Vixen Twenty-One: The Flame

3.3K 104 0
                                    


Lei's POV:



"Lei!" kapapasok ko pa lang sa gate ng university nang may tumawag sa akin. Nilingon ko ito and it's Trish, remember her? Yung muntik nang ma-rape?


"Buti nakita agad kita, sabay na tayo sa room natin." sabi nito pagkalapit sa akin. Don't tell me, na nag-shift talaga siyà ng course? Napailing na lang ako. Unbelievable.


Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko talaga feel magsalita. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari noong isang araw.


Pagkatapos labanan ng mga may tattoo na cresent moon iyong mga humahabol sa amin ay agad lumapit ang isa sa kanila to asked if we're fine at nang makitang ayos lang kaming dalawa ni Rude ay agad na rin silang umalis, not minding to introduced themselves.



Hindi na sana ako magtataka kung kakilala ni Rude ang mga iyon pero hindi eh. Tapos bigla-bigla na lang susulpot from nowhere just to beaten up those goons whose chasing us without any reason? Is it possible that they're just helping us?



"Hoy Lei! Earth 'to uy!" I came back from my reverie when Trish snapped me out.


"Huh?"


"Tsk. Pambihira oh, kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig." nakabusangot na anas niya.


"Pasensya naman. Ano nga ulit yun?" sabi ko na lang.



"Wala, andito na tayo oh." sabay turo niya sa nakasiradong pinto.


"Oh.." I sighed. Ganun na ba ako kalutang para hindi màpansin ang nasa paligid ko? Kasalanan to ng mga lalaking iyon eh. They awaken up my curiosity. Tss.


Hindi ko na lang pinansin si Trish at pumasok na sa loob. Mabuti na lang at wala pang prof. Nakasunod lang naman ito sa akin saka tumabi rin ng upo.


"Buti na lang at wala kang katabi." hindi ko na siya nagawang sagutin pa dahil dumating na ang prof.


"Everyone, proceed to the amphe theatre." Prof announced at muling lumabas.


"Hala! Anong gagawin natin doon?" tanong ni Trish.

I shrugged. "Magpi-present na siguro ng project."


"Project? May project na? Ano naman yun?" napafacepalm ako sa dami ng tanong nito.


"Tignan mo na lang kaya. Wala ako sa mood mag-explain."


Ngumuso naman ito. "Ansungit."


Hindi ko na siya pinansin pa at tumungo na rin sa amphe.


Pagdating ko ro'n ay nabigla ako sa nakita dahil hindi lang ang mga kaklase ko ang nandoon pati na rin ang ibang courses na ka-year level din namin.


"Aha! I knew it. Ang project na tinutukoy mo is yung isang composition at ipi-present niyo ng partner mo?" tanong ni Trish na nakasunod pa rin sa akin. Tumango lang ako sa kanya at naghanap ng maaaring upuan.


"Kung ganun ay katu---" hindi nito natuloy ang sasabihin nang may tumawag sa akin.


"Lei! Dito..." hinanap ko ang kinaroroonan ng boses na iyon and there I saw Khera waving her hands.


Nakita ko ring kasama nito ang grupo nina Rude kaya lumapit na ako sa kanya tutal andun din naman ang partner ko.


"Sino nga pala ang partner mo, Lei?" Khera asked pagkaupo ko sa tabi niya. Napatingin ako kay Rude and to my surprise, he's looking at me too, pero agad ding umiwas nang magtagpo ang mga mata namin.

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now