Chapter 30 - [Chris]

3.3K 47 3
                                    

Matapos ang mahaba at nakakapagod na araw sa trabaho ay napagpasyahan na ni Chris na umuwi para makasama ang kaniyang asawang si Amanda. Ito lang kasi ang tanging tao na sigurado ay makapagpapagaan ng kaniyang loob at magtatanggal ng stress niya sa trabaho.

Sinipat niya ang kaniyang wrist watch at nakita niyang 7:45 PM na pala. Kung ganoon ay siguradong nakauwi na sa bahay ang kaniyang Misis, malamang ay nagluto rin ito ng dinner para sa kanilang dalawa. Nitong mga nagdaan na araw kasi ay napansin niyang mas madalas na ang ginagawa ni Amanda na pag-uwi ng maaga para ipagluto siya ng dinner, dahilan kung bakit mas lalong excited siyang umuwi sa piling ng kaniyang asawa.

Nang maiayos na ang mga gamit at masigurong nakuha na ang lahat ng mga kailangan ay iniwan na ni Chris ang kaniyang opisina at sumakay ng elevator pababa sa basement kung saan naroroon at nakaparada ang kaniyang itim na Audi R8 na sasakyan.

Habang nakaupo sa loob at pinaii-start ang makina niyon ay nagulat siya ng bigla-biglang bumukas ang pintuan sa passenger's seat at saka mabilis na pumasok at umupo ang pangahas na estranghero na di agad niya nakilala.

Pero paglipas lang ng ilang segundo ay nakilala niyang ang tampalasan na estrangherong iyon ay walang iba kundi ang kinasusuklaman niyang babae na si Cindy.

"What the fuck are you doing here?" magkahalong gulat at galit na tanong niya sa dalaga.

"Surprise, suprise." Pilosopong ngiting tugon nito sa halip na sagutin ang kaniyang tanong. "Did you miss me?"

"Get out Cindy. Wala akong panahong makipaglaro ng mga kalokohan sayo." Malamig ang boses na utos niya na di nililingon ang dalaga. Pilit kasing kino-control ni Chris ang sarili na huwag makagawa ng kahit anong bagay sa babaeng ito lalo pa nga at ito ang may hawak ngayon ng pinakamalaking proyekto ng kanilang kompanya.

"Do you really think that you can easily get rid of me?" Natatawang saad ni Cindy na inilapit pa nga ang sarili at hinaplos-haplos ang kaniyang balikat. "Oh dear, let me tell you, hindi mo ako basta mapapaalis ng ganyan-ganyan lang. I'm not scared of you Mr. Chris Hendelson."

Mabilis niyang itinaboy ang kamay ng dalaga na noo'y nakalapat sa kaniyang balikat "What do you want?" Nagpipigil pa rin ng galit niyang tanong rito kahit pa nga sa loob ng kaniyang isipan ay gusto na niyang itulak ito palabas ng kaniyang sasakyan. "Tell me what you want now at nang matapos na ito."

"You... I want you." Nakangising sagot pa nito sa malandi at mapang-akit na boses at saka muli ay lalong inilapit ang sarili. "I've always wanted you Chris, and you know that, don't you?" Ang labi nito ay malapit na sa kaniyang leeg at tainga habang ang mga kamay ay na sa kaniyang hita at dibdib.

Muli niyang inalis ang mga kamay nito at pilit na pinabalik sa kinauupuan ang babae habang kapit ito sa balikat. "Stop it. Lumabas ka na bago pa tayo makita ng kung sino dito."

"Why, don't be scared, gabi na at halos wala na ngang tao sa building na to. It's just you and me now Chris." Muling panlalandi nito habang hinihila ang kuwelyo ng kaniyang suot na polo, "We can do anything, right here, right now."

"Don't push it Cindy dahil malabong may---"

"Come on Chris, don't be shy." mapanukso at pilyang pang-aasar nito habang patuloy siyang nilalandi, "Let's do it like we did before. I'm sure you miss me too and the things I do with that big hard thing of yours."

Muli ay itinulak niya ito papalayo. Pakiramdam ni Chris ay nagkakasala siya ngayon sa asawang si Amanda dahil hinahayaan niya ang kaniyang sarili na makipag-usap kay Cindy, ang babaeng naging mitsa ng tuluyang paghihiwalay nila noon. Kaya naman hangga't maaari ay ayaw niyang madikit ang kahit anong bahagi ng katawan ng babaeng ito sa kaniya. "You're only wasting your time. You will never have me, not anymore. Matagal na akong tapos sayo at wala ni katiting na plano sa isip kong gawin ulit ang pagkakamaling nagawa ko kay Amanda. You're nothing to me but a piece of trash." Masakit niyang saad rito ng katotohanan.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon