Vixen Forty-three: Missing

2.6K 96 0
                                    

Calvin's POV:



Naalimpungatan ako nang marinig kong nag-iingay ang cellphone ko. Sinulyapan ko muna ang alarm clock sa side table ko at ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makitang dis-oras pa ng gabi. Sino naman kaya itong tumatawag?



Inabot ko ang cellphone kong patuloy pa ring nag-iingay. Tiningnan ko ito at mas lalong kumunot ang noo ko nang mabasang si Dad ang nasa linya.



"Hello Dad?" kaagad kong sagot sa kanya.


"Calvin, nandyan din ba si Aldwyn?" seryusong tanong ni Dad.


"Yes, wait, Is there something's wrong, Dad?"



"Pumunta kayo rito sa base ngayon din, your Mom is missing."


"W-what?"


"Move now, Calvin. We need to find your mother." dahil sa narinig ay kaagad akong napatayo mula sa pagkakahiga. Just what the fuck is going on!







Lei's POV:




Napatakip ako sa bibig ko nang hindi ko mapigilan ang pagdighay. Damn.. I'm so full.



"Pffftt..." tumingin ako sa kina Khera na pigil ang tawa. Ano kayang nakakatawa? Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagsubo ng fries.



"Grabe Lei, ilan ba ang dragon diyan sa tiyan mo?" Khera asked confused?


I shrugged. "Dunno," I simply replied.


Umiling-iling naman siya sa naging sagot ko. Problema naman niya? Anyway, nandito kami sa caf, taking our lunch, kasama ko sina Khera at Kris na sagot ang lahat ng kinain ko.


Hinimas ko ang tiyan ko, ang sarap talagang kumain. My past two week are really great, it felt like heaven.


"Sheena, hindi kaya nababaliw na si Lei?" rinig kong bulong na tanong ni Kris kay Khera.


"Huh?" sabat ko sa kanila.


"Ngingiti-ngiti ka kasing parang baliw eh."


"Ehh... di kaya."


"Hayaan mo na nga iyan, Kris. Ganyan talaga siguro kapag inlove, ayiieee.."


Bigla akong napayuko nang maramdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko.


"Uy.. nagba-blush siya.. ang cute.." kantyaw pa ni Khera sa akin.


Hindi ko na lang siya pinansin. Abala ako sa pagtampal-tampal ng magkabila kong pisngi nang bigla akong napatigil sa ginagawa nang mag-ring ang cellphone ko na noong isang linggo lang naibalik ni Khera sa akin. Buti na lang talaga may voice password ito dahil kung wala ay baka nabuksan na nila ito at nalaman nila ang mga hindi dapat malaman o tamang sabihin ay hindi pa panahon para malaman nila ang mga sekreto ko.


Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa akin at ganoon na lang ang pagsilay ng mga ngiti sa mga labi ko nang mabasa ang caller name na nakarehistro sa phone ko.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora