Vixen Forty-six: Grieve

2.6K 87 4
                                    

Renj's POV:



"Kumusta si Light?" kaagad na tanong ni Tito Grey kay Kuya Calvin pagkababa nito mula sa kwarto ni Lei.


"She's not good, not at all," simpleng sagot ni Kuya Calvin at kapansin-pansin ang pamumula ng mga mata nito. He cried?

Diretso lang siya sa paglabas ng mansion na ikinailing nila Daddy at Tito.


"Masyadong nagulat si Light sa nakita niya kanina," turan ni Dad. "Kaya hindi na nakakapagtaka na ganoon na ang naging reaksyon niya, ang nakakagulat lang ay ang hindi pangkaraniwan niyang lakas. Tell me, Grey, nagti-training ba si Light?"


"No. Hin--"


"Ikaw ba Grey ay nasusubaybayan ang mga pinaggagawa ng bunso mo?" putol ni Mom kay Tito.



"Aaminin kong hindi, talagang inaasa ko lamang ang seguridad niya sa mga knights na nagbabantay sa kanya." nakatungong sagot ni Tito Grey.


"How about you son since isa ka naman sa mga knights?" napalingon ako kay Dad nang ako naman ang binalingan niya.


Agad akong umiling-iling. " Wala naman akong napapansin na kakaiba sa mga kilos niya,just like before, an easy go lucky Lei ang nakikita ko lalo na noong nasa iisang building lang kami at madalas pa ako sa unit niya kesa sa sarili kong unit."


"Let--"


Naputol ang anumang sasabihin sana ni Dad nang muling bumukas ang pinto ng living room at pumasok si Kuya Calvin na may dala nang medicine kit at seryuso ang mukha.


"What's with the kit son?" Tito asked him.


Kuya Calvin heaved a sighed. "I forgot to tell you, Light's hurting herself." sagot niya at ipinagpatuloy na ang pag-akyat patungo siguro sa kwarto ni Lei.


"Light's sure is really in pain right now," Mom muttered.





Calvin's POV:



Bigla akong napahinto sa paglalakad nang mapansin kong may nakasunod sa akin. Paglingon ko rito ay si Aldwyn lang pala na blanko lang ang mukha. Hindi na lang ako umimik pa at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.


Sabay kaming pumasok sa kwarto ni Lighty at kung paano ko ito iniwan kanina ay ganoon pa rin ang nadatnan ko. Hindi ko rin mahagilap si Lighty sa buong silid kaya siguro ay nasa loob pa rin siya ng banyo.


"Where is she?" Aldwyn asked.


"Maybe she still in her bathroom." tugon ko sa kanya bago tinungo ang banyo at kumatok dito. "Lighty..." tawag ko rito ngunit walang sumasagot. "Lighty baby?"


"Are you sure that she's inside?"


"Yeah, pumasok siya rito bago ako bumaba to get this." sabi ko sabay pakita ng medicine kit. "Dahil may sugat siya sa kamay," dagdag ko pa.



Hindi niya ako sinagot, lumapit siya sa pinto ng banyo at pinihit ang door knob nito.

"It's open." Aldwyn muttered bago tuluyang binuksan ang pinto saka pumasok. "Fuck!" I heard him cursed kaya agad akong sumunod sa kanya sa loob.


"What happened?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa paglibot ng kanyang paningin sa kabuuan ng banyo, kaya sinundan ko na rin ng tingin ang tinitingnan niya at doon ko lang na-realized na makalat din ito.



Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Where stories live. Discover now