Chapter 48 - [Amanda]

3.6K 61 1
                                    

Lumuluhang nilisan ni Amanda ang balcony at iniwang mag-isa roon si Chris. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng pintuan ng bahay ay hinabol na siya ng binata. Hinablot siya nito sa beywang at kinabig papalapit upang yapusin siya ng napakahigpit mula sa likuran.

"Stay... please stay." Lumuluhang pagmamakaawang wika nito habang mahigpit na nakayapos sa kaniya.

"Let me go..." aniya habang inaalis ang kamay nito sa kaniyang bewang. "Tama na Chris, pagod na pagod na ako."

"No, please don't leave me Amanda. I need you." Muli pang pagsusumamo ni Chris habang umiiyak sa kaniyang balikat. "Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Mamamatay ako."

"Chris..." tanging saad niya habang pilit pa ring kumakawala sa kamay nito. "Please Chris just set me free."

"I miss you so much Amanda." Puno ng emosyong saad ni Chris habang yapos siya ng napakahigpit. "God knows how I badly need you in my life."

"Please don't do this..." Aniya habang pilit na pagtanggi niya habang iniaaalis ang kamay ng dating asawa. "Itigil na natin to, wala ng pupuntahan to. You and I are just breaking each other's heart. We deserve something more than this."

Hindi agad umimik si Chris sa sinabi niyang iyon, sa halip ay nanatili ito sa tahimik na pagluha at hinapit pa nito ang kaniyang katawan at saka mas mahigpit na niyapos. "Kung talagang ayaw mo na at napapagod ka na, hindi na kita pipigilan pa. Hahayaan kitang piliin ang buhay na magiging masaya ka kahit ang ibig sabihin nun ay hindi na ako bahagi ng buhay mong iyon. Pero sana hayaan mo na lang muna akong yakapin ka ng mahigpit, hayaan mo muna akong hawakan ka ng matagal... Bago ka tuluyang mawala sa piling ko ng pang habang-buhay." Umiiyak na bulong nito sa kaniyang tainga.

Bigla pa nga ay nanlambot ang puso ni Amanda sa mga binitawang salita na iyon ng dating asawa, lalo pa ang mga huling kataga nito. Totoo nga ang wika nito, ito na ang huling beses na magkakasama silang dalawa, ito na rin pala talaga ang huling beses na mahahawakan at mayayapos nila ang isa't isa. Sa oras na lumubas siya sa pintuan ng bahay at lisanin ang lugar na ito ay kasabay na rin niyon ang permanente niyang paglisahan sa buhay ni Chris.

Bigla namang dinampian siya ng binata ng mumunting halik sa labi, sa ilong, at sa noo....'"I will really, really do miss you Amanda. My life and my day will never be complete anymore without you my wife." Sinserong wika ng binata na patuloy pa rin sa pagluha.

Nang ma-realize ang mga bagay-bagay na iyon sa huling pamamaalam nila sa isa't isa bilang mag-asawa, ang kaninang nanlalaban niyang mga kamay ay marahan na ring yumapos sa katawan ng asawang si Chris. Ito na ang huling beses, ang huling araw ng kanilang pagkikita, at pinakahuling pagkakataon ng kanilang pagsasama. Kaya naman hindi na rin niya pinigilan ang sarili na yakapin ito ng mahigpit. "I will you so much more Chris." Mga katagang kusang lumabas sa kaniyang bibig. "I will always miss you."

Kung gaano sila katagal magkayapos ay hindi nila alam pareho. Basta ang tanging gusto lamang nilang mangyari ay hawakan ang isa't isa na tila ba ayaw na nilang kumawala pa. Paano mo nga ba naman bibitawan ang isang taong naging malaking bahagi ng buhay mo? Paano mo pakakawalan ang mga masasyaang alaala ng inyong pagsasama? Paano nga ba mabuhay ng wala na sa iyo ang taong pinakamamahal mo?

Bahagyang iniangat ni Chris ang mukha ni Amanda upang titigan ito ng mata sa mata. Muli pa'y nakita ng dalaga sa lumuluhang asul na mga mata ng asawa, ang sinsero at taos-pusong pagmamahal nito sa kanya. "Tandaan mo to Amanda, kahit na anong mangyari, wala akong ibang hinangad kundi ang mapasaya ka. Mahal na mahal na mahal kita... Noon, ngayon, at sa bawat araw na magdaraan pa. Walang akong ibang mamahalin at pag-aalayan ng buhay ko kundi ikaw lang. Ikaw lang wala ng iba, ikaw lang wala ng susunod pa... I love you the most."

"And I love you too, always" Saad niya ng may malungkot na ngiti sa labi at luha sa mga mata.

"Can I kiss you?" Matamis na wika ni Chris. "Just for the last time please."

Hindi pa man siya nakakasagot ay naramdamam na niyang lumapat ang labi nito sa kaniyang labi at walang na siyang nagawa pa at napapikit na lamang upang namnamin ang tamis at mainit na halik ng binata. Sa huling pagkakataon ay gusto na lamang ng dalaga na maging masaya kahit pa ang kapalit ng panandaliang sayang iyon ay ang kinabukasan na walang liwanag pa.

At muli pa ay ipinagkaubaya na ni Amanda ang kaniyang sarili sa piling ng binatang si Chris. Inalis na niya ang mga inhibitasyon sa kaniyang isipan at malayang ibinigay ang sarili upang angkinin nito ng tuluyan. Ang mapupusok na halik nito ay tinugon niya ng puno ng pananabik sa asawa.

"I want you so bad my love." Puno ng mapanuksong bulong ni Chris sa pagitan ng bawat halik na ginagawa nito sa kaniyang leeg at balikat. "Tell me you are mine tonight..."

"I'm yours... all yours... take me Chris." Tugon niya sa tainga nito at bahagya pang kinagat iyon na lalo namang nagpataas ng init at sabik sa kaniya ng binata.

"Yes my love." At walang kahirap-hirap na hinubad nito ang kaniyang mga suot na damit, at ganoon na rin ang ginawa niya rito.

Ang buong bahay nilang iyon ay nagsilbing isang malaking bedroom dahil sa bawat bahagi ng bahay ay ipinaramdam nila sa isa't isa ang kanilang pagmamahalan. Mula sa sofa, sa sahig, sa ibabaw ng piano, maging papaakyat sa hagdan at sa kung saan-saan pa... lahat ay naging parte ng napakainit at nakapa-wild pagtatalik nilang mag-asawa.

Nang magising si Amanda ay halos mag-uumaga na, hindi niya alam kung ilang oras ba siyang nakatulog, ang tanging malinaw lang sa kaniya ngayon ay kasiping niya sa kama ang hubad na katawan ng dating asawang si Chris. Napakahimbing ng tulog nito at bakas ang labis na pagkapagod sa kanilang naging pagtatalik. Apat, lima, anim, hindi na niya mabilang kung ilang beses nga ba siyang paulit-ulit na inangkin ng binata at dinala sa rurok ng labis na kasiyahan.

Kaya nga lang ay kailangan na niyang lisanin ito. Hindi makakabuti na ituloy nila ang ganitong klase ng magulong relasyon lalo pa nga at magkakaanak na ito kay Cindy. Kung sana isang babae lang ang kalaban niya sa buhay ng binata ay baka di siya mangiming manatili sa tabi nito, pero hindi naman ganoon ang sitwasyon. Hindi niya maatim na tanggalan ng isang tatay ang bata at hayaan na lumaki ang sanggol sa sinapupunan ni Cindy sa isang magulo at komplikado na pamumuhay.

Oo nga't maraming beses na itinanggi ni Chris na hindi siya ang ama ng bata pero kahit anong pilit ni Amanda na sana paniwalaan ang binata ay siya namang kontra ng kaniyang puso at isipan. Alam niya sa kaniyang sarili na tama ang kaniyang mga hinala, lalo pa nga at siya mismo ang personal na nakakita ng mga ebedensya na siyang magtuturo ng naging kataksilan nito. Isa pa ay nahuli na niya ito noon sa mismong akto na nakikipagtalik kay Cindy, kaya mahirap para sa kaniya na magtiwala pa sa mga sinasabi nito.

"Good bye my love." Puno ng lungkot at naluluhang bulong ni Amanda sa natutulog na si Chris. "I love you the most." Aniya sabay dampi ng halik sa labi nito.

Nang tumayo si Amanda ay saka lang niya naramdaman ang panlalambot ng kaniyang tuhod at binti. Isa lang iyong pruweba kung gaano katindi ang naging pagnanaig nila ng binata. Pero nilabanan niya iyon at dali-daling inayos ang sarili. Pagkatapos na makuha ang mga damit at makapag-ayos ay tuluyan nang nilisan ni Amanda ang bahay ni Chris.

"Mahal na mahal kita Chris... kahit ang sakit-sakit na..."

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now