Chapter 28 - [Amanda]

3.3K 45 0
                                    

Nang maalimpungatan si Amanda sa kalagitnaan ng gabi ay napansin niyang bakante ang kabilang bahagi ng kama na kinahihigaan ng asawang si Chris kaya naman napabangon siyang bigla at napatingin sa digital clock na nasa kaniyang bedside table, pasado alas tres medya pa lamang, nasaan na nga kaya ito?

Agad na bumangon ang dalaga at di na nag-abala pang isuot ang mga damit. Balot lamang nang kumot ay nagpasya itong lumabas ng silid upang hanapin ang asawa, kaya nga lang ay nang buksan ni Amanda ang pintuan ng silid ay sinalubong na agad siya ng isang magandang himig ng musika ng piano. Marahan siyang naglakad patungo sa living area kung saan nanggagaling ang tunog ng piano at pagdating doon ay naabutan niya roong tumutugtog ang asawang si Chris.

Hindi niya ito nilapitan at sa halip ay tahimik lamang muna na nagmasid mula sa isang bahagi ng madilim ng living room. Kay sarap pakinggan ng pagtugtog nito, para siyang inihehele sa saliw ng musikang "River Flows in You" ng kilalang pianist na si Yiruma. Pero bakit, bakit tila may halo ng lungkot sa bawat pagtipa nito ng tiles ng piano. Bakit tila ba may kalakip na bigat ang bawat nota na binibitawan ng musika nito.

Nang matapos ang binata sa pagtutog ay pasimple siyang naglakad papunta sa likurang bahagi at pasurpresa itong niyapos ng napakahigpit. Kung bakit, ay di rin niya alam, basta ng mga oras na iyon ay gusto niyang yakapin ito ng sobrang mahigpit at iparamdam sa binata na hindi ito nag-iisa.

"I'm sorry, did i wake you up?" Tugon ni Chris na bakas sa boses ang pagkasurpresa na makita siya roon ng mga sandaling iyon.

"No, you didn't." Umiiling-iling niyang sagot habang yapos pa rito mula sa likuran at nakahilig ang ulo sa balikat nito.

"Let's go back to---"

"No, it's fine, let's stay here for a moment." mabilis na pagtutol ni Amanda sa asawa.

May ilang segundo silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa igiya siya ni Chris upang kumandong sa hita nito, tapos ay saka siya mahigpit na niyapos habang mahigpit na kapit ang kaniyang mga kamay. At nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Amanda ay kailangang-kailangan siya ngayon ng kaniyang asawa.

"Anong problema, tell me." Aniya rito ng pabulong habang sinusuklay ng kanang kamay ang buhok ng binata.

"Nothing baby. I'm just really feeling a little worn out and stress these past days." Mahinang tugon nito habang mahigpit pa ring nakayapos pa rin sa kaniya at nakadantay naman ang ulo sa kaniyang katawan. "I'm sorry."

"Sorry about what?" Curious niyang tanong rito.

"For not being at my best." May bahid ng lungkot na sagot nito.

Totoo ang sinasabi ni Chris. Nito ngang mga nagdaan na araw ay napapansin nga ni Amanda na para bang tila palagi na lang malalim ang iniisip ng binata. Kung minsan ay nakikita niya itong nakatulala, kung minsan naman ay para ba itong wala sa sarili kapag nag-uusap sila dahil nakakalimutan agad nito ang mga sinasabi niya o kaya ay napapansin niya na hindi buo ang atensyon nito sa pakikinig.

"You're working too much. Please take it easy, masyado mo na pinapagod ang sarili mo sa pagtatrabaho." Mahinahon at sinserong bigay payo ni Amanda sa asawa. "And never be sorry, kasi kahit anong mangyari, I will always be here to support you in good times and in bad times."

"I promise I will make it up to you big time kapag natapos na lahat-lahat ng ito." Buong pusong saad naman ni Chris na hinahalikan pa ang kaniyang braso habang nakakandong pa rin siya rito. "Just don't ever leave me again. Please. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag nawala ka pa ulit sa akin."

"Never. I will never leave you again. Ever. Bakit ko naman gagawin yun?" Natatawang sagot ni Amanda at saka pabirong ginulo pa ang buhok ng asawa. "Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi kita iiwan, okay."

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon