Chapter 16 - [Amanda]

4K 65 1
                                    

Pagdating nila sa 32nd floor ay tumigil ang elevator roon. Kung ganoon ay sa pinakatuktok na floor na yon pala ang opisina ni Chris. "Who else is in this floor?" Tanong ni Amanda kay Chris habang pinagmamasdan ang malawak na paligid.

"This 32nd floor is entirely mine." Sagot ng binata.

"What about the others?" tanong muli niya.

"Daniel occupies the 31st floor. Jace and Trace occupies the 30th, alam mo naman ang dalawang iyon. Hindi mapaghihiwalay diba. Stefan's at 29, Vince will soon be occupying 28th floor once na makabalik siya sa Pilipinas."

May sariling lobby ang opisinang iyon ni Chris. Sa kanang bahagi ay may isang malaking conference room na may floor to ceiling glass wall and door. Katabi naman niyon ay isang saradong kwarto at apat na office table.

"What's the other room for?" Tanong niya habang nakaupo sila sa sofa at iniaayos ang mga pagkaing binili sa center table sa kanilang harapan.

"That's the records room." Sagot nito, "Diyan nakatago ang lahat ng pinaka-importanteng dokumento at mga final layouts ng mga projects ng lahat ng Hendelson Companies. Minsan, yan din ang ginagamit na opisina ni Dad or ni Mama sa tuwing dadalaw sila rito." Paliwanag pa ni Chris ng kumakain na sila.

"And that four office tables? You need four executive assistants?" Curious na tanong niya ng makita ang ganoon karaming tables sa opisina nito.

Natawa naman ito ng bahagya bago sinagot ang kaniyang tanong, "Yes, of course. Actually baka nga magdagdag pa ako ng dalawa. Amanda, you know that we have businesses all around the globe and we need to handle it really well. Not for the money alone but because there are thousands of people na umaasa at nabubuhay ng dahil sa pagtatrabaho."

May punto si Daniel. Maraming tao ang umaasa sa trabahong naibibigay ng kanilang kompanya, maraming pamilya ang nakasalalay ang future, at marami pang tao ang patuloy na magkakaroon ng pagkakataon na mamuhay ng maayos hangga't nariyan at maayos na pinatatakbo ang mga kompanyang pag-aari ng Pamilya Hendelson.

"Anyway, you said you came here to discuss something really important. So what is it?" Diretsahang pag-uusisa ni Chris sa kanyang pakay sa pagdalaw.

"Yes. It's really important." Tipid niyang pag-amin habang kumain sila. Ayaw pa muna sana niyang pag-usapan ang tungkol roon dahil kumakain pa sila.

"Say it." Pamimilit ng binata.

"Can we discuss it later. Inside your office, after we finish with this lunch." Pilit niyang pagtanggi upang huwag na muna mabuksan ang topic na iyon. Isa pa ay wala pa siyang sapat ng lakas ng loob para ipagtapat ang kaniyang dahilan.

"Alright. Then I guess we have to eat a little faster, I have a scheduled weekly meeting at pm with the corporate executive and the department heads." Pagbibigay imporma ni Chris habang patuloy sa pagkain ng inorder nitong Filipino dishes.

Nang makatapos sila sa pagkain ay saka siya niyaya nito papasok sa loob ng sariling opisina nito. Hindi kagaya ng sa ibang opisina, close-door at pribadong-pribado ang opisinang iyon ni Chris.

"Now, wag na tayo magpaligoy-ligoy pa Amanda. You said this isn't about the annulment. Why are you here?" Seryosong ang ekspresyon sa mukha at tono na iyon ng binata. Nakaupo na ito sa swivel chair ng office table nito.

Ibig lang sabihin niyon ay handa na ito para sa seryosong usapan, at iyon na nga ang pagkakataon na hinihintay niya. Wala ng atrasan to, this is it Amanda. Go and make your proposal.

"I'm here because I need your help Chris." Pag-amin niya habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa harap ng table nito.

"What help?" Muling tanong nito habang nilalaro sa mga daliri ang hawak ma ballpen.

Still Yours (Playboy Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat