Vixen Twenty-three: Their Admiration

3.1K 100 0
                                    


Yushi's POV:



Napaupo ako ng tuwid nang makita ko siyang patungo na sa sasakyang gagamitin niya sa karera. Habang sinusundan ko ang bawat galaw niya, I can't help myself but to get amused. Ang cool niya talaga! Tapos unbeatable pa!



Kaya lang hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil natatakpan ito ng vixen mask. Tanging ang mga mapupula nitong labi at kalahati ng matangos niyang ilong lamang ang nakikita. Ngunit gayun pa man ay hindi maipagkakailang napakaganda niya, idagdag pa ang nakakahipnotismo niyang kulay lilang mga mata.


Limang minuto pa lang bago magsisimula ang race pero hindi na magkamayaw sa paghiyaw ang mga manonood, mas lalo nga itong lumakas ng lumabas siya, na ngayon ay napaka-cool tingnan habang nakaupo sa hood ng porsche niya.



Napangalumbaba na lang ako rito sa bench na kinauupuan ko. Hanggang tanaw na lang ba talaga ako sa kanya? I sighed. How I wish that I can approach her easily, yung tipong anytime pwede akong makipagkwentuhan sa kanya.



Pero alam ko namang imposible iyong mangyari. Aura pa lang na nakapalibot sa kanya, magdadalawang-isip ka na kung lalapit ka ba sa kanya o hindi na. Naisip ko nga minsan na baka gangster din siya pero ilang beses na akong naglabas-pasok sa Black Kingdom pero ni minsan hindi ko siya nakita roon. I even tried to hacked her data base rito sa Race Dome para makakuha ng info tungkol sa kanya pero langya lang, may virus! Kaya ayon, ang ending, shut down ang lappy ko.


Masyadong secured ang identity niya at strictly prohibited din ang pagkuha ng kahit na anong stolen shot na larawan niya at so far, wala namang nagtatangkang sumuway. Takot lang nila sa isang unbeatable and unpredictable Vixen ng Race Dome. I sighed for the ninth time. Hanggang tanaw na lang siguro ako sa girl/idol crush ko.








Harry's POV:



Busy ako sa pakikipaglampungan sa isa sa mga fling ko nang mapatigil ako. Kanina ko pa kasi napapansin yung babae sa kabilang bench na panay ang pagbuntong hininga habang nakapangalumbaba at may tinatanaw. Sinundan ko ng tingin yung tinitignan niya at napatayo ako sa gulat.



"Ouch! babe naman eh..." hindi ko pinansin ang babae sa harap ko na nahulog mula sa pagkakaupo sa lap ko at patuloy lang na inaninag ang babaeng nakamaskara na iyon. Shit! I knew that violet eyes!


Nandito nga pala ako sa Race Dome, hindi alam ng gang na nagpupunta ako rito. Pagkatapos kung mag-present sa project namin kanina ay agad akong tumungo rito. Nabalitaan ko kasi na may race pero hindi naman talaga ako nanonood eh, nangbibingwit lang ng mga itik sa lawa. Wink and flying kiss sayo na nakakaintindi.


Muli kong binalik ang paningin ko sa kanya, alam kong siya iyon. Yung fuschia-eyed na hinahanap namin.


May lumapit na lalaki sa kanya, pagkatapos nilang mag-usap saglit ay kanya-kanya na silang sakay sa porsche na inuupuan lang niya kanina.



Tulad ng una kong kita sa kanya, may tumatakip din sa mukha niya, kung noon bibig niya ang may takip, ngayon mula ilong pataas naman ang natatakpan ng maskara niya at napakavisible na rin ng aura niya.



And damn dudes! Kahit na sabihing may takip ang mukha ay masasabi mo pa ring may ibubuga. Ang hot! Ang sarap lang iuwi sa condo pero nakakatakot lapitan, ang itim ng aurang bumabalot sa kanya, abot nga rito sa kinaroroonan ko eh, dinaig pa si leader sa palakasan ng presensya.



Wait, speaking of leader. Kailangan niya itong malaman. Agad kong kinuha sa bulsa ang phone ko nang makita ko siyang lumabas ng kotse, akma ko na sana siyang kukuhanan ng picture nang may biglang pumigil sakin.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now