Vixen Twelve: Twins Fam'ly

3.2K 116 0
                                    

Lei's POV:




I sighed deeply nang sa wakas ay natakasan na rin namin yung mga lalaking humahabol sa amin.


"Now tell me, saan ko kayo maaaring ihatid?" baling ko sa dalawang bubwit.

"In our place, of course." supladong sagot ni Kenjhie. I crossed my arms in my chest.


"Yeah right, in your place. As if naman alam ko kung saan ang kuta niyo," sarcasm is visible in my voice. Kung hindi lang talaga ako papatayin ng konsensya ko, kanina ko pa iniwan 'tong dalawang ito, lalo na itong supladong lalaking bubwit. Psh!


"Alam niyo po ba ang lugar na ito?" Kenyha butt in at ipinakita ang isang card na may nakasulat na address.


Tinignan ko ito. Okay. Sabi ko nga, hindi basta-basta ang mga batang ito. A village exclusive for a multi-billionare family lang naman ang address na nasa card. And I can't deny the fact na rito rin nakatira ang mga magulang ko.



Mukhang makakauwi ako nang wala sa oras nito ah. Tsk! Pagminamalas ka nga naman talaga eh.


"Yeah. I know this place. Come on, ihahatid ko na kayo para makapagpahinga na rin ako." turan ko at agad namang tumalima ang dalawa.






"YOUNGMASTERS!" bungad ng guard na nasa harap ng mansyon na nakasulat sa card. It means andito na kami sa tirahan ng kambal at isa lang ang masasabi ko. WOW. Ang yaman at ang daming nagrorondang MIB.


Kita ko ang agad na pagbunot ng guard sa 'walkie talkie' nito. Haha. Parang ganun kasi eh, hindi ko alam kung anong tawag dun. Radyo ba yun? Ewan. Basta yun na yun.


Mukhang binabalita na niya sa loob na andito ang kambal. Hindi nga ito magkandaugaga sa pagsasalita habang panay ang sulyap nito sa dalawa.


Hmm. Mukhang safe na naman itong dalawang bubwit, maybe it's time for me to get out in the picture.







Rude's POV:




"HANGGANG ngayon ba ay wala pa ring balita sa kambal?" ate keep on asking that same question for how many times already.


"Ginagawa na po namin ang lahat para mahanap sila, Empress," butler Eric said with respect.



"Go ahead, Eric. Just inform us on any news you'll get." utos dito ng asawa ni ate.



"Yes---" naputol ang sasabihin sana ni butler Eric nang may biglang pumasok.



"Emperor, Empress! Nakita na po ang mga youngmasters." agad nabungad sa amin ng guard na pumasok.


Bigla namang napatayo si ate sa kinauupuan dahil sa narinig. ''Where are they?" tanong nito.


"Mom!" sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.


"Oh my God. My babies!" mangiyak-ngiyak na sambit ni ate at agad na sinalubong ng yakap ang dalawa.


"How are you? Did they hurt you two?"


"M-mom, c-can't b-breath.."


"Hon, losen up, hindi na sila makahinga." awat ni kuya sa kanya.



"Opps, sorry babies, I'm so worried and got carried away at the same time."


"Tsk. That line again," Kenjhie hissed.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now