Chapter 6 - [Chris]

4.7K 75 8
                                    

Nang hindi pa rin siya pagbuksan ni Amanda ng pintuan ng silid na iyon ng Yate at sa halip ay utusan na lang siyang bumalik na sila sa loob, ay mas lalo lang siyang pinanghinaan ng loob na maayos itong makausap at maayos ang gusot sa pagitan nila nito.

Pakiramdam ni Chris ay imbes na mapalapit sa asawa ay lalo lang niya itong itinulak palayo sa kaniya. Lalo lamang niyang binigyan ito ng rason upang tuluyan siyang iwan. At ang plinano niyang masayang Cruise Date sana nila ay nauwi lang sa isang tensyonado at mabigat na diskusyon.

At sa unang beses sa kanilang pagsasama, simula ng makilala niya at pakasalan ang dalaga, ay ito lamang ang unang pagkakataon na nakita niya itong sobrang galit na galit at nagwawala. Bagay na hindi niya gustong mangyari kailanman.... ngunit hindi rin niya masisi ito dahil siya mismo ang nagbigay ng rason upang kamuhian siya ng pinakamamahal na babae.

Hanggang dito na lang ba talaga tayo Amanda. Dito na ba tuluyang matatapos ang pagsasama natin. Sa ganito na lang ba matatapos lahat... Tanong niya sa kaniyang sarili.

Inamin ni Chris sa kaniyang sarili na naduwag siya, pinanghinaan ng loob, at labis na natakot sa ipinakitang klase ng galit na iyon ng asawang si Amanda. Pero ang mas masakit ay ang wala siyang magawa o masabi dahil alam niya sa sarili na guilty siya at totoo ang lahat ng akusasyon ibinabato nito sa kaniya.

Matapang siya, oo, pero ang makitang nagkakaganoon si Amanda na umiiyak sa labis na pagdurusa ay talaga namang bumabasag ng kaniyang puso. Kasalanan kong lahat ito eh... kasalanan kong lahat to. Hindi kita dapat iniwan at sinaktan... I'm sorry Amanda... I'm sorry.... lumuluhang pagsisisi niya sa sarili.

Noon pa man at hanggang ngayon ay iisa lang ang palagi niyang sinasabi sa kaniyang sarili. At iyon ang pangakong habang-buhay na mamahalin ito at walang katapusang aalagaan, mamahalin, pasasayahin, at pag-aalayan ng lahat ng meron siya. Ang pride niya, ang tapang at ego niya, lahat ng meron siya ay handa niyang isuko at itapon para sa mahal na asawa. Tawagin man siyang under de saya ay wala siyang pakialam, dahil higit sa kahit na ano pa mang bagay o sino mang tao, ay mas mahalaga si Amanda para sa kaniya... at wala itong kapantay na kahit ano man.

Kaya lang ay paano niya aamuhin ang dalaga kung siya mismo ang sanhi ng pagdurusa at paghihirap na pinagdaraanan nito?

Paano niya magagawang masungkit muli ang puso ng dalaga kung sa simula pa lamang ay puno na ng galit at pagkasuklan ang laman niyon?

Paano nga ba niya maibabalik ang dati nilang pagmamahalan kung sinira na niya ang buong pundasyon at haligi ng pag-iibigan at pagsasama nilang iyon?

Siguro nga ay kailangan ko na siyang isuko dahil masyado na siyang nasasaktan nang dahil sa mga kagagawan ko. You don't deserve to be hurt like this Amanda. Saad ni Chris sa kaniyang isipan.

At dahil hindi pa rin naman siya pinagbubuksan ng pinto ni Amanda, kagaya nito ay umupo na lamang din siya at isinandal ang sarili sa labas ng pintuan ng silid na iyon.

Ironic, pero ang pintuang iyon ay parang ang harang na mayroon ngayon sa anilang pagsasama. Isang solida at saradong harang na nagsisilbing pader na naghihiwalay sa kanilang dalawa.

"I'm sorry Amanda..." Panimulang pagsasalita niya at tiyak na nakikinignaman ito sa kabilang bahagi ng pintuang iyon. "Aaminin ko naging mahina ako noon. At alam kong walang kapatawaran ang nagawa kong pagkakasala sayo. But God knows how much I wished and prayed to turn back time so I could undo all those wrongdoings. Kaya lang imposibleng mangyari eh, hindi ko kayang ibalik ang oras at itama ang lahat ng iyon." Nagsisising pag-amin pa niya sa asawa.

Nang marinig niya ang kaluskos sa kabilang bahagi ng pinto, ay mas nasigurado na niyang nakikinig nga ito sa kaniya kung kaya't nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag, "Walang kulang sayo. Walang mali sa mga nagawa mo o kulang sa mga naibigay mo sa akin. To be honest, you are more than I wished for. You are every big part of everything that I want in life rolled into one. Kaya wag na wag mong iisipin na may mali kang nagawa o may mga pagkukulang ka. Kahit kailan ay wag mo sana iisipin na hindi ka naging mabuting asawa sa akin. Because trust me, you are the best wife any man would wish for... and I will always be proud of having you as my wife."

At dahil nasimulan na niyang ilabas ang lahat nang na sa kaniyang isipan at damdamin, wala na siyang balak pang maduwag ngayon at takbuhan ang nagawang pagkakamali. Ito na lang ang tanging pagkakataon na mayroon siya upang aminin at akuin ang mga pagkakamali niya.

"I know I could never bring back all those shitty fucked up nights and painful tears you shed because of me. Marami kang nasayang na mga araw at taon sa buhay mo ng dahil lang sa akin, nang dahil sa kagaguhan ko... and for that, I'm really sorry my wife." Dugtong na hinging paumanhin pang muli ni Chris sa asawa. "Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimulang humingi ng tawad sayo sa sobrang dami at sobrang laki ng kasalanang nagawa ko, sa pagsira o sa pagsasama natin dalawa. Because I know for a fact that even thousands and millions of apologies are never enough to bring everything back to normal."

Nang mariin niyang ipikit ang mga mata ay muling nag-rewind sa kaniyang isipan ang nakakaawang itsura ni Amanda kanina ng ihayag nito ang paghihirap na pinagdaanan nito sa loob ng tatlong taon buhat ng naghiwalay sila dahil sa pagtataksil niya sa dalaga. At muli pa nga ay tumulo ang kaniyang mga luha dahil ramdam na ramdam niya ang paghihirap na idinulot niya rito.

"I never really wanted to cheat on you Amanda. It never crossed my mind for even a single mili-second to cheat on you... I love you too much to hurt you." Buong pusong pagtatapat niya habang umaagos ang mga luha sa kaniyang pisngi, "But then I fucked up. Nahulog ako sa tukso at naging mahina ako."

"Why, I want to know why you cheated on me Chris." Narinig niyang tugon ni Amanda mula sa kabilang bahagi ng pintuan.

Base pa sa tono ng boses nito ay halatang umiiyak na naman ang dalaga. At dahil doon ay mas lalong nabasag ang puso ni Chris, ang isiping umiiyak ito ay talaga naman nakakabasag ng puso. Pairamdam niya'y gumuguho ang mundo niya sa mismong harapan niya per wala siyang magawa para pigilan iyon.

At mas lalo lamang tuloy naging masakit at mahirap para sa kaniya ang pagtatapat na iyon dahil tiyak na daramdamin ni Amanda ang kaniyang naging reason kung bakit siya lumayo sa dalaga noon at iniwan ito ng walang sabi-sabi. Pero naisip rin niya na ang pagiging tapat na lamang ang maisusukli niya sa mga nagawa niyang mali sa dalaga.

"Three years ago, noong nakita kitang nag-aagaw buhay... That was the scariest moment of my life Amanda. I felt helpless na wala akong magawa habang inooperahan ka. When the doctors told me that I could have lost you then and there, halos mabaliw na ako noon Amanda. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng sabihin ng mga doctor na 50/50 ka na dahil sa dami ng dugong nawala sayo mula sa pagkakaasidente mo noon." pagtatapat niya rito. At saka muling bumalik sa isip niya ang karumal-dumal na imaheng iyon sa kanilang bahay kung saan ay nakita niyang halos naliligo na sa sariling dugo ang kaniyang asawa. "I swear to God na gagawin ko lahat basta mabuhay ka lang."

"And when they told me you are safe, ang akala ko okay na ang lahat at makakahinga na ako ng maluwag... Hindi pala." At dahil sa mga masasakit at mapapait na ala-alang iyon ay biglang lumakas ang pag-iyak ni Chris, "Hindi pala ganun kasimple yun dahil kapalit ng buhay mo, namatay ang batang na sa sinapupunan mo, namatay ang anak natin." Saad niya at saka paulit-ulit na malakas na sinuntok ang tablang sahig ng yate at ang hagdan.

Nang bumukas ang pintuan ay umiiyak rin na lumabas roon si Amanda at mabilis siyang niyapos habang pinipigilan ang nagdurugo na niyang kamao. "Chris, stop... Please stop..."

"Nagalit ako sayo Amanda. Sinisi kita dahil naging madamot ka at hindi mo sinabi sa akin agad na buntis ka. Pero mas nagalit ako sa sarili ko. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang alagaan at bantayan ka. Kung sana nandoon ako sa bahay at nakabantay sayo, kung sana sinamahan kita sa pag-alis mo noong araw na iyon... Kung sana nandoon ako sa tabi ng mga sandaling iyon, hindi na sana nangyari lahat ng yun sayo." Paninisi pa niya sa kaniyang sarili dahil sa naging kapabayaan niya sa noon pala ay buntis na si Amanda.

Mahigpit naman siyang niyapos ng asawang si Amanda at idinantay ang kaniyang ulo sa dibdib at balikat nito. Habang ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na kapit nito upang pigilan siya sa pagsuntok ng mga na sa paligid niya. "Napakawalang kwenta kong asawa! wala akong kwenta!"

"Tama na Chris." lumuluhang pag-aawat sa kaniya ng dalaga. "Tama na..."

"I'm sorry... I'm sorry..." Paulit-ulit niyang paghingi ng tawad kay Amanda sa pagitan ng pag-iyak.

"Shh.. Enough of this Chris. Please." Pagpapakalma sa kaniya ng asawa habang mahigpit siyang yapos at inaalo.

Hindi na nila namalayan kung gaano sila katagal nanatiling magkayapos at umiiyak. Basta ang mahalaga ngayon ay nailabas na nila ang saloobin ng isa't isa at nakapagtapat na sila ng mga matagal na kinimkim na tampo at galit.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now