Chapter - 19 [Amanda]

4.5K 66 1
                                    

Kinaumagahan, paggising ni Amanda ay ang mabangong amoy ng breakfast ang sumalubong sa kaniyang ilong. Nakaramdam tuloy siyang bigla ng pagkagutom dulot ng nakakahalinang amoy ng agahan.

Paglabas niya ng silid ay agad siyang dumiretso sa kusina. Natagpuan niya roon ang binatang si Chris na siya palang nagluluto ng masarap na agahan na kanina pa niya naamoy. Naka-topless lang ito at tanging ang maiksing boxer shorts lamang at apron ang suot nito sa pagluluto.

Ang sexy naman ng chef ko. Sino namang di gugutumin nito. Pilyang saad niya sa sarili habang kagat ang ibabang labi at tahimik na pinanunuod ito sa pagluluto at pagkanta.

"Good Morning asawa ko." Masiglang bati ni Chris ng makita siyang nakatayo roon at pinanood ang binata sa ginagawa nito. "Kanina ka pa ba diyan?"

Nang akmang lalapit ito para bigyan siya ng munting halik sa labi ay mabilis naman na iniharang niya ang kaniyang hintuturo. "Hep, hep. Bakit narito ka? Diba sabi ko umuwi ka na kagabi after mo ako ihatid?"

"Aww, Morning kiss lang naman. Ang damot mo naman Misis. Isa lang naman!" Kunwaring nagtatampong mukha nito.

"Sagutin mo muna tanong ko, paano ka nakapasok rito at bakit narito ka ng ganito kaaga?" Taas kilay niyang tanong muli sa binata.

"Umuwi naman ako kagabi, Promise." Paliwanag nito at nakataas pa ang kanang kamay bilang tanda na totoo ang sinasabi nito. "Kaso bumalik din ako agad. Naisip ko kasi na imbes na daanan pa kita bukas ng maaga para sunduin for our meeting with your OB, mas okay na dito na lang ako matutulog."

"Eh saan ka natulog at bakit ganyan ang suot mo? Paano kung nakita ka ni Manang Ruth, baka kung---"

"Don't worry. Wala naman na siya rito." Nakangising sagot ni Chris "Pagdating ko kagabi ay sinabihan ko siya na mag day-off na muna. At saka sa sofa ako natulog kagabi. Tatabihan nga dapat kita sa kama kaso baka matakot ka na naman bigla at sapakin mo na naman ako." Kwento pa nito sa ginawang pagtitiis na pagtulog sa maliit niyang sofa.

"Okay, sige, tatawagan ko na lang si Manang Ruth na bumalik na lang rito bukas." Naiiling niyang tugon. Talaga nga naman at dahil lang gusto nito na makasama siya ay gumawa pa ito ng dahilan para mag-off ang kaniyang kasambahay.

"Actually, uhmm... About that." Nauutal na saad ni Chris na di makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. "Ah, 1 month kasi yung binigay kong day off sa kaniya. Binigyan ko na rin sya ng advance na sweldo."

"Ano?!" Gulat niyang wika. "1 month? Sino na lang ang kasama ko rito sa bahay kapag wala si Manang? Sino magluluto? Sino maglalaba? Sino maglilinis ng bahay?" Sunod-sunod na tanong niya ng malaman na 1 month naka-off ang kaniyang kasambahay dahil sa kagagawan ng loko-lokong asawa niya.

"You'll stay with me syempre. Doon tayo sa residential suite ko." Ani Chris na mukhang sinadya talagang planuhin iyon ng wala man lamang konsultasyon sa kaniya.

"Hay, nako, magti---" Ngunit bago pa siya makapagsalita ay mabilis siyang sinunggaban ni Chris at niyapos ng mahigpit sabay ang mariin na halik sa kaniyang mga labi.

"Thank you Misis." Nakangiting saad ni Chris sabay kurot sa kaniyang pisngi. "Ang ganda talaga ng asawa ko." Dagdag pang pambobola nito sabay kindat sa kaniya.

"Tseh, Ewan ko sayo." Aniya sabay pabirong hataw sa balikat nito.

Ayaw man aminin ni Amanda ay halata naman sa pamumula ng kaniyang mukha at sa di mapigilang ngiti sa kaniyang labi na masaya siya sa kung ano ang mayroon sila ngayon ng asawang si Chris. Marami pa silang aayusin at mga pag-uusapan, pero kahit papaano ay pakiramdam niya ay dahan-dahan ng nabubuo at bumabalik ang tiwala at pagmamahal niya rito.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now