Chapter 35 - [Chris]

3.1K 48 5
                                    

Pagbalik sa kaniyang opisina ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Chris na komprontahin si Cindy sa kung anong dahilan ng biglaan nitong pagsulpot roon ng wala man lamang abiso. "Why are you here?" bungad niya rito sa malamig na tono at seryosong ekspresyon.

"Wala naman, let's just say I miss my sexy hot man." pamimilosopo nito sa kaniya.

Mabuti na lamang at fully soundproof and kabuuan ng kaniyang opisina kaya't walang sino man ang makakarinig sa kanila. "Wala akong panahon makipaglokohan sayo ngayon Cindy. Tell me exactly why you're here at nang matapos na ang usapang ito." diretsahang pahayag niya ng disgusto sa presensiya ng dalaga.

Pero gaya ng inaasahan na niya ay hindi basta-bastang magpapatalo itong si Cindy sa kaniya. Sa halip ay mas lalo pa siyang pinilosopo at inasar ng dalaga sa pamamaraan ng kilos nito sa kaniyang harapan, bagay na lalo lang nagpapainit ng kaniyang ulo at dumadagdag sa kaniyang pagkairita sa dalaga.

"You know what, I fucked last night with this guy I met on the bar..." mapanuksong kwento ni Cindy na umupo pa sa ibabaw ng kaniyang table at bahagyang ibinuka ang mga hita at itinaas ng kaunti ang hemline ng suot nitong dress, "Unfortunately, he's not as big as you are, not as good as you are."

"Stop it , Cindy!" matigas na utos niya sa dalaga. Pilit na pinipigilan ni Chris na huwag muling masaktan ang dalaga dala ng kagaspangan ng ugali nito. "Kung wala kang matinong rason sa pagpunta dito, umalis ka na lang!" kastigo niya sa dalaga.

"Why Chris, don't you miss me? Don't you miss my lips, my body... don't you miss how I drive you crazy in bed?" Nang tumayo ito at tangkaing lumapit sa kaniya ay mabilis na umiwas si Chris papalayo sa dalaga. Agad siyang pumunta sa may pintuan at hinawakan ang seradura niyon.

"If you don't fucking stop right now, mapipilitan akong kaladkarin ka palabas ng opisina at ng building na ito." muli niyang paalala sa dalaga habang matalim itong tinititigan upang ipakita rito na hindi siya nagbibiro ng mga oras na iyon. "Don't test my limits Cindy, sinasabi ko sayo hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sayo." 

Isang malakas na halakhak ang isinukli ni Cindy sa kaniyang pagbabanta. Mukhang imbes na matakot ay parang isang malaking biro lang dito ang lahat. Ni hindi nga niya makitaan ng kaba o takot man lamang ang dalaga, "Chris, Chris, tingin mo ba talaga natatakot ako sayo ngayon? Baka nakakalimutan mo kung sino sa ating dalawa ngayon ang mas may kapangyarihan, and it's not you." saad pa nito sabay ang muling mapang-insultong pagtawa.

Aminin man o hindi ni Chris sa sarili ay totoong si Cindy ang mas may kapangyarihan sa kanilang dalawa ngayon, kumbaga kayang-kaya siyang hawakan nito sa leeg, at hindi rin niya madadaan ito sa mga pananakot niya. Bagay na labis na ikinabubwisit niya ng sobra-sobra dahil wala siyang magawa kundi ang iwasan lamang ang dalaga sa abot ng kaniyang makakaya.

"Don't try me Cindy." panlalaban niya upang ipakita ritong hindi siya natatakot.

"Oh really? Well, what are you going to do, iti-terminate mo ang contract ng project? As if you can!" nakapamewang na pahayag ng dalaga na puno ng pagmamataas at pang-iinsulto. "Baka nakakalimutan mo na nakapirma kayo ng kontrata. If you decide to halt the operation for no valid reason and enough evidences, pwede namin kayong sampahan ng kaso. And we are not just talking about million pesos here, we are talking about millions of dollars."

Bahgya siyang natahimik sa sinabing iyon ng dalaga. Totoo ang sinasabi ni Cindy. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nila tuluyang mabitawan ang proyektong iyon na pagtatayo ng Luxury Hotel & Casino sa Vegas ay dahil sa kalakip ng kontrata ng proyekto ng tanggapin nila ito. Isa pa ay nasimulan na rin ang construction ng nasabing establishment at naglabas na ng malaking halaga ang Hendelson Empire para sa proyektong iyon, tiyak na malulugi sila ng sobra-sobra kapag binayaran nila ang damage fee kung sakaling i-halt nila ang operation. Isa pa'y nakataya rin ang buong reputasyon ng kanilang pamilya at ng mga maraming trabahador na umaasa ng pangkabuhayan kaya naman mas lalong hinding-hindi nila pwede bitawan ang proyekto basta-basta.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now