Vixen Seventy-one:

2.5K 92 7
                                    


Lei's POV:



Mula sa pagsisimsim ng frappe ko ay napabaling ako sa taong naglapag ng isang paper bag sa ibabaw ng lamesang nasa harap ko. It's Rude. Wala lang siyang imik na tumungo sa katapat kong upuan at doon umupo. Nagkibit balikat na lang ako kapagkuwan ay napatingin sa cellphone ko nang tumunog ang messenger niyon.


Kaagad ko itong tiningnan at binasa.


"Sorry ngayon lang nagkaroon ng tiyempo. Anyway, sabi ni Trep ay naabutan ka pa raw nila kaya naibigay pa nila ang pinadala ko. Oh, ano? Kumusta? Nakain mo na ba? Ayos lang ba ang lasa? Please, let me know kung pwede ko ba siyang idagdag sa menu ng caffe. New discovered recipe ko yan eh." the message from Andra says.


Kumunot ang noo ko. Anong pagkain ang sinasabi nito? Bigla akong napatingin sa paper bag na nasa harapan ko. Wait a moment, that's the paper bag from Andra ah. Paanong napunta ito kay Rude?


Napakamot na lang ako sa kilay ko nang mapagtantong nawala ito sa isip ko. I sighed saka binuksan ito. Pero bago iyon ay lumingon muna ako sa paligid ko. Unti-unti nang dumarami ang tao dito sa dining at nagsisidatingan na rin ang mga kasama ko na hanggang ngayon ay wala yatang planong makipag-usap sa iba. 'Yong mga kakilala lang nila ang kinakausap nila at pansin ko rin na ilang sila sa Wanton Clique.


Now, I wonder.. Paano kaya kami magkakaroon ng teamwork kung ganito kami sa isa't isa? Oh well, problema na nila iyan.



"Can I sit beside you?" napalingon ako sa nagtanong. It's Clifford with the other man.


"Yeah. Sure, hindi ko naman pagmamay-ari ang upuang iyan eh." I shrugged.


He slightly chuckled na nagpakunot ng noo ko. "What's funny?"


"Nah.. Don't mind me."


"Oh-kay.." napapantiskuhang anas ko.



Paglingon ko sa iba pang upuan ay occupied na ang lahat. Doon ko lang napansin na nandito na pala silang lahat. Bawat magkakadikit na mesa rito sa dining, consist of fifteen chairs. Mukhang sinadya talaga ito for this event upang hindi magkakahiwalay sa pagkain ang bawat grupo.


"How's everybodies doing?" bungad sa amin ni sir Gin pagkalapit niya sa table namin.


"Starving," pabulong kong sagot.


"Don't worry Ms. Kirchhoff, any moment from now ay isiserve na ang lunch ninyo." wala sa oras na napatingin ako kay Sir Gin. Narinig niya iyon?


"Malamang maririnig talaga namin, sinabi mo kaya." siko ko ang tumugon sa tinuran ni Clifford. Pilosopo eh.


"Awww..." mahina niyang daing na lihim kong ikinangisi, masakit na pala iyon, eh ang hina lang no'n ah.


"Anything wrong Mr. Fluier?" puna sa kanya ni prof.


"N-nothing sir. Hehe.." kaagad niyang tugon saka ako binalingan. "Damn.. What was that for?" bulong niya sa akin.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now