Vixen Seventeen: Trishanelle Zapanta

3.1K 101 0
                                    


Lei's POV:



I decided to skipped my class at lumabas ng school. Kaya andito ako ngayon sa isang iskinita, tahimik na naglalakad.


Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa nasayang na pagkain ko. Psh. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at marahas na inalis ang salamin saka ginawa itong headband.


Ilang sandali pa ay ramdam ko na ang unti-unting pagkalma ng sistema ko. I sighed heavily and continue my pace.

Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng nakakadiring tawanan kasabay ng isang sigaw na humihingi ng tulong.


Don't tell me may krimen na namang nangyayari rito? With that thought ay agad kong hinanap ang pinanggalingan ng ingay at hindi nga ako nagkamali dahil nang matuntun ko ang pinanggalingan ng mga halakhak ay nakita ko ang grupo ng mga kalalakihan na may kinu-corner na babae.

"Wala ka na ngayong takas, miss byutipol." napangiwi ako sa narinig. Ang pangit ng boses ni kuyang rapist.


Napapansin ko nitong mga nakaraang araw lagi na lang akong nakakasaksi ng crime on the act. Noong mga nauna ay kidnapping, ngayon naman rape. Wala na bang mas may thrill dito? Yung tipong hostage taking sa loob ng isang banko na may nakatimer na bomba o di kaya yung mga whatsoever jacking ba yun na madalas mga terorista ang gumagawa. Napailing na lang ako. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa precious brain ko.


Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig kong sumigaw yung babae, pinagtulungan na itong hawakan habang pilit naman itong pumipiglas at sumisigaw ng saklolo. Ano ba yan, kung kailan nawalan na ako ng ganang mambugbog saka pa sila magpapakita.


Lalapit na sana ako sa kinaroroonan nila para magpakahero nang may naisip ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at kinalikot ito. Alam kong meron ako no'n eh.


Napangiti ako nang makita ang hinahanap ko sa ringtone list ko. I full the volume of my media and hit the play button.


Umalingawngaw sa tahimik na lugar ang sirena ng sasakyan ng pulis na siyang ikinalaki ng mga mata ng mga manyakis.

"Shit! Pre, may pulis!"

"Sibat na pre, bilis!"

At kung anu-ano pa ang sinasabi nila bago kumaripas ng takbo hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Pigil ang tawang binalingan ko ng tingin ang babaeng medyo punit na ang t-shirt na suot nito. Magulo na rin ang buhok nito at nakakunot ang noo nitong lumingon-lingon sa paligid hanggang sa mapatingin siya sa gawi ko.



Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako, saka unti-unting bumaba ang paningin niya sa kamay kong may hawak na cellphone.

Oh, nakalimutan ko palang patayin ang ingay na patuloy pa ring umaalingawngaw sa kinaroroonan namin kaya pinatay ko na ito saka lumapit sa kanya.


"You okay?" I asked her.

Tumango naman siya. "Diyan galing yung sirena ng pulis kanina?"

I nodded. "You mean, wala talagang mga pulis?" she asked again and I nodded again. "Yeah, obviously."

"Ahmm.. Maraming salamat." aniya habang inaayos ang sarili.

"Wel---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana nang biglang umepal ang mga dragon ko sa tiyan. Demanding for foods.


I heard her chuckled na ikinasimangot ko. Kita na ngang gutom yung tao, pagtatawanan pa. Psh.


"Come on, bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa akin, let me treat you a meal." hindi na ako tumanggi since gutom na talaga ako. I checked the time on my wrist watch at nakita kong alas-dos pasado na. No doubt kung bakit nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan.


"Oo nga pala, I'm Trishanelle Zapanta. Ikaw, anong pangalan mo?" bigla niyang wika.

"Lei, Lei Kirchhoff." she smiled.

"Nice to meet you, Lei and thank you talaga."


"Same here but stop thanking me. I didn't do anything."

Umiling naman siya. "No, you saved me from those rapist through that ringtone of yours."

"It's no big deal."

"Of course, it is." she insisted so I just shrugged. Ayoko nang makipagtalo.


Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin pero agad din naman niya itong binasag.


"Totoo ba talaga iyang kulay ng mga mata mo?" I just nodded as a responds. Nakalimutan ko palang ilugay uli ang mga bangs kong tumatakip sa mga mata ko.


"Cool!" she exclaimed. Ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong kulay na mga mata? Tsk.











SA ISANG karinderya kami dinala ng mga paa namin at tulad nga ng sinabi niya, sagot niya ang lahat ng kakainin namin at sino ba naman ako para tumanggi?

"So, Lei.. Saan ka nag-aaral?" inayos ko muna ang salamin ko na isinuot kong muli nang makalabas na kami sa iskinitang iyon. "Arfeudson."


Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi ko. "For real!" gulat nitong tanong.


"Yeah, bakit masama?" walang gana kong tanong sa kanya.


"Hindi naman. It's just that, we're schoolmate pala." napataas ang kilay ko sa tinuran niya.

"Then why are you here? Di ba dapat nasa school ka pa ngayon since it is still class hours?"


"Ah, yun ba. Wala eh, ang boring doon kaya nag-absent na lang ako." sabi niya saka biglang napatigil na parang may na-realized na kung ano.

"Wait. Eh ikaw bakit ka rin andito?" tinuro pa ako nito.


"Kasi wala ako roon." sagot ko na ikinasimangot niya.



"Hindi ka rin pilosopa ano? Pero bakit ko pa nga ba tinatanong, eh obvious naman na umabsent ka rin."


Bagot ko lang siyang tinignan. "Better you know."

She rolled her eyes. "Anyway. Anong course mo?"

"Business Ad. Management."


"Talaga? Sayang, sana pumayag na lang ako sa gusto ni Dad na mag-business ad. Eh di sana'y classmate tayo," she said. "Hmmm.. Ano kaya kung magsi-shift ako? Tama!" dagdag pa niya na parang isang napakagandang ideya ang kanyang naisip.


"And why is that?"


"Ano pa ba, e di para maging classmate na tayo."


"Seriously." hindi ko makapaniwalang anas dito.


"Yeap." napailing na lang ako. Iba rin ang tama nito eh, malala pa sa akin.






PAGKATAPOS naming kumain ay agad itong nagpaalam na uuwi. Aasikasuhin na raw niya ang paglipat ng course. Tsk. Kung makaasta eh, parang hindi na muntik ma-rape.


I yawned. Nakakaantok din ang araw na ito. Tinungo ko na ang sakayan ng jeep para makauwi na, pero ganun na lang ang pagkagulat ko nang may biglang humatak sa akin at kinaladkad ako patungo sa kung saan. Shit! Who is this bastard?!


_____________________________________

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now