Vixen Thirteen: Her Life

3.4K 116 0
                                    

Lei's POV:




Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko at doon ko lang napagtanto na madilim na pala. No wonder, kung bakit nagwawala na ang mga dragon ko sa tiyan.



Nagpasya na akong bumaba ng tree house at pumasok na sa loob ng mansyon. Pagtingin ko sa wrist watch ko ay pasado alas siyete na ng gabi, tamang-tama dahil ganitong mga oras nagdi-dinner sina mudra ko.



As I get inside in the mansion, gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa mga reaksyon ng mga tauhan nila mudra pagkakita sa akin. Haha. Priceless mga dudes. Yung iba kung hindi mapapahinto sa ginagawa, laglag panga naman with a wide eyes pa.



Napailing na lang ako, ganun na ba talaga nakakagulat ang bigla kong pagsulpot dito? As much as I want to approach them all one by one ay hindi ko na lang ginawa. I'm starving as hell. Almusal pa lang ang tanging nakain ko simula kanina. Kung hindi ba naman dahil sa lintek na marathon na yun, eh di sana'y nagsi-celebrate na ako ngayon sa pagkapanalo sa race na sana'y sasalihan namin ni Liam. Conceited much? Nah. Its the fact. Ever since I started entering the racing world, I can say na wala pa ni isa ang nakakatalo sa akin sa larangang ito. Siguro hindi pa talaga naisilang ang makakatalo sa akin. Pero, shhhh lang kayo, dahil isang malupit na sikreto ang pagiging racer ko. Hindi nga yun alam nina mudra eh.




Dumiretso na ako sa dining area at hindi nga ako nagkamali, nandoon na nga sila't tahimik na kumakain.



I cleared my throat and faked a cough to get their attention. Tinanggal ko rin ang anumang emosyon na maaaring makita sa mukha ko at kunwari may black aura na pumapalibot sa akin habang naglalakad ako palapit sa kanila.


Nakuha ko naman ang mga atensyon nila and I grinned mentally nang makita ang mga reaksyon nila.



Dad looked at me, shocked is written all over his face, ganun din si Mom. And Renj, my cousin. Nabitin lang naman sa ire ang gagawin sana niyang pagsubo habang nakanganga pa! I tried really hard to suppress myself from laughing dahil sa reaksyon nilang tatlo.



"P-princess..."


"You're here..?"


"What's wrong, honey?"


They said in chorus. I keep my pokerface and not minding them at all. Umupo na ako sa pwesto ko. Magsasalita na naman sana sila nang itinaas ko ang kanang kamay ko signalling them to stopped.



"I'm starving," I said coldly. Which is totoo naman talaga. Agad naman akong nilagyan ng pinggan sa harap ko ng mga nakatuka rito sa dining at isenerve ang alam nilang mga pagkaing gusto ko.



Kakain na muna ako. Mamaya ko na sila papansinin kahit pa, na mukha na silang natuklaw ng ahas sa mga itsura nila ngayon.



Alam ko naman kasing babatuhin nila ako ng sandamakmak na tanong eh. Kaya para makaiwas doon, I need to act like I'm pissed. Oh di ba? What a brilliant idea I have. Bwahahaha.




After kung lumamon ay saka lang ako nag angat ng tingin para tignan ang mga kasama ko sa mesa. Pansin ko kasi na kanina pa parang hindi gumagalaw ang mga ito.



Okay. What the effin hell? Anong nangyari sa kanila at putlang-putla tapos pinagpapawisan pa?



"Hey, what's wrong with you guys?" I asked them after I drunk water. At mukha naman silang nakahinga ng maluwag nang marinig akong magsalita.



"You're scary, princess," Mom said. Napakunot ang noo ko.



"Am I?"



"Yeah, princess. What's with the black aura, anyway. You looked pissed," Dad agreed and asked. I shrugged. "Never it mind Dad."



"You sure, honey?" Mom looks worried. I nodded at her and gave her my sweetest smile.



"Ano nga palang ginagawa ng mokong na yan dito?" tanong ko kapagkuwan na ang tinutukoy ay si Renj. Ang alam ko kasi nasa outer space ang lokong ito eh, di joke. Sa Canada pala.


"He's staying here for good." Dad answer na ikinalaki ng mga mata ko.



"For real?!"



"Yup! And we're neighbor by the way," Renj butt in, akala ko wala na itong balak magsalita pa eh. But what did he just said? "Hell no!"


"Hell yes, honey." he said with a grinned on his face. Tumingin ako kina Dad at Mom, trying to find a hint that this man beside me are just kidding but when I saw them both nodded, my shoulder fell, know why? Sinong hindi kung ang lalaking ito ay isang certified chick magnet. Kahit saan magpunta ay napakaheadturner, well ako din naman but as you can see, I'm on a disguise, so hindi halata. And one more thing, this guy is so clingy. Yeah, close kami, pero dahil sa kaclosan namin, madalas akong napapagkamalan ng mga fan girls niya na jowa niya.




And I guess you already know what will happen next. Geez. Panibagong sakit na naman ito ng ulo panigurado.



"Tsk!"  tanging naging reaksyon ko na lang. "Bakit mo naman naisipang maglagi rito?" tanong ko rito kapagkuwan.



"Wala lang, ayaw mo no'n. Palagi na ulit tayong magkasama." taas baba pa ang kilay na sabi nito kapagkuwan ay ngumiti nang nakakaloko. Mukhang may binabalak ito na hindi ko alam ah.



"Sabay na lang kayong tumungo sa mga condo ninyo bukas, kids. Dito na kayo magpalipas ng gabi." sabi ni Dad saka tumayo. "Mauna na ako, may aasikasuhin pa ako sa office."



He's Leonel Grey Kirchhoff. Marami siyang negosyo. Malls, hotel, restaurants, name it. He have it, at siya ang CEO ng Lk's Empire, na isa sa nangungunang kumpanya sa buong mundo.


While my Mom. She's a model, international to be exact. Peach Summer Kirchhoff. Owned a lot of boutiques and company named, K PeachS Fashion Corp. Yun lang, pero wag ka. Kaliwa't kanan ang mga branches nito at sikat worldwide kahit na hindi alam ng karamihan na siya ang may-ari nito plus nangunguna sa rank list ang kompanya nito. Wala eh, magaling na fashion designer kaya ayan. Bonggang yaman.



At ako? Ang nag-iisa nilang anak na babae. May dalawa akong kapatid na lalaki, kambal sila at mas matanda sa akin ng dalawang taon. In short, ako ang bunso nila. Saka ko na sila ipapakilala pag nandito na sila sa Pilipinas. Nasa Korea kasi sila ngayon. Doon sila nag-aaral at saka hindi lang pag-aaral ang pinagkakaabalahan nila. Wala eh, nadiscovered sila ro'n kaya laging hectic ang sched. Dahil isa lang naman sila sa mga sikat na artista roon. Ang alam ko nga eh, may grupo na rin silang nabuo ro'n, hindi ko lang alam kung anong pangalan, basta sikat na Kpop group iyon.



"Baby, will you take that glasses of yours, nakakairitang tingnan." biglang puna ni mudra. Tsk! if I know, gusto lang niyang makita ang mga mata ko.




"Reason mo, Mom." I said pero tinanggal ko na rin ang salamin sa mukha ko. Nakangiti naman itong tumingin sa akin.



"Perfect," she muttered. I rolled my eyes, andito kami sa living room. As usual si mudra, gumagawa na naman ng design at ako, ito nakahiga sa couch. Nagbibilang ng butiki sa ceiling na hanggang ngayon ay wala pang nadaan.



Si Renj kasi ay pumunta na ng kwarto niya. Hindi rin kasi ako dinadalaw ng antok, kasi nga di ba, kagigising ko lang at wala akong maisipang gawin.
Hindi rin ako mahilig sa tv, then an idea popped into my mind. Bakit nga ba hindi?



"I'll go upstairs Mom." paalam ko rito pagkatayo ko.



"Okay honey. Goodnight." lumapit ako sa kanya and kiss her on her cheeks then say goodnight too.


Umakyat na ako at tinungo ang kwarto ni Renj. Guguluhin ko na lang ang mokong na iyon.


_______________________

-typos&errors


FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon