Chapter 20 - [Amanda]

4.2K 67 0
                                    

Kagaya nga ng inasahan ni Amanda ay na late nga sila ng halos isang oras at kalahati para sa scheduled check-up para sa araw na iyon. Kung hindi ba naman kasi saksakan ng kulit at pilyo ang kaniyang asawa, eh di sana ay nakapunta sila roon ng tamang oras. Mabuti at mabait ang matandang doktora at hindi rin gaanong busy ito kaya nagawa silang i-entertain kahit pa nga late na

"Thank you Doc Juliette." Paalam nina Chris at Amanda sa may katandaan ng OB-Gyne Doctor ni Amanda matapos ang halos 30 minutes na check-up.

"You're welcome." Nakangiting paalam rin nito at saka kinamayan si Chris at niyapos naman siya. "Oh, basta wag mong kalimutan na bumalik rito after 1 month para sa second check-up mo ha."

"Opo, Dok." Nakangiting sagot naman niya. "Hindi ko po kakalimutan."

"O, ikaw naman Mister, siguraduhin mong di mo bibigyan ng kahit anong stress itong asawa mo ha." Mahigpit na bilin pa ni Doc Juliette kay Chris.

"Oo naman po, hindi ko naman talaga papabayaan tong Misis ko." Masiglang tugon ni Chris habang nakaakbay sa kaniyang balikat. "Wala na akong makikita pang kasing ganda at kasing sexy ng Misis ko, kaya aalagaan ko to." Pagbibiro pa nito sa harap ng Doktora.

Bahagya naman nahiya si Amanda at namula ang mukha dahil narinig ng ilang mga staff nurse at mga pasyente ang mga pinagsasabing iyon ng kaniyang asawa. Pero aaminin niyang nakakataba rin ng puso na marinig kung gaano ito ka-sweet at proud na mag-asawa silang dalawa.

"Very good. Make sure na masusunod niyong dalawa ang mga important date na naka-mark doon sa Calendar na ibinigay ko. Napakaimportante niyon para maging sigurado na successful ang pagbubuntis mo Amanda." Muling pagbibigay paalala pa ng doktora sa mga napag-usapan nila kanina.

"Opo." Tugon niya at saka muling nagpaalam na rito. "Sige po, mauuna na kami Doc. Babalik na lang po kami rito next month para sa check-up."

"Sure, sige. Ingat." Nakangiting paalam na rin ni Doktora Juliette.

"Salamat po ulit Dok." Paalam na rin ni Chris.

Pagbalik nila sa sasakyan ay muling pinag-aralan ni Amanda ang mga resulta ng panibagong check-up na iyon at kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam at nabawasan ang bigat sa kaniyang isipan ng malaman na halos 90% positive ang chances na mabilis silang makakabuo ng anak ng asawang si Chris.

Ayon sa resulta ay healthy at walang kahit na anong mang namumuong komplikasyon sa kaniyang egg cell. Maging ang kaniyang asawa ay healthy rin naman kaya't hindi sila mahihirapan basta sundin lamang nila ang timeline ng mga naka-markang date sa mini calender na ibinigay ng doctor.

"Narinig mo ang sabi ni Doktora ha, sundin daw natin dapat ang mga red marks jan sa calendar para mabilis tayo makabuo ng baby." Nakangising wika ni Chris ng makita nitong nakatitig siya sa hawak na maliit na kalendaryo.

Ang sinasabi nitong red mark ay ang mga araw at oras kung kailan sila dapat na magsiping na mag-asawa. Importante raw na sundin iyon dahil sa mga ganoong araw at oras mataas ang fertility period niya bilang babae. At meron din mga ilang piraso ng gamot na inireseta sa kaniya ang doktora na kailangan niyang inumin upang mas lalong makatulong raw sa bilis ng kaniyang pagbubuntis.

"Tseh! Magtigil ka nga." Pambabara naman niya sa binata habang nagda-drive ito.

Ang totoo ay medyo may kaunting kaba siyang nadarama para sa bagay na iyon. Kaba ng excitement? Kaba ng takot? Maging siya ay di rin sigurado kung para saan ang nadaramang kaba. Pero isa lang ang alam niya, gusto na niyang magka-baby at ang tuluyang wakasan ang pangamba ng tuluyang paglala ng cervical complication niya.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now