Chapter 32 - [Amanda]

3K 47 2
                                    

Makalipas ang isang buong linggo ay naisakatuparan na nga rin ni Amanda ang kaniyang plano na i-makeover ang personal na sekretarya ni Daniel na si Erika. Sa sobrang excited pa nga niya na pagandahin ang dalaga ay siya pa mismo ang personal na sumundo rito sa bahay nito at walang kalaban-labang napilitin na lang din talaga itong sumama sa kaniya.

"Are you excited?" Excited niyang tanong niya kay Erika.

"Medyo po. Kinakabahan lang din ng kaunti." Tugon ng dalaga na bakas sa mukha ang tila pagdadalawang-isip sa mga pangyayari.

"Don't be. You are in good hands, trust me." Bigay panigurado ni Amanda upang maramdaman ni Erika na okay lang lahat at wala itong dapat na ipag-alala.

Pagdating nila sa Isang kilalang Hair Salon ay agad dumiretso si Amanda sa front desk upang ipagbigay alam sa naka-assign na staff ang naka-book niyang schedule para sa araw na iyon. Bukod kay Erika ay sasabay na rin si Amanda sa pagpapaayos ng sarili tutal naman ay may inaasikaso pang business appointment ang kaniyang asawang si Chris kasama ang kapatid nitong si Daniel. Sabi naman ng binata ay baka hapon pa sila matapos kaya may buong araw siya para magrelax at magpaganda. After all, isang magandang bonding experience na rin ito sa kanila ni Erika para naman mas lubusan niyang makilala ang pagkatao nito.

Lumipas ang isang oras na puno ng chikahan at tawanan lang ang ginawa nila ni Erika at ng dalawang hairdresser na nag-aayos sa kanila. Ang isa kasi sa mga hairdresser na si Makmak ay bakla kaya naman punong-puno ito ng mga nakakatawang kwento at mga nakakaaliw na komento, at ano pa nga ba kundi si Erika ang madalas nitong okrayin, buti na lang at marunong makisakay sa biro ang dalaga kaya mas lalong naging kakatwa ang mga palitan ng asaran ng dalawa.

Kaya lang ay naputol ang tawanan at kwentuhan nilang iyon ng mapatingin silang lahat sa malakas na boses ng isang babaeng na nasa waiting area. Ilang saglit lang ay pumasok na rin ito sa work area ng salon at doon ay nakilala ni Amanda na ang babae pala ay ang kaibigan niyang si Pam, yung lumapit sa kaniya sa grocery store kamakailan at nagkwento sa kaniya ng tungkol kay Chris na nakita nitong may kasamang ibang babae, at napatunayan niyang hindi naman pala totoo.

"O M G!" eksaheradang saad pa nito na animo'y matagal silang di nagkita. "Amanda!" sabay lapit sa kaniya para yumapos at bumeso, "Grabe di ko ine-expect na dito kita ulit makikita."

"Me too." Nakangiting sagot niya sa kaibigan, "It's good seeing you again Pam."

"Naghintay pa naman ako ng text or tawag mo dahil sabi mo last time magba-bonding tayo di ba, kaso wala ka naman paramdam." anito na animo'y kunwaring nagtatampu-tampuhan sa kaniya.

Pagkasabi niyon ni Pam ay saka lang naalala ni Amanda ang tungkol sa bagay na ipinangako niya sa kaibigan. Oo nga pala, I made a promise to Pam na lalabas kami for a catch up dinner. Nawala na sa isip ko dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Chris lately.

"I'm so sorry dear, I got so caught up with so many deadlines at work. I promise babawi ako sayo." Hinging paumanhin naman niya sa kaibigan. 

At nang makaupo na rin sang kaibigang si Pam sa isa sa mga bakanteng upuan at simulang ayusan ng naka-assign na hairdresser dito ay saka ipinakilala ni Amanda ang kasama niya, "By the way, I would like you to meet my friend Erika." at nakangiting kumaway naman si Erika bilang sensyales ng pagbati. "Erika, she's Pamela, my friend noong nag-aaral pa ako sa Amerika but she's now here in Philippines for good." At nakangiting kumaway rin naman pabalik si Pam kay Erika.

Kung kanina ay masaya na sila sa mga biro ng baklang hairdresser na si Makmak, ngayon ay naging mas malakas pa ang kanilang mga halakhakan ng dumagdag si Pam sa eksena. Puno rin kasi ng komedya ang mga kwento nito lalo pa nga at proud na proud pa nitong ikinukwento ang mga experiences nito sa pagpapa-surgery ng katawan at mukha. Pati na rin kung ang mga failed relationships nito sa mga lalake hanggang sa kung papano ito nauwi sa pagpapakasal sa asawa nito ngayon na Pilipino.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now