Chapter 31 - [Amanda]

3.3K 51 2
                                    

Araw ng Sabado, tanghali pa lang ng matapos ang meeting sa mga suppliers, ay naisip ni Amanda na dumaan na muna sa SM Aura para bumili ng ilang gamit gaya ng perfume, make-up at titingin na rin siya ng ibang mga accesories at formal dress & business attires dahil mula ng i-launch niya ang Bacher Magazine ay naging in-demand agad iyon sa publiko maging sa mga advertisers kaya naman maya't maya ay nakakatanggap siya ng mga business proposals mula sa iba't ibang kompanya.

Habang na sa kalagitnaan ng pagsa-shopping ay nakita ni Amanda si Erika, ang personal executive assistant ni Daniel, na kagaya niya ay mukhang busy rin sa pagsa-shopping kaya naman agad niyang nilapitan ito.

"Erika," tawag niya sa pangalan ng dalaga ng makalapit rito, "Hello, it's good to see you around." sabay beso rito.

"Hello, Ms. Amanda." nakangiting tugon nito sabay beso rin sa kaniya. "Narito rin po pala kayo."

"Stop calling me Miss, kahit Amanda na lang pwede na. Hindi naman din tayo nagkakalayo ng edad. 28 lang ako, 26 ka lang di ba kaya wag mo na rin akong i-po at opo." utos niya sa dalaga para naman mas maramdaman nito na pwede rin silang maging casual para sa isa't isa.

"Naku, Ma'am baka po kasi---"

"It's okay. I don't see any problem with us being casual. After all, matagal na rin naman tayong magkakilala at di ka na rin naman bago sa akin, sa amin, you're like a family to us." Nakangiting komento niya sa dalaga. Ang totoo ay halos p[ara bang miyembro na nga rin talaga ng pamilya Hendelson itong si Erika, mas madalas kasi ay ito ang kasama ni Daniel sa mga pinupuntahan nito mapa-corporate events man o family gatherings kaya madalas ay napagkakamalan ring may relasyon ang dalawa.

"O sige po." Magalang pa rin nitong sagot sa kaniya.

"So, what are you doing here, wala ka bang pasok?" curious na tanong ni Amanda ng makitang hindi naman mukhang galing opisina si Erika. Nakasuot lang ito ng jeans, white converse, at puting t-shirt. Naka-ponytail rin ito at nakasuot ng prescription glasses. Sa itsura nito'y di mo aakalain na personal executive assistant ito ng isa sa kinikilalang bachelor na si Daniel na napapabilang pa nga sa isa pinakamayayang pamilya sa Asia.

"Wala po. Na sa out-of-town personal business kasi si Sir Daniel, sa Palawan, may pupuntahan raw po siyang isang importantedoon kaya binigyan niya ako ng day-off ngayon, kaya ito po nag-shopping na lang ako para naman bumili ng mga gamit." paliwanag ni Erika na ipinakita pa sa kaniya ang ilang paper bag na naglalaman ng mga damit at gamit na pinamili.

"I see, okay lang ba kung samahan mo muna ako mag-shopping?" pakiusap niya sa dalaga para naman may nakakausap siya habang namimili para naman makilala niya itong maigi, "Mukhang matatagalan pa kasi si Chris makarating rito. Okay lang ba?"

"Oo naman po. No problem." mabilis na tugon nito ng may matamis na ngiti sa mga labi.

Dala ng excitement ay mas lalong ginanahan si Amanda na magshopping. Matagal na rin kasi buhat ng huli siyang nagkaroon ng babaeng kaibigan mag-shopping, hindi na nga niya maalala kung kailan pa iyon. Madalas kasi ay siya lang mag-isa ang mamimili ng mga gamit niya, noong huling beses naman ay ang kaniyang asawang si Chris ang naging kasama niya. Kaya naman ngayong nakasama niya si Erika ay napuno siya ng excitement na mag-try ng iba't ibang damit, mga make-up, at kung ano-ano pa. Nakaka-miss din pala yung ganitong feeling na mayroon kang kaibigang babae na mahihingan mo ng opinyon tungkol sa fashion.

Lumipas ang halos kulang-kulang dalawang oras ay wala pa rin si Chris, pero ng tawagan ni Amanda ito ay sinabi naman ng binata na may dinaanan lang itong importanteng bagay, mabuti na lamang at kasama niya si Erika kaya hindi siya naiinip. Tutal naman ay tapos na rin sila sa pamimiili ng mga kakailanganin ay napagpasyahan niyang yayain itong mag-merienda na muna sa Starbucks at doon na lamang hintayin si Chris.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now