Chapter 29 - [Chris]

3.5K 53 1
                                    

"Excuse me Sir Chris, narito na po ang mga representatives from Mega Pacific Tower Inc., they are waiting at the conference room." Bigay paalala ni Bea, isa sa kaniyang apat na executive assistant, ng pumasok ito sa kaniyang office.

"Thank you, Bea. I will be there in a minute. Please prepare some foods and drinks for everyone." Nakangiting utos naman niya rito. "And tell Brian to come here."

Paglabas ng dalaga ay siya namang pasok ng isa pa niyang assistant na lalake na si Brian. "Please give each folder to all the representative para naman mabasa nila bago pa magstart ang meeting. Also, make sure na umaadar ang projector sa conference room. Mabuti nang walang maging aberya sa meeting because this one is really important." Utos niya rito habang isa-isang inaabot ang mga folders and files na kakailanganin sa meeting.

"Yes sir. I will have it check." Tugon ni Brian at saka mabilis na nagpaalam upang dalhin ang mga dokumento sa loob ng conference room.

Nang maiwang mag-isa sa kaniyang opisina ay kinuha ni Chris ang kaniyang cellphone at agad na dinial ang numero ng kaniyang asawa. Gusto niyang marinig ang boses nito bago pa man magsimula ang meeting niyang iyon, tiyak kasing makatutulong ito na kalmahin siya.

"Hello gwapo kong asawa." Masiglang pagbati ni Amanda mula sa kabilang linya.

"Hello maganda kong Misis." Masaya niyang tugon ng marinig ang masayang pagbati ng dalaga. "How are you?"

"Ito, okay naman, just studying some articles that we will include in our next magazine issue." Imporma ni Amanda sa pinagkakaabalahan nito ng mga oras na iyon. "And what about you, has the meeting started already?" Tanong pa nito ng maalala ang tungkol sa importanteng meeting na naikwento niyang ng nagdaang gabi.

"It's about to start in a minute. I just called to hear you sweet voice to calm down my nerves." Nakangiti at hiyang pag-amin pa ni Chris sa asawang si Amanda. "I can't help but feel really nervous about this one. It's like my whole career is on the line."

"Don't be, you gave it your all kaya I'm sure things will turn out just exactly how you predicted it to be smooth and perfect." Anito ng may buong tiwala sa kaniyang presentation. "Ikaw pa ba, kailan ka ba naman gumawa ng hindi maganda at detalyadong plano di ba? You already got this in the bag baby." Pagpapalakas ng loob pang pahabol na papuri ng dalaga na talaga namang nagpangiti at nagpatibay ng kaniyang loob.

"Thanks baby, you just made me feel good now. Anyway, I have to go. I will call you after the meeting. I love you!" Buong puso niyang paghahayag ng damdamin sa asawa. Sa totoo lang ay buhay ng magkabalikan silang dalawa ay napansin ni Chris sa sarili niya na nagiging mas out-spoken na siya sa pagsasabi ng mga matatamis na salita para sa kaniyang asawa kahit pa nga na sa pampubliko siyang lugar o kahit sino pang kaharap niya.

"I love you too baby. Best of luck." Saad ni Amanda at saka pa nagbitaw ng halik mula sa kabilang linya.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay kumilos na si Chris at tinungo ang conference room kung saan naroroon ang mga representative ng Mega Pacific Tower Inc., ang kompanyang nagmamay-ari ng ilang kilalang real estate sa malalaking bansa at ang soon to be most luxurious hotel & casino sa Amerika.

"Good Morning everyone." Masayang bati niya sa tatlong lalake na kaharap niya. Ang isa ay mukhang European, at ang dalawa naman ay mga Amerikano. "I'm glad to meet you all today." Aniya habang nakikipagkamay sa bawat isa sa mga bisita.

"We're also glad to meet you too Mr. Hendelson." Tugon ng mga ito ng makipagkamay sa kaniya.

Kabilang na rin sa mga na sa loob ng conference room ay ang tatlo niyang executive assistants na sina Bea, Linda, at Brian para mag-take ng notes at mag-assists sa mga bisita. Naroroon rin ang kapatid niyang si Daniel na siyang tumatayong Head ng Real Estates and Construction Division ng Hendelson Empire, at ang personal executive assistant nitong si Erika kasama pa ang tatlong Head Architect na siyang magpipresent sa kabuuang layout ng pinaplanong hotel & casino.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now