Vixen Twenty-five: Grand ball

2.9K 91 0
                                    

Lei's POV:




"Lei! You should take that freaking eyeglasses of yours!" Khera exclaimed.



"And why would I do that?" she rolled her eyes. "Duh.. Alangan namang naka-eyeglasses ka pa rin sa party?" nakapamewang na turan nito.


I shrugged. "Why not."


"No! Mag-contact lenses ka na lang kasi." pangungulit pa nito.


"Pagbigyan mo na kasi, Lei. Sige ka, hindi ka niyan titigilan." biglang singit ng tahimik na si Kris.


I sighed in defeat. Yeah, she's right. Knowing Khera. "Fine."


"Kyaaaaaahhhhhh..!" napatakip ako ng dalawang tenga ganoon din si Kris nang biglang tumili si Khera.



"Aish! Stop it Khera. Masakit sa tenga." she just pouted her lips. Tsk!



"Anyway, anong grado ng eyeglasses mo nang mahanapan kita ng lenses."


"No need, meron na ako," I stated.


"Meron naman pala, ba't di mo ginagamit?" nagkibit-balikat lang ako at hindi na ito pinansin saka pumasok na ako sa banyo para isuot ang contact lenses ko.


Hindi naman kasi malabo ang mga mata ko eh. I just wanna hide my eyes color, it's not that I'm ashamed of it, masyado lang kasi itong agaw pansin. Rare raw kasi. Psh.



Nga pala, nandito kaming tatlo ngayon sa condo ni Khera. Gusto niya raw kasi na sabay na kaming mag-ayos at siya na raw ang bahala sa susuotin namin. Hindi na kami nakaalma pa dahil pagkatapos ng morning class namin kanina ay agad niya kaming hinatak papunta rito.



Kaya ito kami ngayon handa nang umalis matapos ng ilang oras na pag-aayos. 7:30 ng gabi magsisimula ang ball and it's 7:05 already.


Pagkatapos kong masuot ang contact lenses ay lumabas na ako ng banyo at napagtanto kong ako na lang ang hinihintay nila.


"You're done, let's go!" excited na turan ni Khera. Napailing na lang kami ni Kris saka sumunod na rito.






Pagdating namin sa school ay marami nang mga studyante ang naroroon, kanya-kanyang pagarbuhan ng mga suot, lalong-lalo na ang mga kababaihan.


I roamed my eyes around the area. Weird, but I felt something strange? I heaved a sighed. Ito na naman ako sa pagiging paranoid.



Oo nga pala, may number nga pala kami ni Rude ngayon. Nilingon ko sina Khera para magpaalam pero hindi ko na sila makita sa kinatatayuan nila kanina. Siguro nakihalubilo na rin sa iba.



Tumungo na lang ako sa back stage para roon na lang tumambay, iba talaga ang pakiramdam ko. I sighed once again.










Rude's POV:




Pagdating namin sa school o tamang sabihin sa open field ng university kung saan dinadaos ang event ay agad naming nakita sina Sheena na nakaupo sa isang mesa.



Lumapit sila sa kinaroroonan nito kaya sumunod na lang din ako.


"Hoy Evan, para kang timang dyan!" puna rito ni Harry.



"Anong timang ka dyan? Timang na bang matatawag ang taong may hinahanap?" sagot naman nito.



"Ano ba kasing hinahanap mo?" singit ni Carl sa kanila.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now