Vixen Forty-two: Official

2.9K 107 5
                                    


Lei's POV:




Nandito lang ako ngayon sa rooftop ng school, trying to have a nap. Pumasok nga ako pero hindi ako umatend ng klase. Ewan ko ba, hindi ko talaga feel ang pumasok.


Talaga? O baka naman may iniiwasan ka?


Bigla akong napamulat ng mga mata nang biglang sumabat ang isang bahagi ng utak ko. Ano bang pinag-iisip nito? Pero teka... May iniiwasan nga ba ako? Kung meron, sino naman?


Bigla kong nasapo ang magkabila kong pisngi nang maramdamang uminit ang mga ito nang biglang nag-flashed sa isip ko ang mukha ni Rude. The heck!



"I knew it, you're just here." napaigtad ako nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko, paglingon ko rito ay ramdam ko ang lalong pag-iinit ng mukha ko.


"Hey, are you okay? Namumula ka ah," tanong ni Rude at akmang hahawakan niya sana ang mukha ko ngunit kaagad akong umiwas.



"Ah.. oo, a-ayos lang ako."



"You sure? Why are you stammering?"



"K-kuan..." napayuko ako.


"Hey mine, look at me. Tell me what's wrong?" masuyo niyang turan pero imbes na sundin ito ay mas lalo ko pang iniwas ang tingin ko sa kanya. Damn! Ano ba kasi itong nangyayari sa akin? May sakit ba ako? Kailangan ko na bang magpa-check-up?



"Mine..."



"No! Please.. 'wag kang lumapit sa akin." pigil ko sa kanya nang makitang humakbang siya palapit sa akin.


"But why? May nagawa ba akong mali?" kunot ang noong tanong niya na ikinaling-iling ko. "W-wala..."



"Then tell me what the fuck is wrong!"


"Baka kasi atakihin ako sa puso!" kaagad kong sagot nang biglang tumaas ang boses niya.


"At bakit ka naman aatakihin?"


"Kasi... kasi kapag nandyan ka o 'di kaya ay kapag naiisip kita, bigla na lang lumalakas ang kabog nito." sabi ko habang nakaturo sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "Tapos, nag-iinit pa ang mga pisngi ko na parang nilalagnat. Sabihin mo nga sa akin, may nakakahawa ka bang sakit? At ang posibleng dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil nahawa ako sa iyo?" dagdag ko pa saka tiningnan siya ng deritso sa mga mata.



"Pffftt-hahaha.."



"Ano namang nakakatawa sa mga sinabi ko huh?" kunot-noo kong tanong sa kanya nang tinawanan niya lang ako.



"Fuck!"


"Aba.. tapos ngayon ay mumura--hmmm.."


Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang kabigin ang batok ko at inilapat ang mga labi niya sa labi ko. Isa lang iyong simpleng pagdampi ng mga labi namin sa isa't isa na tumagal ng ilang minuto pero para akong na-paralized sa bultaheng hatid niyon sa katawan ko. 'Wag mong sabihing may electric supply din ang mga labi nito!



"You're now officially mine." deklara niya nang ihiwalay na niya ang bibig niya sa akin.



Napakurap-kurap ako at pilit na pinapa-digest sa utak ko ang mga narinig mula sa kanya. Ano ba talagang nangyayari? At bakit gusto ko ang pakiramdam ng labi niya na nakalapat sa labi ko? Napatitig ako sa maaliwalas niyang mukha, ba't ang gwapo nito ngayon?


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن