Chapter 25 - [Amanda]

3.8K 54 3
                                    

"Let's go?" Pagyaya ni Amanda sa asawang si Chris ng matapos na ang buong program sa re-launching event nila ng gabing iyon. Nangako kasi siya sa binata na uuwi na sila sa oras na matapos ang kabuuan ng program, nagdesisyon siyang hindi na sasama pa sa after party celebration.

Isa pa, masyado na siyang napagod at napuyat sa dami ng mga kailangan na gawin at ayusin upang masiguradong maayos at pulido ang kalalabasan ng paghihirap nilang lahat sa kompanya. Mabuti na lang nga at successful ang naging launching nila, kung tutuusin higit pa nga sa inaasahan ang naging resulta niyon. Naging malaking tulong na kilala sa larangan ng business ang kaniyang asawa kaya hindi na naging mahirap pa ang pag-iimbita sa mga kilalang personalidad mula sa showbiz, politics, media, at business world.

"Sure, let's go." Nakangiting tugon nito na bakas sa mukha ang kagustuhan na makauwi agad at makasama siya. Nababasa rin niya sa mga mata ni Chris kung gaano siya na-mimiss nito.

"Ang sarap pala ng ganitong feeling," aniya habang naglalakad sila at kapit ang kamay ng binata. "Yung alam mo sa sarili mo na uuwi ka sa bahay na kasama mo yung taong mahal mo. Yung pakiramdam na kahit anong pagod at stress ko, lahat nawawala basta makita lang kita." Malambing niyang pahayag habang nakatitig sa asul na mata ni Chris.

"I feel the same way." Tugon naman nito at saka siya hinalikan sa noo.

Ngunit bago pa man sila tuluyang nakalabas sa malawak na Venue Hall ay naharang sila ni Mr. Galvez, isa ito sa mga kilalang Business Tycoon di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asia. Bukod pa roon ay isa ito sa mga Ninong ni Chris at kilalang matalik na kaibigan ng Ama nito, kaya naman kahit na gusto nilang iwasan ito ay nagbigay respeto silang dalawa.

"Chris, hijo, how are you?" Bati nito ng makipagkamay sa kaniyang asawang si Chris. "It's been quite a long time ng huli kitang nakita rito. Look at you, you are very successful now."

"Thank you Ninong." Nahihiyang ngiti nito sa narinig na komplimento mula sa Ninong nito. "Nagmana lang po ata ako kay Papa. Besides, you are one of my idols Ninong. Gusto ko maging kasing successful niyo someday."

Napangiti si Amanda sa sinabing iyon ni Chris. Napaka-humble talaga ng lalakeng ito, kahit kailan ay hindi nito ipinagyayabang ang mga achivements nito sa buhay. Sa halip ay ibabalik pa nito ang komplimento sa ibang tao.

"Siya nga po pala Ninong, this is my wife Amanda. Hindi ko pa po siya pormal na naipapakilala sa inyo." Pagpapakilala sa kaniya ni Chris sa Ninong nitong si Mr. Galvez.

"Oh yes, the owner of this Magazine Company. I'm so happy to finally meet you Amanda, pasensya na at hindi ako nakadalo sa kasal ninyo doon sa US, nagkataon kasing may important check up rin ako sa puso. Alam mo naman, medyo tumatanda na rin kaya dapat maingat na." Natatawang paliwanag pa nito sa dahilan kung bakit hindi ito nakadalo noong araw ng kasal nila ni Chris. "And congratulations on having such a successful event. I'm sure your company will go far, the new concept of your newly re-launched magazine is absolutely brilliant."

"Salamat po." Buong pusong bigay pasasalamat niya. Nakakagaan ng pakiramdam na marinig mula sa isang kilalang businessman gaya nito ang ganoong klase ng komplimento. Para ba iyong isang verification stamp na nagsasabing nakapasa siya sa unang stage ng pagsusulit, at lahat ng hirap nila ay magbubunga pa lalo ng mas magagandang bagay ngayon at sa mga darating pang panahon.

Nang magsimulang usap si Chris at ang Ninong nito tungkol sa business ay nag-excuse na lamang muna siya. "I'll just be at our table." Simpleng bulong niya sa binata. Mas makakabuti kung hahayaan na lang muna niya ang dalawa na mag-usap ng personal.

"Sorry, I promise I will be very quick." Pangako naman nito. Pero alam niyang magtatagal ang pag-uusap na iyon, at wala namang kaso sa kaniya iyon. Mas nagkaroon rin siya oras na mag-stay saglit at makasama ang iba pang mga bisita.

Still Yours (Playboy Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt