Chapter 5 - [Amanda]

5.3K 74 5
                                    

Napakalamig at napaka-presko ng simoy ng hangin sa gitna ng malawak na karagatang iyon sa Subic kung saan napagpasyahan ni Chris na itigil ang yate na sinasakyan nila, malayong-malayo sa docking area at sa mga kalapit na Isla na halos hindi na nga niya matanaw pa.

Bukod sa nakaka-relax ang amoy ng tubig dagat na humahalo sa malamig na simoy ng hangin ay napakalinaw rin ng kulay bughaw na kalangitan na nagre-reflect sa malinis na tubig na iyon ng dagat. Halos kitang-kita na nga rin niya ang mga isdang naglalanguyan sa ilalim at mga naglalakihan at naggagandahang corals na naroroon sa ibaba ng tubig. Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang nasasaksihan ngayon ng kaniyang mga mata.

Malayong-malayo sa buhay sa Manila na puno ng mga polusyon galing sa mga sasakyan, mga kalat at basura, mga naglalakihang building, at busy na buhay ng mga tao na walang ibang iniintindi kundi ang magtrabaho o ang gumimik. Tama nga ang sinabi ni Chris sa kaniya kanina na mag-eenjoy siya, dahil iyon na iyon ang nararamdaman niya ngayon o higit pa. Para ba'y nawalang lahat ang mga stress, pagod, at puyat na nakuha niya mula sa pagtatrabaho. Ngayon niya nararamdaman ang sarap ng malalim na paghinga ng preskong hangin at ang kalmadong kapaligiran.

"Masarap dito di ba?" Ani Chris na tumabi sa kaniyang kinauupuan. "Nakaka-relax na malayo sa busy na buhay natin sa Manila."

"Yeah, this is a first." nakangiting pag-amin niya rito. Hindi pa kasi sila nakakapag-sailing nito dati sa mga date nila noon.

"I'm glad to be your first." pilyong tugon ng binata na mukhang iba ang nilalaman ng sinasabi. 

"Ewan ko sayo!" saway ni Amanda sabay hataw sa balikat ni Chris at saka ito inirapan.

"I mean, I'm glad to be a part of your first yacht sailing." nakatawang pagbawi nito at pagtatama pa sa unang sinabi.

"Yeah, thanks for bringing me here." Tipid na ngiti niya ng di ito nililingon at patuloy lang sa paglalaro ng kaniyang paa na nakababad sa tubig dagat.

"This is where I usually go whenever I want to escape the busy life and hectoc work schedule in the city." kwento nito habang nakatayo lang roon malapit sa kaniya. "When I'm here, I feel re-energized. Mas nagagawa kong makapag-isip ng maayos at mas malinaw. And I also get to reflect about life." seryoso at sinserong pagbabahagi pa ni Chris sa experience nito sa sailing.

"Siguro marami ka ng naisakay at nadala dito 'no?" pakunwaring pang-aasar niya. Pero ang isipin ang ideyang maaaring may nadala na itong ibang babae roon ay nagdudulot ng mumunting kurot sa dibdib.

"You're the first." mabilis na pag-amin nito. "Simula ng binili ko ito ay wala pa akong pinasakay na iba. I only go sailing alone. Of course except sa inuupahan kong mag-bantay at mag-maintenance nito." seryosong pag-amin pa ng binata ng lumingon ito at mataman siyang tignan ng diretso sa mata.

"Well thank you, I'm glad to be your first guest." nakangiting pasasalamat niya. "I'm having fun."

"I just want you to see you have some time off from your busy sched." Sagot naman ni Chris at gaya niya ay inilubog na rin nito ang mga paa sa tubig. "Here, let's drink some beer." Abot nito sa kaniya ng bote ng beer.

"No thanks, I don't---"

"Drink it. It will help you relax even more." Pagtutol nito sa kaniyang sasabihin at saka kinuha ang kaniyang kamay at iniligay roon ang bote ng malamig na beer. "Don't worry, hindi naman kita lalasingin Misis. Let's just chill and enjoy the moment. Cheers!"

"Cheers." Aniya saka nakipag-cheers ng hawak na niyang bote ng alak.

Lumipas ang ilang minuto na puno ng katahimikan at walang kibuan. Nanatili lang sina Chris at Amanda na okupado sa kani-kaniyang sariling mga mundo, wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magtanong o magbitaw ng salita dahil pareho nilang tahimik na ine-enjoy ang magandang kapaligiran at ang payapa at kalmadong dagat.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon