Vixen Fifty-three: Two Down

2.6K 94 0
                                    


Lei's POV:



Natuon sa pintuan ng kwartong kinaroroonan namin ang aking mga mata nang mapansin kong umikot ang seradura nito.


Hinintay ko itong bumukas at ganoon na lamangng ang pagsilay ng ngisi sa mga labi ko nang bumungad mula rito ang hindi katandaang lalaki na bakas sa mukha ang pagkagulat.


Sinong hindi, kung sa pagpasok mo ay isang bangkay na puno ng dugo ang katawan ang bubungad sa iyo?


Nang mapansin kong akma itong muling lalabas ng kwarto ay mabilis ang mga kilos na hinila ko ito at ibinalibag sa kamang puno rin ng dugo kapagkuwan ay itinali ito. Sa bilis ng mga galaw ko ay hindi na ito nakalaban pa dahil na rin siguro sa hindi pa ito tuluyang nakahuma sa nakita.


"S-sino k-ka? A-anong kailangan m-mo?" utal at nanginginig nitong tanong na nagpangisi sa akin.


"Kailangan ko? Ang buhay mo." malamig kong turan saka marahas na pinunit ang polo nitong suot habang nakaupo ako sa mga hita niya upang pigilan ito sa pagpumiglas kapagkuwan ay itinali sa dalawang hita nito ang punit na polo.


"Pero malay mo, baka magbago ang isip ko kapag nagustuhan ko ang magiging sagot mo sa mga tanong ko," dugtong ko pa.

"A-ano i-iyon?"

"Ano ang katungkulan mo sa Damon Skull?" diretso at malamig kong tanong sa kanya.


"W-wala.. w-wala akong a-alam sa s-sinasabi mo..."


Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "Talaga lang huh... Wala kang alam."


"O-opo. opo... maniwala ka, wala akong alam sa organisasyong iyan." ani pa niya na nagpataas ng isang sulok ng mga labi ko.

"Wala kang alam? Eh, paano mo naman nasabi na isang organisasyon ang Damon Skull na iyon kung wala kang alam tungkol dito? Talagang itatanggi mo pa ah, paano mo naman mababago ang isipan ko na 'wag tuldukan ang buhay mo kung ang simpleng tanong ko ay hindi mo magawang sagutin ng maayos." mahaba kong pahayag habang ipinapalandas sa kahubadan nito ang dagger ko.


Sa tinuran ko ay naging mas mailap pa ang mga mata nito na para bang naghahanap ng tyempo upang makatakas na siyang ikinailing-iling ko.


Tumayo ako ng tuwid saka mas lalo pang hinigpitan ang pagkakatali nito bago ako muling nagsalita, "Now. Information or your life. Choose."

Umiling-iling ito at mas lalo pang nagpupumiglas. "Wala! Wala kang makukuha mula sa akin kahit patayin mo pa ako!"

Isang ngising demonyo ang sumilay mula sa mga labi ko sa narinig mula rito. What a loyal member, indeed. Let see kung hanggang saan ang kaya mo.

"Really? You're not going to spell a single word? Then, how about this."

"Ahhhh!" kasabay nang paghiyaw nito ang pagkalaglag ng hinliliit nito sa sahig.

"How was the feeling? You like it? Wanna see another one dropping off?" turan ko sa mapaglarong boses.

"H-huwag... pakiusap, parang awa mo na..."


"Hah! Ha.ha.ha.ha... Pakiusap? Anong alam mo sa salitang iyan? Nang makiusap ba ang isang babaeng paulit-ulit niyong binaboy ay pinakinggan niyo ba ito? Hindi, 'di ba? Ngayon, damhin mo ang pakiramdam ng hindi pinapakinggan!"


Ang nakakabingi nitong hiyaw sa sakit ang pumuno sa silid na kinaroroonan namin nang sabay-sabay kong putulin ang mga daliri nito sa kanang kamay. Mga daliring umalipusta sa pagkatao ng ina ko!




Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now