Vixen Forty-eight: Getting Started

2.6K 92 5
                                    

Trish's POV:



I sighed heavily nang makitang bakante na naman ang katabi kong upuan. Nasaan na ba iyong babaeng iyon? Simula noong bigla siyang umalis ay hindi na siya muling pumasok pa and it's been a month and a half since that day happened at wala nang Lei ang pumasok, wala na ang nerd na katabi ko. I miss her, already. I miss her eyes, those tantalizing purple eyes.


Ano kayang nangyari sa kanya? Is she alright? I hope so, bakit ba naman kasi hindi ko siya magawang ma-locate. I can't tracked her down. Ginawa ko na ang lahat ng paraang alam ko sa paglo-locate ng isang tao but still, wala pa rin.


Nakakapagtaka rin na ni katiting na impormasyon tungkol sa kanya ay wala akong mahanap maliban na lang sa basic info niya. Is that even possible na walang background info ang isang tao?


Oh yes! It is! Iyan kung ang pangalang Lei Kirchhoff ay isang disguise lamang.

Ang tanong, is Lei are really on disguise?


Hmmm... Sino ka nga ba talaga Lei? Una pa lamang kitang nakita ay alam ko na may kakaiba talaga sa'yo e.


Aish! Ang sakit mo talaga sa ulo, Lei Kirchhoff!

"Hey, are you okay?" napatigil ako sa paggulo ng buhok ko nang may biglang umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Ah, yeah?" alanganin kong sagot kay Sheena na siyang nagtanong.


She heaved a sighed na nagpakunot ng noo ko.

"Ikaw, ayos ka lang ba?" feeling close kong ganting tanong sa kanya, mukha kasi siyang problemado.

"Yeah, I'm fine. I'm just thinking about Lei, mahigit isang buwan na rin siyang hindi pumapasok, hindi ko rin siya makontak para tanungin if she's alright. Ikaw ba, may balita ka sa kanya?"


Agad akong umiling-iling. "Wala eh, honestly, hindi naman kasi kami ganoon kalapit ni Lei sa isa't isa para i-update niya ako sa mga nangyayari sa buhay niya, ako lang talaga itong feeling close sa kanya."

"Ganun ba."


"Teka, 'di ba pinsan mo si Rude. Hindi mo ba naitanong sa kanya kung nasaan si Lei? Baka may alam siya since girlfriend naman niya ito."


"Iyon na nga ang mas lalong ipinagtaka ko eh. Rude seems like doesn't care about Lei anymore. I really wondering kung anong nangyari sa kanilang dalawa," pahayag ni Sheena. Halata nga sa mukha nito ang kawalan ng ideya.

Sasagot na sana ako sa kanya nang sabay kaming napalingon ni Sheena sa pinto ng classroom nang marahas itong bumukas. Hindi na kami nagtaka nang bumungad mula rito ang gang nina Rude kasama ang grupo nila Claire.

Kasabay nang biglang hindi na pagpasok ni Lei ay ang pagdikit ng grupo ni Claire kina Rude and yeah, Sheena was right. Mukhang wala na nga yata talagang pakialam si Rude, to the fact na hinahayaan niya lang si Claire na lumambitin na parang unggoy sa braso niya.

"That biatch again," inis na turan na Sheena. "Anyway, I have to go at baka hindi ako makapagpigil at maimudmod ko sa sahig ang pagmumukha ng Claire na iyan nang wala sa oras." nanggagaliiti niya pang dagdag sabay tayo at diretso sa paglabas ng classroom.


I sighed again. Ano bang nangyayari sa school na ito? Biglang naging weird eh. And that Claire, I can sense na may tinatago rin siya. Ang aura niya ay kakaiba. It shouted threats, na para bang may hidden agenda ang lahat ng mga ginagawa niya.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now