Chapter 10 - [Amanda]

4.5K 71 1
                                    

Matapos ang masarap at nakakabusog na breakfast ay naisipan ni Amanda na maglakad-lakad sa malawak na Hacienda. Nakapagpalit na rin siya ng isang off-shoulder yellow summer dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Isa iyon sa mga iilang gamit na dinala pala pabalik ng asawang si Chris sa Pilipinas nang maiwan niya iyon sa kanilang bahay sa Midtown, New York.

Isa pa ay buhat ng maghiwalay sila ni Chris may tatlong taon na nga ang nakalilipas ay hindi na rin siya muling nakatapak pa sa maganda at malawak na Hacienda na pagmamay-ari ng Pamilya Hendelson. Kaya ngayon ay gusto niyang lubusin ang pagkakataon na makapamasyal roon.

Noon, sa tuwing sasapit ang summer season ay dito siya dinadala ng kaniyang asawang si Chris upang magbakasyon at magkaroon na rin ng bonding sa mga kapatid at pamilya nito. Isa iyon sa mga bagay na palagi niyang inaabangan sa tuwing papalapit na ang summer.

I miss this place... the nature, the people... I miss this feeling... nakangiting saad niya sa sarili.

Bukod kasi sa pareho silang busy sa pagpapatakbo ng mga business nilang mag-asawa, ay wala rin silang time noon na magbakasyon ng madalas sa Pilipinas dahil sa maraming mga commitments nila roon sa Amerika. Pero ngayon na finally nakabalik na siya sa Hacienda, pakiramdam niya ay at home na at home siya sa paligid.

Mula sa di kalayuan ay narinig ni Amanda ang ilang malalakas na yabag na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. At nang lingunin niya ang direksyong pinanggagalingan ng mga yabag na iyon ay nakita niya si Chris sakay ng puting kabayo nito papunta sa kaniya.

"Hello, my wife. Do you want to go for a ride?" Paanyaya ni Chris ng tumigil ito sa kaniyang harapan.

"No, thanks. Maglalakad-lakad na lang ako." Tanggi niya at saka nagpatuloy muli sa paglalakad sa malawak na taniman ng Hacienda.

"Come on, Amanda. Mas mai-enjoy mo ang maglibot rito sa Hacienda habang nangangabayo." Pamimilit na pang-iingganyo pa rin ni Chris habang nakasunod ito sa kaniyang paglalakad sakay pa rin ng kabayo nito.

"Wag na, baka ihulog mo lang ako o kaya kidnapin mo ko. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon." Pamimilosopo niyang pang-aasar sa asawang si Chris.

"And what makes you think ilalaglag kita rito, eh yun nga lang simpleng masugatan ka lang o magasgasan ay nagpapanic na ako, ito pa kaya?" Paliwanag ng binata at saka ito mabilis na nagpatiuna at hinarang ang kabayo sa kaniyang daraanan, "I am your husband so I will protect you the best I could."

"Sinabi ngang ayaw ko diba? Mahirap bang---"

"Please, Amanda." Putol ni Chris sa kaniyang gagawing pagtanggi. "It's your day off. I just want you to have a really good time to relax. So, please, can you just allow me to help you make the most of this day? Kahit ngayong araw lang na to." Simpatikong panunuyo ng asawang si Chris.

At dahil makulit ito at tiyak na di rin naman titigil sa panunuyo sa kaniya ay pumayag na rin siyang sumama sa binata, "Okay, okay. Pero ngayon lang to Chris, at di rin ibig sabihin na sumama ako sayo ngayon ay okay na tayo." Pagpapaalala niyang muli sa sitwasayong mayroon silang mag-asawa.

"Yes, my wife. I promise." Matamis ang ngiting tugon nito at saka ito bumaba sa kabayo upang alalayan naman siyang makaakyat.

At nang masiguradong maayos na siyang nakaupo roon sa saddle ay swabe at walang kahirap-hirap naman itong muling umakyat sa kabayo at pumuwesto sa likuran, habang siya naman ang na sa harapan.

Nang abutin ni Chris ang magkabilang bahagi ng tali na nagsisilbing pang maniobra sa kabayo, ay di niya naiwasan ang makaramdam ng malakas na pagkabog sa kaniyang dibdib ng magtama ang kanilang mga balat at magkadikit ang kanilang katawan.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now