Vixen Seven:Zorra

3.6K 138 4
                                    

Rude's POV:


Zorra? What kind of codename is that? At bakit hindi niya tinatanggal ang helmet niya? Tsk!

"Grabe dude, hayop din sa porma iyang nakatalo sayo ah," Carl said habang nakatingin pa rin sa Zorra na iyon.. "All black ang gago."


"Psh." hindi ko rin tinatanggal ang paningin ko sa kanya, gusto kong makita ang mukha niya. Kinakausap pa rin siya ng announcer.


"Zorra is a spanish word," biglang salita ni Alex.



"Wow, paano mo nalaman yun dude," mangha naman tanong ni Evan dito.


"Kasi hindi siya kagaya mong stupido," kantyaw naman ni Harry dito. Napailing na lang ako, ayan na naman sila.


"Makastupido to, bakit ba ikaw genius!" I sighed at bumaling na lang kay Alex.


"Then, what Zorra in English?" I asked.


"Vixen." he simple replied na ikinakunot ng noo ko.


"But vixen is a what they called in the female wolf, right? And if someone used it as a codename, it must be a girl," Carl butt in.



"Yeah, kaya obviously, that Zorra is a woman," Alex said as a matter of fact. Just like what the heck!


Agad kong naibalik ang paningin sa Zorra'ng iyon at ayun siya patungo na sa bike niya, mukhang aalis na ito. At halata nga sa way ng paglalakad nito na isa itong babae. Damn! Isang babae ang nakatalo sa akin?! Fucking Shit!






Lei's POV:



"Akala ko ba, off limit ang illegal world sayo?" bungad ni Andro sa akin. Leandro Bunsen, isa sa mga namamahala sa Racing Hell. I just shrugged.


"Bored." makaalis na nga rito, tapos na rin naman ang game.


"Aalis ka na? How about your prize?" I looked at him with a 'you knew already where to put those money' look.


"Yeah. yeah, why should I forget, you have this so called golden heart." he teased. I glared at him kahit alam kong hindi niya ito nakikita, agad ko rin kasing isinuot muli ang helmet ko.


"Oo na, idadagdag ko na lang ang 5M sa orphanage mo, by the way, nagtatanong ang mga member ng council kung gusto mo bang maging official racer dito sa RH?" sabi nito na agad din namang binawi.



"Opps! I forgot again, di pala uso sayo ang mapabilang sa kahit na anong grupo."


"Tss... Ulyanin."



"Uy, hindi kaya, sadyang gwapo lang," nakangising turan nito.


"Saan banda?" and now it's my turn to smirk nang humaba ang nguso nito. Childish!


"Ansama mo, kaibigan ba talaga kita!"


"Psh. Whatever. Gotta go." I bid.


"Okay. See yah when I see yah!"


Habang naglalakad ako patungo sa kinalalagyan ng bike ko ay nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng Racing Hell. Tama nga si Andro, talagang dinadayo ang lugar na ito. Siguro kung walang ear bud ang tenga ko at wala ring helmet, malamang kanina pa sumabog ang eardrum ko sa lakas ng hiyawan at tilian ng mga tao rito. Then suddenly I felt someone looking at me. Pinaka-nakakaibang tingin sa lahat ng nakatingin sa akin, kaya I tried to find those person and my eyes settled on a man na alam kong sa kanya nanggaling ang kakaibang tingin na iyon. Hmm. Siya ang nakalaban ko sa final lap kanina, pa easy-easy kasi ang gago, kaya ayan talo. He underestimated me.


Kung hindi malakas ang pakiramdam niya, hindi niya malalamang nakatingin din ako sa kanya, dahil nga nakahelmet ako. But I think he's not an ordinary racer, dahil nang magtagpo ang mga mata namin ay kaagad niyang iniwas ang sa kanya, ibig sabihin naramdaman niyang nakatingin na rin ako. But it's not my business anymore, what the fuck ever kind of person he is. At isa pa hindi naman yan ang pinunta ko rito. Andito ako para i-test drive ang bagong bigay ni mudra na babei ko. Award ni mudra sa akin dahil sa pangunguna ko sa klase, and yeap! Lahat ng achievement na nagagawa ko sa skul may katumbas. You think magpapakahirap ako for nothing? Hell no!



Ini-start ko na ang babei ko at pinaharurot iyon palabas ng RH. Tinahak ko ang daan papunta sa lugar ng isa pang gago sa buhay ko. Si Liam. William Bunsen, twin brother of Andro, na kagaya niya isa ring childish.


Kung si Andro ay nasa illegal, si Liam naman ang legal. Professional license racer ito, like me. Actually, we're partner and good thing about Liam, nagiging matinong tao ito kapag nasa raceng track na kami, pero pag nasa labas. Wag ka nang umasa.



Pagpasok na pagpasok ko sa kuta nito ay muntik na akong mapatalon sa biglang pagsigaw nito.



"LIGHT VIOLET KIRCHHOFF! BAKIT DI MO SINABING PUPUNTA KA SA RH?!" rinig sa buong unit ang boses nito. I raised my left brow to him.



"Who you?" dumeritso na ako sa kusina nito at naghanap ng lalamunin. It's past dinner already.



"Andaya naman kasi eh, dapat sinama mo ako," nagdadabog itong sumunod sa akin. I look at him.

"Ano bang pinuputok ng butsi mo?"

"Ano pa nga ba, eh di yung hindi mo pagsama sa akin sa RH nga," sagot nito.

"Alam mo ba kung ano yang sinasabi mo? Baka nakakalimutan mong kilala ka sa larangan ng karera at isa kang propesyonal, tapos pupunta ka sa illegal drag race?''


"Ikaw din naman ah! Isa ka ring pro sa racing!" napangisi naman ako sa tinuran ng batang nasa harap ko.


"Correction! Isang secret racer na malaking advantage para sa akin and that's what makes me a media free, eh ikaw? Sekreto ba ang pagkakakilanlan mo? Di ba hindi, kaya magtiis ka sa isang private place."

"Uso kaya ang disguise." ayaw talagang paawat ng isang to.

"Hala sige, pumunta ka dun, may maaabutan ka pa." sarkastiko kong anas dito habang kagat kagat ang pizza na siyang bukod tanging ready to eat na nakita ko sa kusina nito.

Mas lalo lang humaba ang nguso nito kapagkuwan ay kumuha na rin ng slice ng pizza at nakanguso pa ring kinain iyon.

"Oo nga pala, may naka-schedule ba?" tanong ko rito tungkol sa legal race na sinasalihan namin.

"Wala." simpleng sagot nito.

I nodde and finished my slice.

"Ano na namang pangalan ang ginamit mo sa race kanina?"

"Zorra."

"Oh, inispanyol mo lang."

"Yeap. Nag-ispanyol kasi yung announcer dun eh, kaya ayon. Teka, pano mo nalaman na galing ako ro'n?"

"Si Andro nagsabi."

"Tsk." Oo nga pala. Ba't ko nga ba nakalimutan na pinaglihi sa inahing manok ang dalawang to. Putak ng putak.

_________________________

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now