Chapter 34 - [Chris]

3.1K 40 0
                                    

Habang nakakandong at nagsasalo sa mainit na halik ang mag-asawang sina Chris at Amanda sa loob ng opisina ng binata ay bigla namang may istorbong kumatok sa pintuan kaya tuloy naudlot ang paglalambingan nila sa isa't isa. Hindi na sana papansinin iyon ni Chris dahil umaasa siyang titigil rin naman iyon, kaya lang ay muling nagpatuloy ang mga katok sa pintuan.

"Damn! Ilang beses ko ba sasabihin sa mga assistant kong to na huwag akong iistorbuhin kapag narito ka?" Reklamo ni Chris sa asawang si Amanda.

"It's okay, baka kasi importante." Ani Amanda na matamis na nakangiti sa kaniya.

"Hindi pa nga ako nakakaiskor sayo eh." Ani Chris na buong gigil na pinalo ang puwitan ng dalaga.

Pagtayo ni Chris ay nagkatawanan pa silang mag-asawa ng dahil bakat na bakat sa harapan ng kaniyang suot na slacks ang naghuhumindig sa galit niyang pagkalalake. "O tignan mo ginawa mo Misis, paano ako ngayon lalabas diyan sa pintuan ng ganito?" Natatawang saad nito ng ipasok ang kanang kamay sa loob ng slacks at pilit na inaayos ang galit na alaga.

"Calm it down. Baka mamaya ay kung sino pa ang makakita niyan at isipin na may tinatago kang batuta o kaya kung anong malaking armas diyan sa pants mo." Natatawang utos pa ni Amanda na hindi maikubli ang magkahalong pananabik at gigil sa kaniya.

Pagkaraan lang ng ilang segundo ay nagawa naman ni Chris na kalmahin ang sarili, buti na lang ay okay na siya nang muling marinig ang mga katok sa pintuan ng kaniyang opisina. Pagbukas niyon ay bumungad agad sa kaniya si Carmen, isa sa apat na mga executive assistants niya.

"Carmen, di ba ang bilin ko sa inyo kanina tell anyone na maghahanap sa akin that I'm on a lunch break with my wife." Mahinahon at kalamado niyang paalala sa assistant.

"Yes sir. Kaya lang po kasi ano po..." Halatang nahihiya pa ito dahil sa nagawang pang-iistorbo sa kaniya.

"What is it?" Tanong niya.

"Si Miss Evansworth po kasi biglang dumating, ang sabi po niya ay may mga idi-discuss daw po siya tungkol sa Hotel & Casino Project. Di ba po Sir Chris sabi niyo basta anything na concern sa project na iyon ay i-inform po kayo agad-agad." Paliwanag ni Carmen.

Nang dahil sa narinig na pangalan ay biglang bumangon ang kaba at takot sa dibdib ni Chris at tila ba iyon isang kuryente na mabilis na dumaloy sa kaniyang buong katawan. Iyon klase ng kaba at takot na animo'y may isang masamang delubyo ang magaganap sa pagdating ni Cindy sa opisina. Shit! What is she doing here?!

Mabilis na nilingon ni Chris ang loob ng kaniyang opisina, at nakahinga siya ng maluwag dahil mabuti na lamang at pumasok pala sa comfort room ang asawang si Amanda, tiyak na hindi nito narinig ang sinabi ni Carmen patungkol sa biglaang pagdating ni Cindy.

"Na saan siya?" Aniya.

"Na sa conference ro---"

"Palipatin mo siya sa conference room ni Daniel sa 31st floor." Agad niyang utos kay Carmen ng di man lang ito pinatatapos magsalita. "Make sure she's gonna stay there. Sabihin mo na lang na susunod na ako. And bring her the documents that I asked you to type and print, make sure she reads it."

"Yes Sir." Sagot nito. "Wala na po ba ka---"

"Wala na. That's all Carmen. Go now. Go. Dalian mo at baka mainip yun doon mag-isa." Muli niyang utos sa assistant na halatang biglang nataranta sa kaniyang pag-uutos.

Mabilis na isinara ni Chris ang pinto ng kaniyang opisina habang pilit pa ring pinapanatag ang sarili na wag na wag magpapakita ng panic sa harap ng asawang si Amanda. Magaling kasi itong makaramdam at makabasa ng mga suspicious na kilos ng isang tao kaya naman kapag bigla siya umakto ng kakaiba ay siguradong maghihinala ito at hindi titigil na mag-usisa at ang mag-alala. At iyon ang hindi niya gusto na mangyari, ang bigyan ang asawa ng dagdag na alalahanin at problema dahil  lalong hindi iyon makakatulong sa mga nangyayari ngayon.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon