Vixen One: Knowing Her

5.3K 154 8
                                    


Lei's POV:

"Arrrggghhh!"

"Ahhhhh..!"

"Hmmmmppp!"

"U-ughh!"

Okay. What do you think is happening?

May torturing session lang namang nangyayari. Nandito ako ngayon sa headquarters ng kakilala kong gang, nanonood ng live show.
Gusto kong makakita ng fresh blood eh. And when I say fresh, yun yung tipong kalalabas pa lang talaga mula sa katawan.

Obviously, I do love BLOOD, lalo na kung ako mismo ang may dahilan ng pag-agos ng dugong yun. Hmmm.. Yummy!
I'm not a vampire, okay. Or whatever you think I am right now.
I'm just a mere human who happens to love, blood.
Wanna know why?
Pasensya, hindi ko rin alam eh, basta ang alam ko lang ay ang kakaibang excitement na nararamdaman ko every time na nakakakita ako nito.

Pero hindi nga lang pwedeng pasobrahan dahil gaya nga ng sinasabi nila, lahat ng sobra ay nakakasama at hindi ako excepted doon.

"Enjoying the view V?"  Caden approached me, the leader of the Leonex Gang.

"Very much,"  I smirked

"Halata nga."

"Now, tell me. Ano namang kasalanan ng gagong yan at ganyan kabrutal ang pagkakatorture?" tanong ko rito na hindi pa rin ito nililingon

"Attempted rape," he simply response.
Tumango lang ako sa kanya.

"Sino ba ang biktima? To the point na pinipersonal niyo na ang pagpaparusa, dati naman pinapaubaya niyo lang sa batas ang mga ganitong kaso ah."

"Kapatid ng isa sa mga underlings ko, kaya hindi dapat balewalain."

Hmmm. Kaya pala. Pagdating kasi sa mga members at underlings ng lalaking ito ay talagang hands on siya. Barumbado nga ito pero kung pagpapahalaga ang usapan ay wala kang maiipintas dito.

I check the time on my wrist watch. I sighed. Oras na naman ng klase, ba't ba kasi kailangan ko pang mag aral. Tsk. Umayos na ako ng tayo mula sa pangangalumbaba.

"Aalis ka na?" tanong nito

"Yeah,"  I replied

"Okay. Ingat sila sayo."

I just waved my hand at him at nilisan na ang lugar na iyon.

Pagdating ko sa school ay wala pang prof. Kaya ub-ob sa mesa ang drama ko. Oo nga pala.
Do I really have to introduce myself? Nakakatamad eh, but on the second thought, sige na nga, since wala rin naman akong ginagawa at malapit na rin akong kainin ni Ka Boredom.

The name is Light Violet Kirchhoff, but they called me Lei or simply V. A graduating student in KLV State University. A public university na tanging ang nakakapasok ay pawang yung mga may utak lamang. Parang wala ring sense yung pagiging public eh. Kailangan mo lang ipasa ang nakakadugong entrance exam ng school at then viola! Pasok ka na, wala kang babayaring kahit isang duling. In short, ang school na ito ay parang skwelahan ng mga scholar students. Utak mo ang puhunan para makapagtapos ng walang ibang pinuproblema maliban sa grades mo. Pero ang akala ng marami, ay isa lang itong pipitsuging public university na walang binabayarang tuition fee.

And one more info. Ako ang may-ari ng school na ito. Na hindi nila pwedeng malaman, kahit na ang mga prof at heads ay walang kaalam alam tungkol sa koneksyon ko sa school na ito. Kaya safe ako sa special treatment.

Napatingin ako sa harap, may prof na pala. Hindi ko man lang napansin. Di kasi uso rito ang greetings eh. Wala naman kasing pakialam ang mga prof kung makikinig ka ba o hindi, dahil ika nga nila, estudyante rin naman ang mamomoblema kung paano nito ipapasa ang mga exams, and when I say exam, mga nakakadugo ng utak. Kaya karamihan sa mga estudyante rito ay kung hindi mga nerdos, mga prim and proper. Hindi rin uso rito ang mga bullies, famewhore o kung anu-ano pang uri ng students na madalas niyong nakikita sa ibang schools. Dahil ang school na ito ay para lang sa nga taong may utak pero walang datong.
And here I am, secretly organizing this university. And so far, so good naman. Boring nga lang.

*kriiiiiinngggg

Sa wakas natapos na rin ang madugong pag aaral, na wala akong natutunan. Mabuti na lang talaga, nag aadvance study ako kung hindi.. Naku!

"Ms. Kirchhoff..." napalingon ako kay prof ng marinig kong tinawag niya ang maganda kung apelyido

"Yes."

"The head wants you in his office," anito at tuluyan ng nilisan ang room namin.

Hmm. Ano naman kayang kailangan ng head sa akin? Kahit nagtataka ay pumunta na rin ako sa opisina nito. Curiosity strikes. Agad akong kumatok pagdating ko roon.

"Come in," I heard the head's voice said.

Pumasok ako at bumungad sa akin ang hindi katandaang lalaki, katulad ko, may salamin din ito sa mukha. But unlike him, mas malinaw pa sa crystal ang mga mata ko, pero kailangan ko lang talagang magsuot ng ganito to hide my eyes.

"Pinapatawag niyo raw ako."

"Oh, Ms. Kirchhoff, have a seat. Mabuti at andito ka na." hindi ako nagsalita at umupo na lang sa bakanteng upuan na itinuro nito.

"Siguro naman ay hindi na lingid sa kaalaman mo ang pagpapadala ng KLV ng estudyante sa mga elite schools para doon nito ipagpatuloy ang pag aaral,"  panimula nito.

"Direct to the point sir," I frankly stated.

He chuckled at umiling iling "Short tempered as always, Lei."

"You knew me, pretty well, sir. What now?"  I cross my arms on my chest at sumandal. Sanay na naman niyan sa akin. Eversince highschool ay nandito na ako and I was once a council president way back then kaya talagang kilala na niya ang pagiging impatient ko.

"Well, pinatawag kita para ipaalam ko sayo na ikaw ang napili ng school na ipadala sa ibang university this year," he informed.

"Okay."  tumayo na ako mula sa pagkakaupo at akmang lalabas na.

"Yun lang ang reaksyon mo?" nilingon ko ito.

"Bakit? May magagawa ba ako para magbago ang desisyon ng school?" balik tanong ko rito.

"Wala," mabilis nitong tugon.

"Yun naman pala eh. Just send me the information I need," pagkasabi ko niyon ay tuluyan na akong lumabas.

New school eh. Hmmm.. Let's see what's that school got!

_________________

NAKARAOS DIN!

-TYPOS&ERRORS

 FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now