Seventy-three

2.9K 54 7
                                    

Lei's POV:

Matapos kong kausapin ang kambal tungkol sa kailangan kong mga gamit ay bumalik na rin ako kaagad sa silid na inuukupa namin sa hotel. Doon na ako dumeritso since Candice texted me na tapos na ang orientation at ang magpa-participate na lang sa bawat sports ang pinag-uusapan nila. Kung anung klaseng mga laro iyon, iyon ang hindi ko alam at bahala na sila kung saan o anong sports nila ako ilalagay.

Kaagad akong humiga sa sofang naroon pagkapasok ko sa kwarto at akmang iidlip na sana pero hindi iyon natuloy nang may bumukas sa pinto at sabay-sabay pumasok ang mga kasamahan kong babae. Napabuntong hininga na lang ako. Too much for having a nap.

"Nandito ka lang pala." bungad sa akin ni Candice nang makita niya akong nakahiga sa sofa. "Rude are looking for you." imporma pa nito dahilan para maibuka ko ang mga mata ko at sinulyapan siya saglit na noo'y nakaupo na sa katapat kong sofa.

"Kailangan niya?" simple kong tanong at muling ipinikit ang mga mata.

"Don't know, anyway, napag-usapan na ang lalahok sa mga laro and I want to inform you the details."

"Go on... I'm all ears." maiksi kong tugon.

"There are ten sports na inanunsyo kanina pero ang sabi ay madadagdagan pa raw iyon but for now, yung sampu na muna ang sinabi nila para sa unang linggo natin dito at para na rin makapaghanda at makapag-decide ang bawat team kung sinu-sino ang lalahok sa bawat laro. Settle na ang siyam na laro, may players na para doon maliban na lang sa isa pa and I think magugustuhan mo ang larong ito." mahabang paliwanag nito.

Muli kong idilat ang mga mata ko at tumingin sa kanya, "Ano bang laro iyon?" tanong ko.

"Car race." she smirked slyly.

Napangisi rin ako sa narinig. Talagang magugustuhan ko nga. "Consider me as the participants, then. Kailan ba iyan?"

"Mamaya nang 3pm, pagkatapos ay susundan naman ng moto race na siyang sasalihan ni Rude."

Sa narinig ay napatingin ako sa wrist watch ko, it's already two in the afternoon. "Kung ganoon ay kailangan ko na palang maghanda."

Kaagad namang tumango si Candice, "Precisely."

Hindi na ako umimik pa at tumayo na lang saka tinungo ang pinto.

"Oh, akala ko ba mag-aayos ka na? Saan ka pupunta?" puna sa akin ni Candice bago pa ako makalabas.

"Mag-aayos nga." nakataas ang kilay kong anas.

"Ba't ka lalabas?"

"Wala dito ang mga gamit ko, remember?" at sana ay may mahihiram ako sa kambal dahil sigurado akong hindi nakakarating iyon pinapakuha nila mula sa lungsod. I heaved a sighed.

"Oo nga pala." kamot-batok na sagot nito na ikinaismid ko na lang bago tuluyang lumabas ng silid.

Sheena's POV:

Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nilang dalawa ni Candice at Lei. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit bigla na lang naging close ang dalawa? Samantalang dati pa ay halos hindi mapakali si Candice kay Lei at binubully na pati. I sighed.

A lot of things really did changed and a lot of questions left unanswered na mas lalo pang nagpagulo sa akin. Gusto kung magtanong but who am I to asked, kung isa rin ako sa humusga sa kanya dati. I sighed again. Kung maibabalik lang talaga ang panahon.

Nang umalis si Lei para maghanda ay kumilos na rin ako para mag-ayos na rin. Gusto kong siyang panoorin sa race. I did not know na marunong din pala siya sa fast car, oh well, it's Lei after all, the mysterious Lei just unfold a mystery.

Lei's POV:

When the clock strikes quarter to three, isa-isa na kaming pumunta sa field kung saan gaganapin ang  racing. Habang tinatahak ang daan patungo roon ay panaka-naka ko ring ipinapalibot ang tingin ko sa kabuuan ng lugar. Napakalawak nito at naangkop talaga para sa gaganaping race. It was well-organized at halatang pinaghandaan talaga.

I scan my wrist watch to check the time again and it almost three now, kaya naman ay dumeritso na ako sa posisyon ko kung saan nandoon na rin ang kotseng gagamitin ko. And five minutes before the clock strikes three, a loud thug echoed the place, informing everyone that the race is about to start.

Pagkalapit ko sa kotse ay kaagad ko itong inikutan, checking every part of it. Nakaugalian ko na tong gawin simula ng pinasok ko ang mundo ng racing. That's the very first rule in the said field, making sure that your car or bike are functioning well or else, you'll be dome.

Matapos kung ma-check lahat mula makina hanggang gulong, ay pumwesto na ako sa likod ng manibela, waiting for the signal to up.

Habang hinihintay ay nilibot ko ulit ang mga mata ko sa lugar, lahat na ng mga estudyanteng kasama sa event ay nasa field na at hindi magkamayaw sa pagsigaw and then I glance at my opponents, nasa loob na rin ang mga ito ng kanya-kanyang sasakyan. I took a deep breath, kahit na sabihing hindi mga professional racer ang mga kalaban ko ay di pa rin ako pwedeng pakampante, looks can always be deceiving anyway, and I am the living proof of it. I smirked

Nang makita ko ang isang lalaki na mukhang siyang magbibigay ng hudyat sa amin ay kaagad ko nang binuhay ang makina ko, ganoon din naman ang ginawa ng mga katunggali ko dahilan upang mas lalo pang lumakas ang mga hiyawan ng mga nanonood sa field.

Moments later, he raised his right hand holding a red banner, signalling us, the racers to get ready. Then the big screen in the field starts its countdown from ten to one.

When it down to one, the referee give us the signal to go! Making my opponents to hit the tracks, samantalang ako ay sakto lang muna ang pagpapatakbo habang inaaral ang bawat laps na alam kong may nakatagong mga patibong. It's a race, after all. A tricky race, I guess.

At hindi nga ako nagkamali, dahil ng marating ko ang pang-apat na laps ay doon ko nakita ang paisa-isang pagsasalpukan ng mga kalaban ko na nauna sa akin. May ilan sa kanila na bigla na lang pumuputok ang gulong at ang iba naman ay nawawalan ng kontrol o di kaya ay preno, leading them to crashed!

Nang makuha ko na kung ano ang mga posibleng patibong na inilagay nila sa daan ay saka ko lamang pinabilisan ang takbo ng sasakyan ko. I stepped the gas while avoiding all those tricky loopholes, oil scattered in the road and live wires na bigla-bigla na lang lumilitaw mula kung saan!

Ang all I can say while driving is, ang galing naman ng organizer ng race na ito!

But still, it's not enough to defeat me.

So when I reach the final laps as the first placer, I smirked. Mukhang hindi pa talaga ipinanganak ang makakatalo kay Vixen.



*******

F. Sylveon

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now