Vixen Sixty-four: Violet's On the Move

2.7K 84 1
                                    

Caden's POV:
(Miss him😉)




Lahat kaming lima ay biglang natigilan nang may biglang tumabi nang upo sa akin. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala kung sino ito.


"Woah! V... It's been a while!" si Jameson ang unang nakabawi sa pagkabigla.


"You think so?" tugon naman dito ni V sabay subo ng sisig na pulutan namin.


"And you bring a company eh? Miracle really did happened sometimes." komento naman ni Khairo habang nakatingin sa likod ni V kaya nilingon ko rin ito and there I saw a lady na mukhang hindi mapakali sa pagkakatayo.


"Uso umupo bitch..." biglang anas ni V na ikinakunot ng noo ko--namin pala dahil patuloy lang naman itong kumakain ng sisig.


"Sinong kausap mo V?" tanong ni Jameson sa kanya at walang imik na itinuro niya lang sa pamamagitan ng hawak niyang kutsara ang babae sa likod niya.


Napabuntong hininga na lang ako. V with her attitude. Sino naman kaya itong kasama niya? And yeah, Khairo was right, himala ngang may kasama ito ngayon at mas lalong himala na pumunta ito rito sa Black Kingdom ngayon.


Hmmm.. If I know, V must have something to deal in here right now at kung ano man iyon, who knows?


"Sit." turan ni V sa kasama niya sabay tayo niya mula sa pagkakaupo. "And wait me here. I'm gonna set everything." dagdag pa niya at kita ko naman ang alanganing pagtango ng kasama niya.


"Where are you going V?" hindi ko napigilang tanong sa kanya.

"Diyan lang. Later... And oh, bitch, don't be afraid, they won't bite." turan niya sabay baleng sa kasama niya saka tuluyang tumalikod.





Candice POV:


Wala akong nagawa kundi ang sundan na lamang ng tingin si Lei habang papalayo.


"So, who are you?" napalingon ako sa lalaking nagtanong, siya rin iyong pumuna kay Lei nang makita niya akong nasa likod ng huli.


"Oo nga," segunda naman niyong isa na mukhang makwela.


Lihim muna akong nagpakawala bago sumagot sa kanila. "I'm Candice," maikli kong sagot.


"Kaano-ano ka ni V?" napakunot ang noo ko sa sunod nilang tanong. Sa totoo lang kanina pa ako nagtataka kung bakit V ang tawag nila kay Lei.


"V stands for Violet," bigla akong napalingon sa kasama nilang kanina pa tahimik na parang nabasa niya ang nasa isip ko, he have the aura too, actually the five of them has the aura pero iba pa rin ang aura ni Lei kesa sa kanila.


"No. I can't read minds, you're just too obvious," dagdag pa nito nang hindi ako nagsalita.


"Why Violet, di ba dapat Lei?" hindi ko napigilang tanong sa kanila.

"Obviously, hindi mo pa nga talaga kilala si V. Now, I really wondering kung bakit ka niya isinama rito."


"Stop questioning her, kung ano man ang dahilan ng pagpunta nila rito, that's not are business anymore," sabat niyong isa pa nilang kasamang mukhang leader.


"Sabi ko nga, by the way, the name is Jameson," kaagad na tugon nung mukhang makwela. "At sila naman si Zhanex, Khairo, Kaikutsa at ang leader namin si Caden, and we are the Leonex Gang, V's partner in crime." dagdag pa niya sabay kindat at isa-isang tinuro ang mga kasama niya.


Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon