Vixen Sixty-seven: Pewter Island

2.8K 87 2
                                    

Candice POV:



"Nandito na ba ang lahat?" prof Gin asked nang makaupo na ang lahat ng bagong dating.


Nilibot ko ang paningin ko sa lahat ng mga representative, at masasabi kong iilan lang sa kanila ang hindi pamilyar sa akin. Ang huli kong sinulyapan ay si Lei na nasa pang-isahang couch nakaupo katapat ng Wanton Clique. Ang nasa tapat ko naman ay si Sheena at may tatlong babae rin itong katabi, samantalang ako rin ay may dalawang katabing babae at ang  dalawang lalaki naman na kukumpleto sa aming labing lima ay nakatayo malapit lang kay Lei. Halata sa mga ito na hindi ito kumportable sa presensya ng Wanton Clique.



Muli kong ibinalik kay Prof Gin ang tingin ko nang isa-isa niya kaming abutan ng isang papel.


"That's the name list of your teammates. I want you to know each other para hindi naman kayo maging estranghero sa isa't isa. I know some of you already know some of your teammates pero hindi iyon dahilan para hindi niyo na kilalanin ang ibang hindi niyo pa kilala." mahabang wika ni Prof.


"Yes Ms. Kirchhoff?" lahat kami ay napalingon kay Lei nang magtaas siya ng kamay.


"Can you tell me what's this Sport Gallery's all about? I'm kinda clueless here, if you don't know." walang emosyong tanong niya na deritso lang na nakatingin kay Prof Gin.



Prof Gin cleared his throat before he answered Lei's question. "Oh sorry about that Ms. Kirchhoff, I forgot that you're a transferee. Anyway, about this Sport Gallery, it's an event na lalahukan ng sampung magkakaibang malalaking eskwelahan at isa na nga ang school natin sa magpa-participate sa naturang event. Each school required to have fifteen representative na siyang lalaban sa mga sports na ipapalaro ng mga sponsors at iba pang nagma-manage ng event. All you have to do is win every game and be the champion." paliwanag ni Prof Gin. "Did you get it, Ms. Kirchhoff?"


"Yeah. Yeah. Whatever." Lei's responds boredly na ikinailing ni Prof Gin.


"So, saan naman ngayon ihi-held ang event Sir?" Harry asked.


"Pewter Island and you'll going there tomorrow morning."


"Woah! Agad-agad?!" Evan exclaimed.


"Yes, Mr. Montero."







Lei's POV:


Sports Gallery in the Pewter Island? That place sounds familiar. Hmmm..


Mula sa papel na hawak ko ay napaangat ako ng mukha nang mapansin ko ang pares ng mga paa na nakatayo sa harapan ko.


"A-ah.. H-hello..."


Napakunot ang noo ko nang utal itong magsalita. What's wrong with him? Hindi ako tumugon sa kanya at hinintay ko lang siyang magsalita kung anong kailangan niya.


Ramdam ko rin ang maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa amin. Lumabas kasi saglit si Prof Gin at may kukunin daw kaya naiwan kaming mga representative kuno rito sa deans office. I wonder kung nasaan ang dean dito?


Muli akong napatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. I don't know him. Maybe he's from the other department.


"A-ahm.. I-i'm Clifford Fluier, nice to finally meet you Ms. L-lei." napataas ang kilay ko nang mapansin kong namumula ang tenga niya.


"Are you sick?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya.


"H-huh?"


"Look at your ears, it's turning red and your stammering. So, I assumed that you're not alright." turan ko sa kanya sabay turo sa tenga niyang namumula.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now