Vixen Forty-one:

2.9K 106 6
                                    

Rude's POV:



"Handa na ba ang lahat?" tanong ko kina Carl.


"Yeah. Papunta na sina Harry doon sa lugar na napag-usapan niyo ni Damon para magmasid," sagot ni Carl sa akin.


"Good. Now, let's go." tumango lang siya sa akin.


Ako naman ay isinukbit na ang mga weapon na kakailanganin namin sa paglusob sa isa sa mga hideout ng Damon Skull kung saan na-locate ni Alex ang pinagdalhan nila kay Lei.


Pagkatapos maayos ang lahat ay sumakay na kami sa isang BMW na gagamitin namin, kaming dalawa lang ni Carl ang pupunta roon, samantalang sina Harry at Evan naman ang tumungo ro'n sa lugar na napag-usapan namin ni Damon kahapon at si Alex ang magsisilbing look out namin ni Carl. Mabuti na lang talaga at madali lang na nakuha ni Alex ang blue print ng hideout na iyon ng Damon Skull kaya malaya niya kaming maiga-guide sa kinaroroonan ni Lei na kasalukuyan pa niyang hinahanap ang eksaktong lokasyon nito.



Ilang minuto lang ang ginugol namin at kaagad din naming narating ang hideout. Mukha itong abandonadong gusali kung titingnan mula sa labas but we know better. Places like this can't deceived us anymore. We parked our car few meters away from the abandoned building and we're just silently sneaking inside.








Lei's POV:





Aish! Damn this rope! Hindi ko talaga magawang maigalaw ang katawan ko kahit na kaunti dahil sa higpit ng pagkakatali nito. 'Di na sila naawa sa akin.. Huhu.. Nag-aalburuto na ang mga dragon ko sa tiyan.  Mga walang patawad!  Mga hayop, mga walang puso, mga animal!



Bigla akong napatigil sa pagwawala sa utak ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko.


"Oh, pagkain mo!" bungad ng lalaking pumasok. Tiningnan ko siya ng matalim, ambobo rin nito eh, paano ako makakakain kung nakatali't may busal ang bibig ko. Tsk!



Pero amputs, hindi man lang ako pinansin at basta na lang inilapag ang dala nitong tray na may pagkain sabay talikod na, kaya agad akong nagpumiglas para muling makuha ang atensyon nito, mabuti naman at nagtagumpay ako.


"Ay.. Oo nga pala," anas niya. Sarap lang imudmod sa sahig ang mukha ng bisugong ito.



Lumapit siya sa akin at unang tinanggal ang busal sa bibig ko pagkatapos ay kinalag ang lubid na nakatali sa kamay at beywang ko.



Pagkakalag na pagkakalag ng tali sa katawan ko ay kaagad kong sinamantala ang pagkakataon, I grabbed his neck and pressed the pressure point on his nape and viola! Knockout!


Mabilis ang mga kilos na itinali ko siya sa pinagkakatalian sa akin kanina at ipinalit sa pwesto ko. At kahit na nati-tempt ako sa pagkaing dala ng lakaking ito ay pinigilan ko ang sarili ko at kaagad kong tinungo ang pinto pagkatapos kong maitali ang lalaki, pero kung talagang minamalas ka nga naman oh!



"Awww..." daing ko nang may bigla akong masalubong sa mismong pinto at pakshit naman ito oh, naapakan pa ang paa ko! Nyemas naman oh!


Dahil sa bigat ng taong nakabanggaan ko, salampak sa sahig ang ending ko. Double awww!


"Fuck!" rinig kong mura ng isang pamilyar na boses na nakabanggaan ko. Kaagad ko itong tinapunan ng tingin at Wtf? "Rude?"







Rude's POV:




  "Fuck!" I cursed nang bigla akong mabangga sa silid na papasukan sana namin ni Carl pagbukas ko ng pinto.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now