Vixen Thirty-nine: Mine

2.8K 94 3
                                    

Lei's POV:




Week has been passed at naging normal naman ang takbo ng buhay ko, school-bahay lang ang drama ko dahil na rin sa kalokohan ni Rude. Imba eh, tinutoo ang pagiging boyfriend-girlfriend kuno namin na kalokohan niya noong nakaraang linggo, hindi ko nga iyon pinansin sa pag-aakalang trip niya lang ako noong mga panahong iyon pero ang loko hanggang ngayon, kinarer.



"Hey girlfriend." and there he goes again sa girlfriend chuchu niya.


"I told you, don't called me that way." I hissed. Eh sa ayaw ko nga talaga ng pet names eh.


"Hmm.. Ayaw mo sa wife, ayaw mo rin sa girlfriend, then you leave me no choice."


"Yeah. So you better called me by my name."


"And that is to called you Mine."


"Yeah--what?!"


"Haha.. So you like it, you want me to called you mine." He smirked.


"Yes--no.. I mean--"


"Stop denying mine."


"Wha--"


*Boogsh! Boom!


"Ano iyon?" takang tanong ko kay Rude na mula sa pagiging pilyo ay naging seryuso na ang mukha. Well, this past few this ay masasabi kong may improvement na ang lalaking ito pagdating sa facial expression. Nakikita ko na kasi siyang tumatawa at sumimangot, 'di katulad noon na lagi na lang blank face.



"Let's check it out, come on." aniya saka ako hinila pababa ng rooftop.


"Leader! Damon skull." seryusong salubong sa amin ni Harry pagkababa namin. Kita ko ang pagtiim-bagang ni Rude, humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiwi.



"Rude.." kuha ko sa atensyon niya and as if on cue ay biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.


Tumingin siya saglit sa akin bago muling bumaling kay Harry.


"Take care of Lei, Harry." turan niya kay Harry saka ako hinarap. "I'll be right back, take care mine." aniya saka mabilis na ginawaran ako ng halik sa noo na nagpabato sa akin sa kinatatayuan.



"Tara na Lei." saka lang nabalik ang wisyo ko nang magsalita si Harry, wala na rin si Rude.


"Sige.." sagot ko at sumunod na sa kanya.


"Harry, ano bang nangyayari?" hindi ko mapigilang itanong dito habang naglalakad kami sa hindi ko alam saan  kung saan nga ba kami patungo.



"Later, Lei. This way." sagot niya. Napabuntong-hininga na lang ako.


Nagtaka ako nang biglang tumigil si Harry sa paglalakad nang akma na sana itong liliko sa isang building dito sa school.


"What's wrong Harry?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot at seryuso lang na nakatingin sa unahan namin. Sinundan ko ito ng tingin at doon ko nakita ang isang grupo ng kalalakihang naka-suit, mga men in black kumbaga.


"Reaper." anang isa sa kanila na nagpakunot ng noo ko. Anong pinagsasabi niya?


"Anong kailangan niyo?" nagulat ako sa boses ni Harry dahil napakalamig nito.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon