Vixen Nineteen: Unpredictable Nerd

3.1K 100 3
                                    


   Lei's POV:




  "Time out!" hiyaw ko kay Rude. Tiningnan niya lang ako using his oh so famous pokerface. Psh! "Pagod na ako at masakit na ang lalamunan ko." reklamo ko pa. Kasi naman eh, kanina pa kaya kami nagpa-practice.



   Buti nga may bagong compose si Renj na kanta at hindi pa nagagawan ng tune/melody or whatever you called that music thingy. Hindi naman kasi ako maalam sa mga bagay na iyan eh at akalain mo, may ibubuga pala yung boses ko. Sana talaga hindi mabasag ang eardrum nila pagnarinig ang boses ko. I take a deep breathe.



  "Tsk!" anganda talagang kausap nito. Note the sarcasm please.. Tss.


  "Okay na naman siguro yun eh," anas ko pa pero ang bastos na kaharap ko ay wala pa ring imik, para tuloy akong tanga rito. Psh!



   Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Lalabas na sana ako ng condo niya nang marinig ko siyang magsalita.


  "Where are you going?" kita mo to, kung hindi tatalikuran hindi maiisipang magsalita.   "Malamang uuwi na."



   "Without telling me?" I rolled my eyes, hindi naman niya rin kita eh.



   "Eh, ano naman ngayon sayo kung hindi ako magpapaalam, para rin naman akong tangang kumakausap sa hangin."


   I saw him heaved a sighed na ikinakunot ng noo ko.

   "Kumain ka muna, I know your starving." sabay tayo niya at tumungo sa isang pintuan. Wow. Akalain mo yun, naisip niya iyon, akala  ko wala talagang puso yung bastos na iyon eh.



  Sumunod ako sa tinungo nitong pinto na I guess ay ang kusina, hindi ko rin kasi masasabing kwarto yun dahil siguradong nasa taas ang mga kwarto rito dahil na rin sa nakikita kong stairs, so yeah.



   Pagpasok ko ay hindi nga ako nagkamali, kitchen nga. Naabutan ko siya na nakaharap sa nakabukas na ref habang ang isang kamay ay humihimas sa batok. Ano naman kayang ginagawa nito?



  Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo dahil agad din naman siyang lumingon sa gawi ko. Nagulat pa nga ito pero agad ding naging pokerface ulit ang mukha. Ganun na ba siya ka-pokus sa kung anumang ginagawa niya para hindi ako mapansin?



   Kinibit balikat ko na lang ang isiping iyon at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kusina. Empanes ah, malinis siya. Dirty conscious yata 'tong lalaking ito eh, maging sa living room kasi ganun din, kahit konting alikabok wala kang mahagilap.



   Kumunot naman ang noo ko nang hindi ko makita ang dahilan kung bakit ako andito sa kusina nito. Akala ko ba papakainin niya ako? Bakit walang pagkain?


   "Ahm..." Napabaling ako sa kanya at hindi nakaligtas sa mga matang lawin ko ang pagpula ng dalawang tenga niya. Ano naman kayang problema ng lalaking ito?


   "Bakit?" tanong ko na lang.


   "We don't have some foods to eat, so we need to cook but..." I crossed my arms in my chest at sumandal sa hamba ng pintuan habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya muling nagsalita.



  "But what?"


  Yumuko ito and sighed heavily. "I-i don't know h-how to cook.." pagkasabi nito niyon ay mas lalo pang pumula ang mga tenga nito.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now