Chapter 21 - [Amanda]

4K 53 1
                                    

Lumipas ang isang buwang mahigit mula ng magkaayos ang mag-asawang sina Amanda at Chris, nagsama na rin silang muli sa iisang bahay ng pilitin ng binata ang dalaga na lumipat ito sa tinutuluyan nitong residential suite sa isang mamahalin at prestihiyosong building sa taguig. Habang ang bahay na tinutuluyan ng dalaga ay ipinagbilin muna sa katiwalang si Manang Ruth at sa pamilya nito na pansamantalang ookupa ng bahay upang di iyon mabakante.

Sa lumipas na isang buwan, masasabi rin ni Amanda na naging maayos at masaya ang pagsasama nilang muli ng kaniyang asawang si Chris. Para ba silang bumalik sa mga panahon noong magkasintan pa lamang sila, at mga panahon na kakakasal pa lang nila. Honeymoon stage kumbaga.

Kagaya pa ng dating nakagiwaan ay hatid-sundo rin siya ng binata sa pagpasok at pag-uwi galing sa opisina, na kung tutuusin ay hindi naman sana kailangan gawin nito dahil marunong naman siyang mag-drive. Kaya nga lang ay mapilit ang binata at talagang gagawa at gagawa pa ito ng paraan para lang di siya makatanggi. May dalawa o tatlong beses lang ata itong nagpaalam na di siya madadaan pauwi dahil sa mga napakaimportante na meeting nito sa mga International investors ng Hendelson Empire.

Napapadlas rin ang pagsulpot ni Chris sa kaniyang opisina para sabayan siya sa pagkain ng tanghalian. Gaya na lamang ngayon na surpresa itong pumunta roon na may dalang japanese food para pagsaluhan nilang dalawa.

"Are you ready for tomorrow's event?" Tanong ni Chris habang kumakain sila.

"Of course," masaya at matamis na nakangiti niyang tugon. "We have everything ready. From the guest list, the venue, the food, down to the smallest detail possible."

"That's good to hear." Ani Chris na may bakas rin ng excitement sa mukha kagaya niya. "If you need any kind of help, sabihin mo lang sa akin at tutulungan kita."

"Thanks baby." Aniya sabay na pisil sa pisngi ng binata. "And I trust my team, alam ko naman na pinagtrabahuhan nilang maigi ang event bukas."

"I'm so proud of you Amanda." Papuri ni Chris na hinawakan ang kaniyang kamay ay nilapatan iyon ng isang halik. "I'm sure tomorrow's event will be a successful one."

"Thank you." Pasasalamat naman niya na hindi maitago ang kilig at saya sa sweetness at support nito sa kaniya.

Ang event na tinutukoy ni Chris ay ang gaganapin bukas na Re-launching ng panibagong konsepto ng magazine ng kaniyang Publishing Company. Kung dati ay puro litrato lamang iyon ng mga businessman, ads, at mga kung ano pang bagay ay binago na niya iyon simula ng bilhin at pamahalaan niya ang nasabing kompanya.

Mula sa mga Advertisement, lifestyle section hanggang sa mga litratro at articles na nakasulat sa panibagong bihis ng kanilang magazine ay mahigpit niyang pinag-aralan at binantayan. Every month ay magpi-feature ang kanilang magazine ng mga bata at gwapong bachelors na successful sa larangan ng business, sports, at iba pang industriya. Mga one-on-one personal interviews tungkol sa lifestyle hanggangsa love life ng mga ito. Meron din mga business tip article para sa mga nagpaplano magtayo ng business at marami pang iba.

Matapos na makapagtanghalian ay nagpaalam na si Chris na babalik sa opisina nito dahil may meeting pa raw ito ng 2pm kasama si Daniel para sa panibagong property na idi-develop na maging isang hotel & casino sa bansa.

"Susunduin na lang kita mamaya around 6 pm." Paalala ni Chris habang hinihintay nilang bumukas ang elevator.

"Oh, about that, wag mo na pala muna ako sunduin mamaya." Ani Amanda ng maalala na may kailangan nga pala siyang puntahan mamaya.

"Why? May pupuntahan ka ba? Pwede naman kitang samahan." Nagtatakang tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Yeah, I'm planning to treat my team some dinner and a few bottles of drink na rin. You know, just to celebrate their hardwork and effort." Nakangiti niyang imporma kay Chris patungkol sa plano niyang panlilibre sa mga empleyado. "Sigurado kasi na busy silang lahat bukas and most probably tired to even celebrate after the event, kaya ngayon ko na lang sana sila i-treat."

Still Yours (Playboy Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora