Chapter 11 - [Amanda]

4.4K 60 1
                                    

"We're here." Saad ni Chris sa kaniya na mahigpit pa ring nakayapos rito sa dala ng takot na baka malaglag siya sa kabayo. "Amanda..." Muli nitong tawag sa kaniyang pangalan ng di siya tumugon sa unang tawag nito. "Open your eyes babe, we're here."

Nang magmulat siya ng mata ay saka lang niya na realize na nakahinto na pala sila. Mukhang sa labis na takot ay di na niya namalayan na nakatigil na pala sila. Gaano na ba kami katagal nakatigil? Nakakahiya! Hindi ko man lang namalayan na di na pala tumatakbo yung kabayo.

"S-sorry." Saad niya sabay mabilis na bitaw sa pagkakayapos sa binata at agad na iniayos ang nagulong buhok at damit mula sa malakas na hangin na dulot ng mabilis na takbo ng kabayo.

Na-concious pa lalo siya ng makita ang isang nakakalokong ngiti mula sa mga labi ng binatang si Chris. Mukhang gustong-gusto talaga nito ang ginawa niyang pagyapos at pagdantay sa dibdib nito kanina. Tignan mo tong mokong na to, sinadya pa ata talaga. Chansing! Manyak ka talagang lalake ka. Hmp!

Nang makababa naman na si Chris mula sa puting kabayong si Winter ay sunod naman siyang maingat na inalalayan nito pababa roon. Itatali na lang daw nito ang alagang kabayo sa isa sa mga puno na naroroon, tiyak naman daw na di mawawala ito roon dahil na sa loob pa rin naman sila ng property ng Hacienda.

"Anong lugar to?" Tanong niya habang nagmamasid sa paligid. "And what are we going to do here in the forest, puro puno lang naman ang narito."

"Relax." Nakangiting tugon ni Chris habang inaasikaso ang pagtatali sa kabayo.

"Relax? Paano ako magrerelax, tignan mo nga kung na saan tayo. Paano kung mawala tayo? Paano kung may mga masasamang tao pala rito?" aniya na may bahid ng kaba at pagdududa sa kanilang paligid. Hindi kasi siya pamilyar sa parteng iyon ng malawak na Hacienda.

"Alam mo Misis, relax ka lang." Natatawang saad ni Chris at saka siya nilapitan at at hinawakan sa balikat. "We are still inside the Hacienda, and I assure you, walang masamang tao rito. Kabisado ko ang buong lugar na to."

"Bakit mo ba kasi ako dinala rito?" Taas kilay at nakapamewang na tanong niya sa binata. "Ano na naman bang pakulo mong lalake ka?"

"I just want to show you something beautiful na alam kong magugustuhan mo rin." Simpleng paliwanag lang nito nang di binabanggit ang saktong dahilan ng pagpunta nila roon.

Sa totoo lang ay di naman natatakot si Amanda na naroroon sila dahil tiwala siyang hindi siya ilalagay sa alangan o pagtatangkaan ng masama ng binata. Alam niyang kahit pa naghiwalay na sila nito at magulo ang pagsasama nila ay mapagkakatiwalaan niya pa rin ito pagdating sa kaniyang kaligtasan. Sa loob naman kasi ng ilang taon nilang pagiging magkasintahan noon ay maraming ulit na napatunayan ni Chris kung gaano siya inirerespeto at inaalagaan nito.

"Hay nako Chris, siguraduhin mo lang talaga na totoo yang pinagsasabi mo ha. Kapag di ko nagustuhan yang pinagsasabing mo surprise, sisipain talaga kita." Pakunwaring pagtataray niya upang maging casual lang ang pagsasama nilang iyon.

"I promise." Taas kanang kamay na pangako ni Chris sa kaniya na may simapatikong ngiti sa mga labi. "Let's go." Pagyaya pa nito patungo sa sinasabing surpresa.

Habang naglalakad sila ay may ilang ulit na nagtangka si Chris hawakan ang kaniyang kamay ngunit naging mailap siya at pilit itong iniwasan. Halata man ang ginagawa niyang pag-iwas ay tingin niyang mas okay iyon upang di magkaroon ng kahit na anong klase ng physical contact sa pagitan nila lalo pa nga at dalawa lamang sila sa liblib na lugar na iyon. Idagdag pa nga na kung minsan ay tinatraydor siya ng kaniyang sariling katawan at isipan dahil mabilis itong bumibigay sa mga pang-aakit na ginagawa binata.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now