Chapter 23 - [Amanda]

3.9K 62 10
                                    

"B-bakit ka narito?" Tanong ni Amanda na pilit itinatago ang pagkagulat sa pagsulpot nito sa kaniyang opisina. "Paano ka nakapasok?"

"Just checking you out." Tugon nito at saka lumapit sa kaniya. "Besides, wala rin naman yung guard doon sa baba."

Shit! Oo nga pala at sinabin ko si Manong Guard na mag-merienda na muna. Wrong timing! Naiinis na wika ni Amanda sa kaniyang isip.

"What do you want? Bakit mo ba ako sinusundan?" Aniya ng mas lumapit sa kaniya ang gwapo at matipunong binata.

"You are beautiful. And sexy. And so feisty." Mapanuksong saad ng binata at saka pa lumigid na naglakad papunta sa kaniyang likuran. "It's hard to let you get away just like that."

Hindi siya makakilos dahil pakiramdam niya ay naninigas ang kaniyang mga tuhod. At muli pa ay bumibilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Idagdag pa ang napakabango at maskuladong amoy ng pabango nito na parang mas lalong umaakit sa kaniya. No! No Amanda! Wag kang papayag! Don't let him win over you.

Nang nasalikuran na ito at ang mga kamay humawak sa kaniyang balikat, at ang labi nito ay na sa kaniyang tainga at bumubulong ng mga mapanukso at mapang-akit na salita ay mas lalo lang siyang nawalan ng lakas manlaban. Ang katawan niya ay parang isang puppet na nako-control ng binata mga sandaling iyon.

"You're so exquisite." Bulong ng binata sabay habang nilalaro sa mga daliri nito ang dulong bahagi ng kaniyang mahabang buhok. "I like you since I first saw you. At nababasa ko sa expression mo na gusto mo rin naman ako."

"Don't touch me or sisigaw ako rito." Pagbabanta niya ng humarap siya sa binata at humakbang patalikod para makadistanya rito.

"Go ahead. Sino bang tutulong sayo? Wala naman makakarinig." Nakangisi pa ang binatang ito at mas lalong lakas loob na lumapit sa kaniya. "Besides, kung talagang sisigaw ka, kanino mo pa dapat ginawa, but you didn't cry for help. Have you?" Saad pa nito ng hawakan siya sa pisngi at titigan sa mata.

What the fuck! Papaanong parang nababasa nito ang nasa isipan niya? Naguguluhang tanong niya sabay bawi ng tingin. Hindi niya kayang titigan ito.

Mali, mali tong mga nangyayari. Hindi dapat ganito... Dikta ni Amanda sa kaniyang isipan pero ang kaniyang traydor na katawan ay iba ang sinasabi sa mga nangyayari. Para bang gusto nito, sumasang-ayon sa pangyayari. Wag Amanda! Wag kang magpatalo sa init ng katawan...

"See, I'm right." Preskong tugon ng binata na mas inilapit pa ang mukha sa kaniyang mukha. "You want me too. At sinasabi ng katawan mo na gusto mo rin ako gaya ng kung papaano mo pinasasabik at pinaiinit ang katawan ko."

"I... I'm married." Tanging nasabi niya ng tangkang halikan ng binata ang kaniyang labi.

"So am I." Mabilis na pag-amin rin nito. "But that never stopped me from following you around. You shouldn't too." Sabay tuluyan na pag-angkin ng kaniyang labi.

Ang kaninang kumakabog na dibdib ni Amanda, ngayon'y naghuhuramentado na. Ang kaniyang mga tuhod ay parang jelly ace na nanlalambot at ang pawis sa kaniyang noo ay unti-unti na ring namumuo.

Tama ba tong ginagawa ko? Paano kung mahuli ako... Paano kung mahuli kami... Dapat pinaalis ko siya rito... Pero, pero, bakit gusto rin ng katawan at isip ko ang mga nangyayaring ito? Nalilitong tanong ni Amanda sa kaniyang sarili.

"Your body wants me, you cannot deny that." Mapanuksong bulong ng binata nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "Say you want me...."

"N-n-nooo..." Nauutal niyang sagot na di pa rin magkandaugaga sa kung papaano ba pipigilan ang lalakeng ito sa kaniyang harapan.

At nang halikan ng binata ang kaniyang leeg papunta sa puno ng kaniyang tainga; dilaan at kagatin pa iyon, ay mas lalong nang binalot ng init at tukso ang utak at katawan ni Amanda.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now