Chapter 40 - [Amanda]

3.1K 48 1
                                    

Pagdating sa tinutuluyang bahay nila ng asawang si Chris ay dali-daling iniimpake ni Amanda ang lahat ng kaniyang mga gamit. Hindi na rin siya nag-abala pang iayos ang mga iyon sa kaniyang bag, basta bara-bara na lang niyang isiniksik ang kung ano mang mahablot ng kaniyang kamay hanggat magkakasya. Ayaw niyang manatili pa ng matagal sa bahay na iyon dahil nasusuklam lamang siya sa galit at nadudurog lamang lalo ang kaniyang puso sa muling pagtataksil na ginawa ni Chris.

"I hate you Chris! I hate you! I hate you! I hate you!!!" Umiiyak at nanginginig sa galit na sigaw niya habang padabog pang isinasalampalak ang mga gamit sa malate. "How could you do this to me! I hate you!"

Magkakahalong emosyon ng galit, pagkasuklam, panghihinayang, at pandidiri ang siya ngayong umuokopa sa puso't isipan ni Amanda para kay Chris. Ang buong akala niya'y maayos na ang kanilang pagsasama, na wala ng ano man o sino man ang makasisira sa kanilang relasyon, at patuloy silang magsasama nito sa hirap at ginhawa. Pero sa ikalawang pagkakataon ay nagkamali na naman pala siya dahil malabong mangyari ang masayang pamilya na ninanais niya. At ang lalake na muling pinagkatiwalaan at minahal niya ay siya pang muling sumira ng pinapangrap niyang masayang buhay.

Nang makuha ang lahat ng gamit niya ay nagmamadaling umalis si Amanda para hindi na sila mag-abot pa ni Chris. Kaya nga lang ay bago pa man niya tuluyang malisan ang tahanan ng taksil na asawa ay naabutan siya nito sa maluwag na solar ng residential suite. Kagaya niya ay namumugto rin ang mata nito sa walang hupas na pag-iyak. May distansya man sa pagitan nila ay ramdam na ramdam niya ang sakit at pighating dinadala ng binata.

Mabilis na iniharang ni Chris ang sarili sa kaniyang daraanan upang pigilan siyang makaalis. "Please, Amanda don't leave me, pag-usapan natin to." Pero hindi niya pinansin ang binata at sa halip ay dire-diretso paring tinungo ang pintuan, kaya nga lang ay talagang mapagpumilit ito. "No, no! You are not going to leave this place! I'm not going to let you leave me this time around." Pagmamatigis ni Chris na nakaharang sa pintuan.

"Palabasin mo ko." Walang emosyong utos niya sa binata na habang umiiwas na tumitig sa mata nito. Alam niyang sa oras na magtagpo ang kanilang mga mata ay luluha lamang siyang muli, bagay na ayaw niyang mangyari lalo sa harapan nito. This is not the time for you to be weak Amanda! Be strong up! Wag kang papayag na maging biktima muli ng pangahas at taksil na lalakeng yan!

Pero hindi rin naman nagpapatalo si Chris, patuloy rin itong nagmamatigas gaya niya. "Believe me Amanda please, please, kahit ngayon lang, kahit isang beses lang maniwala ka, parang awa mo na oh." Nagmamakaawang saad nito ng lapitan siya at ikulong sa mga palad ang kaniyang mukha at pilit siyang tinitignan sa mata, "Look at me, look into my eyes Amanda, maniwala kang nagsasabi ako ng totoo sayo. At hindi ako nagtaksil sayo. Hindi ko magagawang lokohin ka dahil mahal na mahal kita, ikaw ang buong mundo ko Amanda, ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay." Saad pa ni Chris ng kuhanin nito ang kaniyang kamay at ipatong iyon sa dibdib nito, "Pakinggan mo maigi ang tibok ng puso ko, ikaw lang ang laman niyan Amanda. Ikaw lang wala ng iba, ikaw lang wala ng susunod pa."

Kay sarap sanang pakinggan ng mga binitawang matatamis na salita ng binata, kung siguro sa ibang sitwasyon at ibang pagkakataon, baka na naiyak na siya sa labis na kaligayahan. Pero iba ang nangyayari ngayon, hindi na isang problema lang na nakukuha ng isang sorry ang mga pangyayari. Masyadong mabigat ang kanilang pinagdadaanan para maayos pa iyon ng isang simpleng sorry, masyadong masakit ang mga pangyayari para sa isang simpleng matamis na salita.

"Bitawan mo ko. Wala na tayong dapat pag-usapan pa Chris. This marriage is over." Puno ng kumbiksyong wika ni Amanda para ipakita sa taksil niyang asawa na wala na itong aasahan pang kahit ano mula sa kaniya.

"No! This is marriage is not over!" Pagmamatigas ni Chris.

"Yes it is! Tapos na ang pagsasama natin simula ng niloko mo ko ulit para sa babaeng yun!" Panunumbat pa ni Amanda sa ginawang pagtatago nito kay Cindy.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now