris and I---"

"Naku, ito pa Miss Amanda!" Sabat nito na di man lang siya pinatatapos sa sasabihin. "Iyan, basahin mo dali! Promise kikiligin ka dyan ng sobra!" Puno ng kilig at excitement nitong turo sa gitnang pahina ng magazine.

Nang tignan ni Amanda ang nasabing pahina ay nakita niya roon ang isang interview kay Chris na pinamagatang "The King of Hendelson Empire." At ayon pa sa magazine ay napili ang binata bilang featured article dahil sa nalalapit na opening ng "Vemouch Le Solaire" ang pinakabagong 6-star hotel and casino na itinayo sa Las Vegas, hindi pa man ito nagbubukas sa publiko ay nailathala na sa media ang ganda at high-tech na mga facilities, pati na rin ang kalidad ng security at ang mga makabagong casino games noon. Syempre pa, kinikilala ng buong mundo ngayon ang nasabing proyekto bilang isa sa celebrity hotspot, and life style of the rich & famous. At lahat iyon ay gawa ng Hendelson Empire, kaya naman ganoon na lang ka-in-demand ang mga ito sa media.

"O diba Miss Amanda ang---"

"Thank you Karen." Agad na putol niya sa kung ano pa mang balak na idaldal ng kaniyang sekretarya. "Iwan mo muna akong mag-isa. Salamat." Utos pa niya sa dalaga na agad rin namang sinunod nito. Deep inside ay alam niyang gusto pang mag-stay ni Karen para maki-chismis at makita ang kaniyang magiging reaksyon habang binabasa ang naturang article.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now