Vixen Thirty-seven: Information

2.9K 99 2
                                    

Lei's POV:




Napabaling ang paningin ko sa isa ko pang monitor nang makita ang nakasulat sa screen nito. Sa wakas, napasok ko na rin ang system ng Damon Skull. Napangiti ako, wala pa rin palang kupas ang hacking power ko, pero itong crescent moon, aaminin kong mahirap talagang hanapan ng impormasyon lalo na't tanging tattoo lang ang batayan ko.




Pagkauwi na pagkauwi ko kagabi rito sa condo ay ito kaagad ang inatupag ko, at ngayon nga'y mag-aalas-dyes na ng umaga pero ni katiting na leaked information about this kind of tattoo ay wala akong mahanap.




Yeah. Inshort, hindi ako natulog. Buong magdamag akong nakaharap sa tatlong monitor ko rito sa kwarto ko at naghahalungkat ng kung anu-ano tungkol sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko.



Mabuti pa itong Damon Skull, ilang minuto palang ang lumipas nang sinubukan kong maghanap ay may nakita na kaagad ako. Masyado kasing mahina ang security system nila kaya konting tipa ko lang ay napasok ko na, ang weak pa pati ng virus nila.



  I sighed bago sinimulang basahin ang mga data ng Damon Skull. Let see kung ano ba talaga itong Damon Skull na ito.



Damon Skull is a japanese organization. An organization called Yakuza that consist  more or less thousands of members (see their population chart for the exact numbers). They do illegal businesses, such as buy and sell of different kinds of illegal drugs, gamblings and many more. Their highest rank ninjas are the one who usually do some transaction that needs a high security against the government.



Illegal organization? Hmmm.. Ano namang kinalaman nina Rude sa Yakuzang ito?



Napatigil ako sa pagbabasa ng impormasyon tungkol sa Damon Skull nang biglang mag-ingay ang main monitor ko.



  System will shutdown in 10...



Holy shit! not Em-em!



Dali-dali akong nagtipa ng kung anu-anong virus destruction para lang maagapan ang pagkalat ng virus sa buong system ko.



5...



Damn! Shit!




Virus destructed and deleted to the system.



I sighed in relief nang magawan ko ng paraan ang pagsira sa virus na iyon. Grabe, first time itong mangyari sa tinatagal-tagal ko ng ginagawang pangha-hack ng mga data base at kay Em-em pa talaga nangyari. Oh, 'wag nang magtaka kung sino si Em-em, iyan ang tawag ko sa main monitor ko.




Tiningnan ko ang screen ni Em-em at ganoon na lang ang pagkagulat ko sa nakitang nakasulat dito.




"WELCOME TO CRESCENT INFIERNO EMPIRE!"

  To be officially one of us, kindly sign in for you to have your Empire account.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now