Vixen Eight: Meet the Wanton Clique

3.4K 121 2
                                    

Lei's POV:



Papunta ako ngayon sa cafeteria to grab some foods, nakalimutan ko kasing magbaon, late nagising eh.


With my usual attire, pumasok ako sa caf at diretsong tumungo sa counter but before I could finally get there, a bunch of clotch ang humarang sa akin, alam mo yun, clown na bitch.



Huminto ako at tumingin sa mga mukha nila. Napakunot ang noo ko sa mga nakikita ko, di ba ang clown nakakatawa? Ba't ngayon nakakairita. Nakataas ang mga kilay ng mga ito habang sinusuyod nila ako ng tingin.


Magsasalita na sana ang isa sa kanila ng may biglang sumigaw sa maganda kong palayaw.


"Lei! Andito ka lang pala." nilingon ko ito and it's Khera, hinihingal pa ito, sa'n ba to galing?

"Bakit?"


"Halika, may ipapakita ako sayo." aya nito tapos walang sabi-sabing hinila ako nito sa wrist. Tss. Gutom na ako eh. I sighed.


Dinala niya ako sa isang sulok na bahagi ng cafeteria, mabuti naman, akala ko lalabas kami ng caf eh.


Sa table na pinagdalhan niya sa akin, may nakaupo ritong babae, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil bahagya pa itong nakayuko at natatakpan ng ilang hibla ng buhok ang mukha nito.


"Kris.." tawag dito ni Khera, saka naman ito nag-angat ng mukha.


"Andyan na pala kayo,"  sagot ng Kris daw.


"So... Lei, what can you say?" tanong ni Khera na nagpataka sakin.


"Huh?"


"Oh my G! Don't tell me, hindi mo na tanda si Krislynn?" she exclaimed exaggeratedly.


"Krislynn?" naguguluhan ko pa ring sambit. It sounds familiar though pero ang alam ko lang talaga ay wala akong kakilalang Krislynn ang pangalan.


She rolled her eyes. "Krislynn, yung nerd sa rooftop, remember?" she said with a 'duh' tone.


Ah. Okay. Now I remember. Siya yung pinagtulungan last week na umabala sa siesta ko sana.


"Ohh.."



Tumaas naman ang kilay niya. "Yun lang? 'Oh' lang ang masasabi mo sa ginawa kong pagmake-over sa kanya?" tinignan ko lang si Khera ng 'anong gusto mong maging reaksyon ko' look.


Nakanguso at padabog naman itong umupo sa harap ni Kris na ikinailing ko na lang. "Kasi naman eh.." she murmured.


"Hey! Sheena!" sabay kaming tatlo na napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isang grupo ng mga lalaki ang nakita kong patungo sa gawi namin.


"Hey ladies.." the one of them that look like a playboy greeted us. Tumaas naman ang kilay ni Khera nang makita ang mga ito.



"What are you doing here?" mataray nitong tanong.


"Magsiswimming siguro," pilosopong sagot nung isa sa kanila. Khera just rolled her eyes at bumaling sa amin.



"Don't mind them, they're just a bunch of psycho."


"Grabe ka naman, Sheena. Sa gwapo naming ito!" agad namang kontra nung isa. Hindi lang pala ito mukhang playboy, para rin pala itong lobo, puno ng hangin ang katawan.


Katulad ng sinabi ni Khera, hindi ko na sila pinansin at sinimulan ng lamunin ang pagkaing nasa harap ko. Treat daw ni Khera eh, at hindi ako tumatanggi sa grasya!


"Hello, cutie! I'm Evan.." biglang sabi ng lalaking tumabi ng upo sa akin. Mukha siyang isip-bata!


"Lei." tugon ko at nagpatuloy na sa pagkain. Gamit ang peripheral vision ko, nakita ko itong ngumuso. Confirmed! Childish nga.


Yung dalawa sa kanila ay tumungo na sa counter and the remaining three ay umupo sa mga bakanteng upuan dito sa table namin.


"Bakit ba kasi kayo nandito, eh may sarili naman sana kayong table roon." rinig kong reklamo ni Khera. Samantalang si Kris naman ay tahimik lang ding kumakain. Pasimple kong sinulyapan ang dalawang tanging 'Psh' at 'Tsk' lang ang tugon kay Khera.


And based on my observation, I guess silang dalawa ang silent type ng grupo nila pero mas kapansin-pansin ang malakas na aura ng isa sa kanila na may kulay abo na buhok and it's feels really familiar to me. Hmm.


"Here you go.." the playboy-look said habang nilalapag sa lamesa ang mga binili nilang pagkain. "At your service," dagdag pa nito.


"Chibugan na!" biglang salita naman nitong katabi ko sabay kuha ng pagkain.


"Umayos ka nga, Evan. Para kang patay gutom," sita nung kasama ni playboy-look kanina sa pagbili. And as expected, Evan the childish just pouted his lips.


"Ansama nito, para kakain lang eh."


"Shut up." ayon nagsalita na rin ito. Pero anlamig ng boses, dude. At familiar talaga yung aura niya eh. Saan ko nga ba yun naencounter?


"Ito naman, ang sungit. Di ka pa rin ba nakamove on dun dude?" playboy-look teased. Sinamaan lang naman ito ng tingin nito kaya ayun tumahimik.



"Ano ka ngayon." Evan teased.


Lihim akong bumuntong hininga saka itinuon ko na lang muli ang buong atensyon ko sa pagkain at hindi na ang mga ito pinasin.

_______________________

-TYPOS&ERRORS

Short and lame update for you dude! 😄

FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now